Nakapagtrabaho kami sa isang kilala na banko after college. Nasa Loans Department ako na-assign, siya naman sa Credit & Collection. Kahit na magkaibang department kami, palagi pa rin kaming magkasama, sa break time, sa lunch at maging sa pag-uwi. Close friends nga eh. Hanggang doon lang ‘yun.
Our officemates always eye on us sa tuwing magkasama kami. Akala kasi nila magkasintahan kaming dalawa dahil parang hindi kami mapaghiwalay. Deny naman ako ng deny.
“Hindi ka-mi…. at walang ‘ka-mi’. Close friends lang talaga.” Binigyan ko talaga ng emphasis ang word na ‘kami’.
“Weh? ‘Di nga? Kahit mawalan pa ng trabaho?” Tanong ng kasamahan kong si Justine.
“Oo. Promise.”
“Kahit na matamaan pa ng kidlat?” Tanong naman ni PJ.
“Oo nga… kulet niyo.”
Sa ‘di inaasahang pangyayari biglang bumigay ang mga langit ng isang napakalakas na kulog at sinundan naman ng kidlat. Ngee… Ba’t ganun?
“O hala… Mismo ang kalangitan ‘di makapaniwala. Nagpoprotesta!” Sigaw ni PJ.
They all laughed at my reaction. Para raw akong nasa highschool na tinatanong sa slumbook kung “who is your crush?” Nag-blush tuloy ako. Is this the sign? Ito ba ‘yung pinapahiwatig ng langit sakin? O baka naman nagkataon lang. Pesteng pagmamahal nga naman oh.
---
“Grace.” Tawag sakin ni Justine. “May paparating.”
Kumabog ang dibdib ko. Sa sobrang kaba, animoy mapupunit na ang uniform ko. Sa tono ng pananalita ni Justine alam kong si Hans ‘yung tinutukoy niya. Malayo pa lang si Hans amoy na amoy ko na siya. Kahit na pumikit pa ako, kusang kinikiliti ng pabango niya ang ilong ko.
“Oh Hans.” Bungad ng Department Head namin. “Napadaan ka?”
“Ah, wala naman po. Dinadalaw ko lang ang inspirasyon ko.” Walang pagdadalawang isip niyang sinabi. Tumingin siya sakin. Kitang-kita ko ang mga mata nilang nakatutok saming dalawa. Parang mga chismoso’t chismosa na naghinhintay sa susunod na mangayayri. Ang mga walanghiya! Panay ang hiyawan at tukso.
Natigilan ako ng sinabi niyang, “Joke lang. kayo naman, hindi na mabiro. May ipapabasa lang ako kay Ebony.” Tapos lumapit siya sa table ko.
“Anong meron?” Tanong ko naman. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga kinikilos niya. He always left me confused and hoping at the same time. He let me read the funny stories he printed a while ago. Pumunta talaga siya dito para lang ipabasa sakin ang mga ito? And now he’s raising a fuss. Hindi ako maka-concentrate dahil sa pagmamasid ng mga officemates ko samin. Tawa lang ako ng tawa kahit na hindi ko naman naiintindihan ang ibang mga jokes dahil sa naconscious ako.
They started interrogating me nang makaalis si Hans.
“Ano ba talaga ang status niyong dalawa?” Justine asked me while crossing her arms.
“Nasagot ko na nga ‘yan kanina diba? Friends nga... I mean close friends… Magkababata kami… ‘Yun lang yun.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
Hindi raw sila makapaniwala. Maraming nagsasabing bagay na bagay daw kami. Kathniel lang ang peg! Siguro naman nahahalata niya rin iyon. But he’s ignoring it all the time, and I keep on denying it on the other hand.
Pero tama naman diba? Fiends lang talaga kami. Naalala ko, paano ‘yung kasunduan namin last year? I’m sure nakalimutan na niya. I know he’s a natural jester. Palabiro talaga ang lalakeng ‘yun. Minsan nga ‘di ko na alam kung seryoso ba siya sa mga sinasabi’t pinaggagawa niya, o kalokohan lang.
---
June 2, 2005. Thursday.
Satus check:
Me? Single na single.
Siya? Single pa rin.
Ok fine. 9 more years to go. Bigla akong na-excite. Eeeeeh… Hindi dapat ako umaasa, pero ito lang ‘yung meron ako ngayon – hope. Why do we have to wait that long? Because of that love agreement.
“Here.” May iniabot siyang isang maliit na box sakin. When I opened it, it was a mug. Birthday gift niya raw para sa tuwing umiinom ako ng kape ay naaalala ko siya. Does he have to remind me thinking about him? Segu-segundo kaya siyang bumibida sa isipan ko.
“Para talaga sakin ‘to? Sure ka?” As if naman hindi ako kinikilig. Ultimo pagtitig pa lang niya, nanunuyo na ang lalamunan ko, tapos niregaluhan pa ako.
“Bulag ka ba? May pangalan nga oh.” Inilabas niya ang mug mula sa box at itinapat sakin. Wow… personalized mug. May nakalagay – ‘Ebony’
“Salamat Hans.” Bulong ko. Syempre hindi ko pinapahalata na sobrang nasiyahan ako. Baka isipin niyang nilalagyan ko ng malisya. “Sorry wala akong gift ha. Ililibre na lang kita sa lunch.”
“Wag na. Ganyan ka naman palagi eh.”
“Uyy... ang sama mo ha.”
Napatawa siya. “Joke lang. Basta ‘wag na ‘wag mo akong bibilhan ng kahit na ano mang bagay, hindi naman ako mahilig dyan.”
Kahit noon pa man, naaaksiwa siyang tumanggap ng regalo; ang corny daw. Gusto niya siya lang palagi ang nagbibigay ng regalo. Napaka-generous niya talaga and that’s one of the reason why kung bakit ko siya hinahanga-an.
I took it as a friendly gift. Ooppss... “Walang double meaning.” Pilit kong pinapaalala sa sarili ko. As for now, go with the flow lang ako sa mga nangyayari. Napakabata ko pa para ifocus ang atensyon ko sa mga ganyang bagay. I know love is a gamble and I’m not being too skeptical about it. Hindi pa ako handing makipagsapalaran para dyan… para sa isang fairy tale romance.
Everything will fall in its proper places, at the right time and at the right moment. I should not close my door to anyone, because what if someone comes in and I’ll realize na hindi naman pala talaga si Hans ang inilaan para sakin? I think hindi ‘yun kakayanin ng puso ko. All my life siya lang ang pinapangarap kong makasama habang buhay. But life as it is, we have to take it slow. I’m just thankful for the friendship that we are enjoying right now. I must be contented with it. Nothing more, nothing less.
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...