CHAPTER 3: BARASOAIN CHURCH

14 2 0
                                    

"Good day students , please fix yourself because we arrive at our first destination which is Barasoain Church, is a Roman Catholic church here in Malolos, Bulacan". Wika ng magsisilbing tour guide nila sa kanilang lakbay-aral. Excited naman ang lahat na bumaba ng bus. 


Habang hinihintay naman nina Sofia at Marian sa labas ng bus, si Carmela na bumalik sa loob upang kunin ang kanyang camera na naiwan, ilang sandali lang ay bumaba din ang hinihintay nila. Agad naman sila naglakad papasok sa simbahan.


"Hoy! bilisan niyo" sigaw ni Diane , na nasa may labas pa kasama ang iba para hintayin sila. "eto kasing panget na to camera nalang ang dala kakalimutan pa." ani Marian "Wag na kayo magreklamo dyan, kung hindi ko to binalikan sino kukuha ng mga pam profile picture nyo aber?" wika naman ni Carmela "tama na yan, nasa tapat tayo ng simbahan ang ingay niyo" sermon na sabi Jelly.


Abala ang mga students sa loob ng simbahan, may mga taimtim na nagdarasal, may kumukuha ng pictures, may bumibili ng mga pasalubong o souvenir. Pikit mata naman nagdarasal si Sofia ng may naramdaman siyang tumabi sa kanya, tinignan naman niya ito upang mapag sino ang tumabi sa kanya. 


"Hi, may trivia ako sayo" bati ni Prince na siyang tumabi sa kanya. "Ano ?"tanong nito "na kapag first time mo sa isang simbahan pwede kang mag wish at paniguradong matutupad ito". Sagot naman ni Prince. "talaga?" interesadong tanong ulit nito. "oo, kaya mag wish kana, wala naman mawawala sayo kung susubukan mo" nakangiting sabi ni Prince habang sumenyas ito na pupuntahan lang niya ang mga kasama nito.


FAST FORWARD ...


Abot tenga ang ngiti ng Adakrab Forever habang naglalakad palabas ng simbahan, hindi nila mapigilan ang humanga sa ganda ng simbahan lalo na ang interior design nito. Nang biglang lumitaw na parang kabute si Prince sa tabi ni Sofia. Hindi naman mapigilan tuksuhin siya ng mga kaibigan niya "Uyy Prince , bodypatner talaga ang dating natin ah sulpot ka ng sulpot kung saan ee" tuksong sabi ni Gia "Haha mahirap na baka mawala pa" wika naman ni Prince . Lalong umingay ang tuksuhan dahil sa sinabi ni Prince.


"Hep!hep! tama na yan pulang-pula na ang bhestie natin na may mahabang buhok hahaha" dagdag na naman ni Celine . Nagtawanan naman ang lahat habang si Sofia ay nahihiya na yumoko sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan nito na para bang sinasadya nilang mang asar. "Wait magtabi nga kayo ng konti pa kukuhanan ko kayo ng picture para naman mag ka-developan kayo este para naman may souvenir kayong mag bodypartner haha." Utos ni Carmela naman habang may kasamang pang aasar.


"Clickkkk!" Tunog ng camera shot. Agad naman tinignan ni Carmela ang kuha. "ay hindi kayo mukhang tao dito tignan niyo man" sabi ni Carmela habang pinapakita sa kanila ang kuha litrato nila. "anong problema sa mukha namin?" Tanong ni Prince . "oo nga" sang-ayon ni Sofia


"promise hindi talaga kayo mukhang tao dito, kasi mukha kayong bagay hahaha" tawang banat naman ni Carmela . Lalong naramdaman ni Sofia ang init sa kanyang mukha dahil sa sobrang kota na pang-aasar na ng mga kaibigan nito. Nag angat siya ng tingin at isa-isa niyang binigyan ng tiger look ang mga kaibigan na para bang nag sasabing "tumahimik na kayo kung ayaw niyong magkagulo dito" nakuha naman nila agad ang nais iparating ni Sofia.


"tara na po sa bus Ms." Sabi naman ni Prince sakanya habang naglahad ng kamay. Hindi pa man nakakapag salita si Sofia ng may maramdaman siyang humawak sa kamay niya at ibinigay sa nakalahad na kamay ni Prince , nang tinignan niya kung sino ang gumawa nun biglang umusok ang ilong niya na parang toro. "Buset ka Carmela,humanda ka sakin mamaya" anito sa sarili. 


Wala naman siyang nagawa dahil na-una na mga kaibigan niya , at sinubukan naman niyang kunin ang kamay niya kay Prince pero wala ata itong balak bitawan. Kaya ang nangyare bumalik sila sa bus na mag ka HHWW ,holding hands while walking .


 A/N: hi readers ... haha anong masasabi niyo sa ating bida?  Kayo ba may barkada katulad ng Adakrab Forever na sobrang mang asar porke kilala nila ang crush niyo at Anong maipapayo niyo kay Sofia kung ano dapat niyang gawin sa mga kaibigan niya? Hahaha , Hi silent readers ... lovelove ...

ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBERWhere stories live. Discover now