Hai salamat. After 10 years simula nung love agreement namin ni Ebony, nabigyan din ako ni Baby Gin ng chance na makapagkwento ng side ko. Thank you Author! (Anything for you Hans! ~_^… Ang story niyo lang naman ni Grace ang first novel na natapos ko sa buong buhay ko. Nastress at napuyat ako ng bonggang bongga sa inyo ha. Ganyan ko kayong dalawa kamahal ni Grace!)
Haha! Kaya lab na lab din kita Author! (Whoops! Baka magselos si Grace nito sakin Kuya Hans ha?)
Anong kuya hans ang pinagsasabi mo Author? (Mas matanda ka kaya sakin. ‘Diba 30 kana, eh 23 pa lang ako noh!)
Ang daya mo naman! =( (Wala ka namang magagawa eh. Hehe. Buo na ang kwento ninyo, Epilogue na lang ang kulang. Congrats nga pala sa future ba---)
Sshh! ‘Wag ka ngang maingay Author! Secret lang natin ‘to eh. (Pagbigyan mo na ako Hans, minsan lang naman akong kiligin eh!)
Asus. Balita ko nga wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon. Why? (Ouch.)
Hehe. Joke lang Author! Someday matatagpuan mo rin ang greatest love of your life. (Palibhasa may Grace ka na. Pero ok lang, sana magdilang anghel ka Hans. Gusto ko nga pa lang magpa-thank you sa inyo ni Grace. Alam mo ba kung gaano ako kasaya noong natapos ko ang story ninyo? As in sobrang saya! Hindi man ako kagalingan magsulat masyado pero masayang masaya ako nang natapos kong maisulat yung last sentence sa kwento niyo.)
Naks! Wala ‘yun Author! Thank you din, dahil sa’yo mabibigyan ko na si Ebony ng ‘happily ever after’. (Aww. Ang sweet mo naman Hans. Iregards mo na lang ako kay Grace ha?)
Sure, magkikita kami mamaya. (Always naman eh. ^_^ By the way, ang gwapo mo d’yan sa picture mo sa kanan ha! Ahehe… Saan ‘yan? Bakit mag-isa ka lang? Nasan si Grace?)
Magkasama kami niyan. Siya kasi yung nagpipicture sakin dyan eh. Patay na patay kaya yun sakin! Haha (Weh? >_< Siguraduhin mo lang na wala kang iba ha? Kundi babaguhin ko talaga ang ending ng story ninyo. Sige ka!)
Uy... Loyal na loyal kaya ako kay Ebony. Author naman! (Hehehe. Joke lang din! =) O siya, ang dami ko ng nasabi. Bibigay ko na sa’yo ngayon ang spotlight. Goodluck Hans!)
Thank you Bee! (You’re welcome. Sige alis na’ko. Ikaw na ang bahala dyan. Bye! Xoxo)
---
Ilang buwan na ang nakakalipas at hindi pa rin ako makapaniwala na nandito at nakahiga sa mga braso ko ang babaeng mahal na mahal ko noon pa man. Hinawi ko ‘yung buhok na nakaharang sa mukha niya. Dati hanggang sa panaginip ko lang siyang natititigan nang ganito. Now, I got to look at her face and hug her as long as forever never stops.
Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ‘to. Alam ko naman dati pa na mahal niya rin ako, pero tiniis ko hanggang sa mag-30 kami bago magtapat sa kanya. Iniisip ko kasi noon, kapag nagka-aminan na kaming dalawa, baka mawala na ‘yung love itself. Duwag? Oo na. Duwag na kung duwag. Natakot lang ako sa posibilidad na baka masira ang pagkakaibigan namin. Kapag kasi minamadali mo ang isang bagay,usually pangit ang kalalabasan nito. At ayaw kong matulad kami ni Ebony dito. I took my chances one step at a time.
Ang daming bumabalik na ala-ala nang tinititigan ko ang mukha niya.
Those eyes. Ang mga mata niyang napaka-inocente. Tandang-tanda ko pa noong 20th birthday namin. Nag-iinuman kami ni Edge sa bahay nila habang siya ay pinapanood lang kami. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa nakaabot kami sa matters of the heart. Gumawa kami ng kasunduan. Nagpanggap ako noon na sobrag lasing. Pero ang totoo, buhay na buhay ang diwa ko.
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...