CHAPTER 1: SOFIA MET PRINCE + SHAKE HANDS

18 2 0
                                    

JANUARY 2013 ( SCHOOL QUADRANGLE ) 


"Hi Sofia", ulit na pagbati ni Prince sakanya, "H-hello, kilala mo ako?" ,biglang pagsagot naman niya matapos matauhan."Oo nu kaba naging classmate tayo last year pero one week nga lang kasi hinati yung section natin dahil sa sobrang dami na natin for one class" , Mahabang paliwanag naman ni Prince. 


Samantalang parang hindi pa rin makapaniwala si Sofia na kausap siya ng isa sa mga crush nya. "Wait it means na bago ko pa siya naging crush kakilala na niya ako? Samantalang ako kahit pangalan niya hindi ko alam?" biglang pagtanong naman niya sa sarili.


*FLASHBACK ( JUNE 2012 )*


Samu't-saring ingay ang maririnig sa LP HighSchool, one of the private school in Province of Pampanga. Pasukan na naman kaya nandyan na ang mga students na nagkakagulo , ingay dito ingay doon, may mga naghahanap ng room, meron din mga Mr and Ms magtanong kung saan po ung ganyan-ganyan.


Meron ding nakatambay sa corridor sa may 2nd floor habang patingin-tingin sa mga tao nasa baba. Katulad nalang ng grupo Adakrab Forever, isa sa sikat na grupo, hindi lang sa mga students pati na rin sa mga teachers sa LPHS. Kilala sila mula 1st year till now,hindi lang sa angking ganda nila kundi dahil na din sa ang Grupo nila ay isa sa mga best example ng mabubuting students ng LPHS.


Ang Adakarab Forever ay binubuo ng sampung babae, kabilang na dito si Sofia Bautista, ang pangatlong panganay at pinaka madrama sa lahat. Ang grupo nila maituturing na Friendship Goals dahil kahit na puro kalokohan ,ay napapanatili nila ang pagiging Top sa klasi. Maasahan at malalapitan din sila ,friendly kumbaga.


Samantalang napa tingin sa baba si Sofia nakita niya ang isang lalaking may suot na bonnet sa ulo na nakatayo sa gitna ng quadrangle. "Ang weird naman non parang may sariling mundo, but in all fairness likod palang mukhang gwapo na" anito na kinakausap ang sarili.


Sa kabilang banda naman biglang napatingin si Prince sa taas sa gawi kung saan nakatayo si Sofia, nang biglang nagkatinginan sila at kapwa tumigil ang oras para sa kanila.


"Sh*t! hindi nga ako nagkamali ang gwapo niya oh myyyy ... Ano kaya pangalan, ano section kaya niya?, ahh basta crush ko na siya wait---- wait I need to tell my friends , pero ano sasabihin ko ni hindi ko alam ang pangalan niya" parang baliw na anito sa sarili habang iniisip niya kung paano niya sasabihin sa mga friends niya.


"Rrrriiiinnnnngggggggggg!" Maingay na tunog ng bell hudyat na mag sisimula na ang klasi... Madali naman tumakbo si Sofia papunta sa kanilang room. Pagkarating na pagkarating niya agad niyang hinanap ang mga baliw niyang kaibigan.


"Friendshippppp!" tawag pansin niya sa kanila hindi pa man tuluyan nakaka-upo... "Saan ka galing?, bakit ngayon kalang?, last year na natin dito pero lagi ka nalang late! Wala ka bang balak magbago brad?" sunod-sunod na tanong ni carmela na siyang pinaka madaldal sa kanila. "Pashnea mamaya na tayo mag quizbee tanong ka ng tanong ee, listen to me first guys , may i chi-chika ako sa inyo" hindi maitago ang kilig na sambit niya. 


"May----" hindi pa tapos mag salita si Sofia ng pigilan siya ni Diane "hep! Hulaan ko , um na may nakita kang gwapo kaya may bagong crush ka na naman? Ano tama ba ako?", hulang sambit naman ni diane. "huh? bakit alam mo?" Tila hindi makapaniwala balik-tanong nito . "hahha well bakit daw guys?" tanong ni diane sa lahat ng kaibigan. "hahaha what's new?" sabay sabay na sagot nila. "oo na buset hahaha" natawa nalang na sabi nito.


*END OF FLASHBACK *


"Ahh ganon ba? I see ,Kaya siguro hindi ko na masyado maalala." Nahihiyang sambit niya. "Ayos lang, Prince nga pala ,Section C", naka-ngiting pagpapakilala naman ni Prince kasabay ng pag abot ng kanyang kamay upang maki pag shake hands sakanya. Pa-simpleng pinunasan naman niya ang kanyang palad sa kanyang suot na P.E. uniform bago i abot ang kamay kay Prince.


"N-nice to meet you", anito habang nagkakamayan sila. Samantalang parang walang balak bitiwan ni Prince ang kamay ni Sofia. "um ano, ung kamay ko" nahihiyang sambit nito nang mapansin magka hawak kamay pa sila. "hehe sorry" paghingi naman ng dispensa ni Prince sa kanya. 


"Attention students and faculty members , please fix your things after few minutes aalis na tayo , and please go find your adviser by section ang pila papunta sa bus". pukaw na sambit ulit ng head principal. Dali-dali naman nagpaalam sa isa't isa bago pumunta sa mga kanilang ka section. Ilang minuto lang at handa na ang lahat na umalis.


Ano kaya ang mangyayare sa Fieldtrip nila?


 A/N: What you think readers? Hahaha ... Anyway , Gusto ko lang mag thank you sa inyo na nagbabasa nito , And thank you sa mga nagu-gustuhan yung story. Please continue to support my story., And Hi sa mga silent readers kung meron man ... God Bless you all   

ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBERWhere stories live. Discover now