June 2, 2004. Wednesday.
Birthday namin noon- Me and my twinbrother, at ni Hans- the guy I secretly admired ever since. Nag-uusap usap kami tungkol sa lovelife namin.
“Ebony, bakit wala ka pang boyfriend?” tanong ni Hans na parang nang-iinsulto.
“Aba, makapagsalita ka parang may girlfriend na. Ikaw din kaya.” Inirapan ko siya.
“Tayo na lang kaya?”
“Ano??? Hinahamon mo ba ako?”
Agad lumabas sa bibig niya ang napakapogi nyang ngiti. “Ganito na lang… ‘Pag naka-abot na tayo ng 30, at single ka pa rin, single din ako, tayo ang magkakatuluyan!” Excited niyang sabi.
“Sure ka? Game ako! Walang bawi-an ha?”
“Okay… Walang atrasan! Ang usapan ay usapan.”
“O sige. Period.” Sagot ko.
Kumuha siya ng papel at nagsimulang magsulat.
~~Love Agreement~~
~We, Hans Jazzer Luzandre and Grace Ebony Flores, promise to marry each other at the age of 30 if both of us are still singe at that time. Magsasama kami at magmamahalan habambuhay~
“Teka lang!” Inagaw ko sa kanya ang papel. “What if 30 years old na nga tayo, parehong single, pero nagka-boyfriend o girlfriend in between. Valid pa ba yun?”
“Edi dagdagan natin ng rules.” Kinuha niya ulit ang papel mula sakin at dinagdagan ang mga nakasulat.
~Dapat hindi pa nagkaka-into relationship simula ngayon hanggang sa June 2, 2014. Kapag nagka-boyfriend or girlfriend in between, this agreement will become null and void~
Witnessed by: Gregory Edge Flores ~
Napansin ko ang kambal kong si Edge na tahimik lang kaming pinagmamasdan. Naniningkit na rin ang mga mata niya.
“Okay. Deal!” Sabay naming sabi ni Hans. And we both signed the agreement.
Ang lakas din naman ng loob naming gawin ‘to. Desperado’t desperado sa pag-ibig eh. Alam kong lasing na silang pareho ni Edge, kaya siguro walang kamalay-malay niyang napag-isipan ‘to. Ako naman, go lang ng go.
Nakasandal na ang mga mukha nila ni Edge sa mesa. Ilang bote rin ng alak ang naubos nilang dalawa. Pinagmasdan ko ang love agreement. Hindi ako makapaniwala na pumasok ako sa ganitong bagay. Hindi biro ito ah. Pagpapakasal na kaya ‘yan. Pero pangkatuwaan lang naman siguro ‘to. Kung alam mo lang Hans, seryoso ako sa agreement na ‘to. Ikaw ba? For real o baka lasing ka lang talaga? Bukas eh malilimutan mo rin naman ito.
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...