BAUTISTA HOUSE ( FEB 16, 4:30 PM)
"dingdong!" tunog ng doorbell hudyat na may tao sa labas ng bahay. Dali-daling pumunta naman sa labas si Maria, upang matukoy kung sino ang kamilang bisita. "Hi tita!" nakangiting sabay-sabay na pag bati ng mga dalagang kaibigan ng kanyang panganay na anak na si Sofia, pagkabukas nito sa gate. Nagulat man ang ginang ay agad naman din nakabawi at pinapasok sa loob ang mga dalaga.
"maupo muna kayo,paghahanda ko lang kayo ng mai-inom." paalam ng ginang bago pumunta ng kusina. Agad naman naka pag handa ang ginang ng miryenda para sa mga bisita. Tinulungan naman siya ni Marian na bitbitin ang mga hinanda nito. "tulungan ko na po kayo tita." Magalang na pag alok ng tulong ng dalaga sabay abot sa isang tray na hawak ng ginang.
"buti pala napadalaw kayo?" tanong ng ginang ng maalala na hindi pa pala niya natatanong ang mga ito kung ano sadya nila. "may lakad po sana kami, kaso po di nagrereply at di sinasagot ang tawag namin ni Sofia, kaya po naisip naming na puntahan nalang siya." Magalang na pag sagot ni Carmela. "ganun ba? Ayun nasa kwarto niya, tulog mantika pa hindi pa nagigising buhat ng pagka uwi nito kaninang umaga." Sabi naman ni Maria.
"ganun po ba? Pwede po ba naming siyang hintayin dito hanggang sa magising po siya?" pag hingi ng permiso ni Diane. Pumayag naman ang ginang at nagpaalam din muna ito doon lang muna siya kusina. Pagka alis naman ng ginang ay agad na nagtinginan ang mga dalaga at biglang may nabuo idea kung bakit hanggang ngayon ay tulog pa din ang kanilang kaibigan. Dalawa lang naman kasi ang pwede maging dahilan, ang una ay dahil lasing ito, pangalawa naman ay hindi siya makatulog dahil sa may gumugulo na naman sa kanyang isipan.
"hindi naman tayo uminom sa Party kagabi kaya impossible naman na lasing siya." Sabi ni Gia. "lam na this mga bebe malamang na hindi nakatulog ang ating prinsesa dahil sa nangyari kagabi hahaha." Natutuwang idea naman ni Diane na kinikilig pa din para sa kaibigan niya. Nagngisihan naman ang mga dalaga.
Sa kabilang banda naman sa kwarto ni Sofia, biglang nag alimpungatan ang dalaga. Agad nitong dinilat ang mata at tinignan ang orasan, napatayo naman ito ng makitang mag aala-singko na ng hapon. Tamad naman siyang humiga ulit at naisip na naman ang dahilan kung bakit ito napasarap ng tulog. Pag kauwi kasi nito ay hindi agad siya nakatulog dahil sa iniisip pa din ang paghalik ni Prince sa kanya. Kinikilig na inaalala niya ulit ito ngayon bago niya maisipan na bumangon na.
Kinuha naman niya ang kanyang cp na nasa side table,bahagya pa siyang nagulat nang makitang 103 messages siya at 58 miss calls. Binuksan niya naman ito halos lahat ng nakita niya ay galing sa mga baliw niyang kaibigan at may iilan din na group message galing sa iba nitong kakilala. Natigilan naman siya ng may makita itong unregister number. Hindi lang isa kundi dalawa ,kinutuban naman ito na baka ang stalker na naman niya ito kaya agad na nabitawan ng dalaga ang hawak na cp.
Dali-dali siyang bumaba upang mag punta ng kusina para uminom ng tubig dahil parang lumakas ang tibok ng puso nito dahil sa kaba. Nagulat pa ito ng makitang nasa baba ang mga kaibigan nito na masayang nagkukwentuhan sa kanilang sala. Tumakbo naman si Sofia at agad na napayakap kay Marian. "girls buti nandito kayo may sasabihin ako" tarantang wika nito. "Teka, what happen? , bakit ka ba tumakbo, bakit parang daig mo pa ang takas sa mental haha? Tsaka huminahon ka nga muna ,bakit kaba parang kinakabahan?" Sunod sunod na tanong ng mga kaibigan nito sa kanya.
