LP HIGHSCHOOL
Abala ang mga guro at studyante sa paghahanda para sa kanilang foundation day na magsisimula na bukas. Hindi na muna nagturo ang mga guro para mabigyan ng oras ang bawat mag aaral by year na pumili kung anong booth ang gusto nilang I handle, may fund raising kasi na magaganap kaya kailangan ay pinag isipan talaga nila kung anong booth ang tingin nila ay kikita ng malaki. Every year level ay may dalawang booth dapat ngayon kung ilan ang section kada year ay I di-divide by two para fair ang pag handle ng bawat booth.
Ang napili ng mga 1st year ay hena booth kung saan pwede kang magpa tattoo gamit ang hena at ang boutique booth kung ang hilig mo naman ay mag shopping. Ang 2nd year naman ay dedication booth kung saan pwede kang magbigay ng letter na babasahin ng naka mike na maririnig sa buo campus at ang isa ay ang kiss booth kung saan pwede kang magpalagay ng kiss mark kung saan parte ng katawan mo gusto.
Ang 3rd year naman ay napili nila ang jail booth kung saan pwede kang mag suggest na couple or pwede I loveteam na gusto mong ipakulong at ipaposas ang isang kamay nila then pagkatapos nila sa jail booth bago tuluyan makalaya ay deretcho muna sa wedding booth kung saan sila kailangan na ikakasal bago sila tuluyan pakawalan. Ang 4th year naman ay Jamming booth kung hilig mo naman ay tumugtog or makinig ng musika at ang isa pa ay ang restobar dito naman pwede tumambay ang mga mahihilig sa pagkain.
Matapos ma final ang mga assign booth ng mga students ay agad silang pumunta sa kanilang assign place kung saan nila napiling itayo ang booth nila, para makapag simula na din silang mag decorate. Tulong-tulong ang bawat section na nakatoka sa kani-kanilang booth kaya hindi naman sila masyadong natagalan at nahirapan.
Ang section Proverb at Leviticus ay nasa may Parent area kung saan isang room siya , napili nila ito na dito nalang ang kanilang booth para nadin hindi masyadong mabulabog ang other booth kapag may nag ja-jamming.
"kainis to! Bakit hindi ko pa din makuha? Ilang ikot na pero hindi parin mabuo-buo" reklamong sabi ni Sofia , ang tinutukoy nito an gang kanyang hawak-hawak na rubik's cube na pilit nitong binubuo. "kasi daw po ay kailangan na tumulong ka muna tignan mo busy kami tapos ikaw chill ka lang nakakahiya naman po sa inyo madam." Himutok na sermon ni Carmela sa kaibigan.
Tila wala naman narinig si Sofia sa sinabi ng kaibigan niya patuloy padin nitong pinapa ikot-ikot ang hiniram niyang rubik's cube sa kanyang kaklase. Biglang may naramdaman na nagvibrate ito sa may bulsa niya sa kanyang palda. Kaya agad nitong kinuha ang cellphone nito na nag vibrate tanda na may text ito, agad naman nitong binuksan ang mensahe natanggap at napangiti agad ng makita kung kanino nang galing ang text na natanggap.
"busy ka?" tanong na text na natanggap niya galing kay Prince. "hindi naman,why?" balik tanong nito sa katext na binata. "weh? Hindi daw siya busy mag rubik's cube hahaha." Natatawang reply naman ni Prince. Pagkabasa ng dalaga sa reply ng binata ay agad itong napatigil at agad na nagpalingon lingon sa paligid, ngunit kahit anino ng binata ay hindi niya nakita.
Magtitipa na sana ito ng reply para tanungin kung nasan siya bakit niya alam na nag ru-rubiks cube ito nang biglang may kumalabit sa kanya sa likod nito, nang tignan nito upang mapag sino ay agad na mukha ng binata na nakangiti ang sumalubong sa kanya.
Nasa likod pala niya ito , nasa loob ng parent area ang binata at siya naman ay nasa labas isang pader ang pagitan nito kaya hindi madaling nakita ng dalaga ang binata. Sakto kasing nasa may bintana sa pwesto ng dalaga kaya madali naabot ni Prince si Sofia upang kalabitin ito.
Agad na lumabas naman ang binata para tumabi kay Sofia. "tapos na kayo?" tanong ng dalaga. "hindi pa sila tapos hahaa" natawang sagot naman ni Prince. "e bakit andito ka bakit dika tumulong?" tanong ni Sofia. "E bakit ikaw haha." Balik tanong nito. Natawa nalang sila pareho sa isa't-isa.
"nga pala nung tinignan ko ung phone ni Carmela para tignan ang picture natin, may nakita akong pics mo nung bata kapa, ung nag graduate ka ng kinder ata yun haha." Na alalang sabi ni Prince. "di nga , nakakahiya." Ani Sofia sabay yuko nito dahil sa bigla itong nahiya.
"ang cute mo nga nung baby kapa e haha, pero alam mo mas cute ka kung magiging baby kita hahaha." Biglang banat ni Prince sa dalaga, kasabay nito ang pamumula ng pisngi ang dalawa. Si Sofia na namula dahil sa kilig sa pabiglang banat ng binata, si Prince naman ay namula dahil sa hindi sanay na pagbanat nito in person. Nang makabawi ang dalawa ay biglang nagsalita na naman ang binata.
"nga pala baka gusto mo bumili sakin ng ballpen." Pa iba nitong sabi. "magkano ba?" seryoso tanong naman ni Sofia. '50 lang' sagot nito. "Mahal naman!" gulat na sabi nito kaya napalakas ang sabi nito na naging dahilan kung bakit napatingin ang iba nilang kasama sa gawi nila, may mga ngumisi pa nga. "bakit Mahal? Haha" natatawang tanong naman ni Prince.
Bigla naman napatigil ang dalaga ng mapag tanto bumabanat lang pala ang binata, akala kasi nito ay seryosong nagbebenta ng ballpen yun pala ay may the moves na si Prince. Lalo tuloy namula ang pisngi nito, napayuko pa dahil sa nagsigawan at tinutukso sila ng kapwa students na nakarinig sa pagtawagan nilang Mahal.
May sumigaw pa nga na lalaki. "Nice one pare haha.!" Natatawang sigaw na kung sino siguro ay isa sa mga kaibigan ng binata. "tabi ung buhok ni Sofia maapakan niyo hahaha." Dagdag na sigaw ng isa sa kaklasi naman ng dalaga. "nice one Prince! Graduate kana sa pagiging torpe hahaha." Isang malakas na sigaw ni Jordan na kaibigan ni Prince at pinsan naman ni Sofia. Lalo umingay ang kantiyawan at sigawan.
Nagtinginan naman ang mga kaibigan ng dalaga at biglang ngumisi. "1 .. 2.. 3..." bilang na pasigaw na bilang ni Carmela "congratssssssss!" sabay sabay na pagbati ng Adakrab sa binata pagkatapos ng pagbilang ni Carmela. Nagpalakpakan naman ang nandoon naki Sali din ang iba dahil siguro sa narinig din ang palakpakan nila.
Nagtinginan naman sina Prince at Sofia , napangiti nalang sila at sabay na umiiling iling nalang dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan at kaklasi nila.
A/N: hi po .
YOU ARE READING
ONE MAGICAL NIGHT TO REMEMBER
RomanceSYPNOSIS: Kabilang si Sofia sa samahan ng mga NBSB, isa din siya sa mga babaeng single pero marami ang crush kumbaga para sa kanya crush lang sapat na. For her hindi na niya kelangan ng boyfriend dahil naniniwala siya na sakit lang sa ulo ang pakiki...