Looking back, sana hindi na lang kami nagkakilala. Sana hindi na lang kami naging close. Baka kung sakali, hindi na ako umaasa katulad ngayon.
What’s the difference between waiting and hoping by the way?
Heto ako ngayon parang mababasag sa ka-aantay. Konting panahon na lang, baka magkalat na sa sahig ang puso ko. Buong buhay ko, si Hans lang ang lalakeng ginusto at minahal ko. He’s so near yet so far. Ang pakiramdam na nakikita, nakakausap, at nakakapiling ko siya araw-araw, pero parang kailangan ko pang maghintay ng ilang taon para mapansin niya.
Umaasa din akong magkakatotoo ‘yung kasunduan namin. I would be the happiest girl, if and only if, the feelings are mutual. Araw-araw pinapanalangin kong maging masaya ang mga mahal ko sa buhay, dahil kung masaya sila, masaya na rin ako. Everybody deserves a happy ending. Kung hindi man si Hans ang happy ending ko, tatanggapin ko ‘yun ng buong puso. At least, sa 9 years na ‘yun, simula ng kasunduan namin, binigyan niya ako ng pag-asa… pag-asang mahalin siya. Ayos lang naman sakin ang maging loveless, huwag lang maging hopeless. Nakakamatay ‘yun.
Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang meron kami ni Hans. Kaya habambuhay kong pahahalagahan ang pagkakaibigan namin. Bonus na lang sakin ‘yun kung maging more than friends man kami.
---
June 2, 2013. Sunday.
Status Check:
Single Pa rin ako,
Single pa rin siya.
Today is our 29th birthday. “Hooo!” I made a loud sigh. Isang taon na lang talaga Grace, you’ll know if the agreement will work. Kinakabahan ako. Ang daming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon. Who knows? Baka pagkalabas ko ng bahay, madapa ako at may isang estranghero na tutulong sakin. Our eyes will meet each other hanggang sa matunaw ang puso ko. “Hay, erase erase!” What am I thinking about? Nagpagulong-gulong ako sa kama.
Pwede rin namang may makasalubong si Hans na isang magandang babae. Mahuhulog ang dalang libro nito, dadamputin ni Hans, magdidikit ang mga kamay nila and they will exchange numbers. Hai… Ang saklap. Ang daming bumabagabag sa kokote ko. Ang gulo-gulo na! Parang EDSA!
Sinubsob ko ‘yung ulo ko sa unan habang nakadapa sa kama. Narealize ko, ang tanda ko na pala. May Gulay! Hindi man lang ako nagkaranas mag-date sa edad na ‘to. Paano ba naman, hindi ko makuhang tumingin sa iba, kay Hans lang umiikot ang mundo ko. Kung sakali mang hindi matupad ang kasunduan namin, this is it na talaga – Carmelite Monastery, here I come!
Napapitlag ako ng biglang nag-ring ‘yung cellphone ko. When I checked the caller ID, it was Hans. Niyakap ko ng mahigpit ang unan.
“Happy birthday Bon!” Kumabog bigla ang dibdib ko. Saan na naman kaya hahantong ang usapang ito? Kahit kelan, nakakakilig pa ring pakinggan ang boses niya. He has this deep and manly voice. Ang sarap sa tenga. Pwedeng pwede siya maging dj.
“Happy birthday too Hans, saan ang handaan?” pabiro kong tanong.
“Yun na nga eh. Tatanungin ko sana kung pwede ka ba ngayon?”
“H-ha?” nauutal-utal kong sagot. “Mmm… Magpapaalam muna ako kina Nanay.”
“O sige. Tawagan mo ‘ko agad ha?”
“Okay. ‘San ba tayo pupunta?” tanong ko as if hindi ako kinikilig. Halatang gustong-gusto ko naman.
“Basta. You’ll know later.”
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...