Pinaupo naman nila si Sofia at binigyan din ng maiinom, ng kumalma ito ay agad na nagpaliwanag ito kung bakit siya nagka ganun. "ganito kasi yan pag bukas ko ng mga message ko may nakita akong dalawang unregister number , kinutuban ako na baka ang stalker ko na naman ito, sa sobra kaba ko nagmadali ako bumaba para sana uminom ng tubig. Alam niyo naman kung gaano nako natatakot sa stalker na yon sobra trauma na ata ako sa mga unregister number na nagtetext or tumatawag sakin." Mahabang paliwanag nito habang mangiyak ngiyak pa sa sobrang kaba.
Pinakalma naman siya ng mga kaibigan niya. "Okay ganto relax ka muna , wag mo muna isipin na stalker mo yun dahil sa hindi ka pa din naman sigurado." Ani Marian habang hinahagod nito ang likod ng kaibigan upang pakalmahin siya. "ano ba ang sabi niya sayo? ka text format niya ba ang stalker mo?" pagtatanong ni Diane. "ewan ko, hindi ko alam. Hindi ko pa binubuksan ng tuluyan ng message basta pagkakita ko unregister number binitawan ko na agad ang phone ko at madali akong bumaba dito." Paliwanag na sagot naman n Sofia.
Naintindihan naman ng mga kaibigan niya kung bakit sobra natatakot siya dahil maging sila ay naiisip na sobra creepy na ng stalker nito dahil sa napaka misteryoso nito. "anong balak mo niyan? Mukhang hindi ka titigalan nun, e naka ilan palit ka ng sim card pero lagi niya pa rin nalalaman ang number mo." Tanong naman ni Charm. "ewan ko na." maikling sagot nito habang iniisip pa kung ano ang mas magandang gawin para huminto na ang kanyang stalker.
"Okay ganto nalang , habang hindi kapa sigurado na siya ang stalker mo, this time mag reply ka tanungin mo siya kung sino siya. If napatunayan mo na siya din ung stalker mo doon mo siya I block ulit. Alamin mo muna kung sino ang nag text at kung ano sinabi niya." Pagbibigay payo naman ni Alice.
"tama for now , basahin mo muna yung message mo harapin mo yung takot mo, wag kang matakot sa kanya dahil nga hindi tayo sigurado na baka siya nga ang stalker mo. Baka kasi malaman niya na natatakot ka sa kanya baka gamitin niya ito na kahinahan mo. Dapat ipakita mo na wala lang siya sayo para kahit hindi mo pa siya kilala ma feel niya na wala lang siya para sayo." sabi ni Carmela.
Napangiti naman ang mga kaibigan nito pati siya dahil sa sinabi ni Carmela. "kapag talaga minsan may tama ka hahaha may napapala din ung kadaldalan mo hahaha, kaya minsan sayo ako e haha" Natatawang sabi ni Gia kay Carmela matapos sabihin ng dalaga ang payo nito. "haha ako pa ba?" pagmamalaking tanong nito. "nasan ba ang phone mo at ako na ang magbabasa para sayo." suhestiyon naman na sabi ni Marian. Sinabi naman niya na nasa itaas ito kaya agad na pumanhik ang kaibigan nito upang kunin ang kanyang phone sa kwarto. Pagkababa naman nito ay naghanda ang lahat at nag seryoso na para bang may urgent meeting sila.
Sino kaya ang nagtext kay Sofia? Ano kaya ang sabi nito ?
A/N: hi readers? Kamusta? Miss niyo ba si author ? haha baka naman sina sofia and prince ang na miss niyo?
YOU ARE READING
ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBER
RomanceSYPNOSIS: Kabilang si Sofia sa samahan ng mga NBSB, isa din siya sa mga babaeng single pero marami ang crush kumbaga para sa kanya crush lang sapat na. For her hindi na niya kelangan ng boyfriend dahil naniniwala siya na sakit lang sa ulo ang pakiki...