Ch 12 - I'm Definitely Yours

1.4K 52 0
                                    

After a month, Hans asked me to marry him. Of course, I said Yes. Wala na akong maihihiling pa. Siya lang ang nais kong makasama habangbuhay.

I couldn’t imagine how things fall in its proper places. Ang haba nang nilakbay naming dalawa just to be with each other right now. Sampung taon din akong umasa at naghintay noon. Hanggang sa narealize ko na ang love pala, hindi pinaplano o hinahanap. Kusa itong mangsosorpresa… Kusang magpaparamdam at the right time. What I and Hans had before was a love that has stood the test of time. Alam naming masaya kaming pareho kapag kapiling ang isa’t isa. It’s just that we were afraid to cross the bridge of friendship and to break-free from our doubts and fears. And now, here we are. We were able to meet each other half way.

“Hon, bakit mo nga pala naisipang dito sa Baguio mag-honeymoon?” Magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad papunta doon sa hotel na pinagstayhan namin. “Sobrang lamig talaga,” reklamo ko sa kanya.

“Marami kasing nangyayari kapag malamig,” pasulyap niyang sagot. Ayan na naman ang nanunukso niyang tawa.

“Ewan ko sa'yo. Ang dami mong naiisip.”

"O? May mali ba sa mga sinabi ko? Totoo naman ah! Masarap may kayakap kapag malamig. Bakit Hon? Ini-imagine mo na ba?" This time, ang lakas na talaga ng tawa niya.

"Pwede ba, huwag ka ngang masyadong madaldal. Naiilang ako," sabi ko sabay takip ng tenga ko. First time kasi naming magsama ngayon sa iisang kwarto after our wedding. Medyo uncomfortable pa ako dahil hindi naman ako sanay sa mga pasweet-sweet niya although na sweet naman  talaga siya sakin dati. Pero ibang-iba na kasi ngayon, parang may malisya na. Pero kailangan kong masanay, mag-asawa naman na kami.

Nilock niya ang pinto nang makapasok kami sa room namin. Diretso lang akong tumungo sa loob.

"Hon," tawag niya sa akin. "Halika nga dito." Lumingon ako sa kanya. Ang loko, abot tenga ang ngiti. "Hubarin mo na ‘yang jacket mo."

Wow! Straight to the point ha? Nalaglag ang panga ko. "At bakit? Ang lamig-lamig kaya," pagdadahilan ko.  Mashinigpitan ko pa ang pagkahawak sa jacket ko. Ang totoo, kinakabahan na talaga ako sa anumang posibleng mangyari ngayong gabi.

"Eh kasi ang kapal kapal ng jacket mo. Paano kita makuhang yakapin niyan, eh hindi kita maramdaman." Tapos hinubad niya rin ang jacket na suot niya. Mas lalong kumalabog ang puso ko.

"O sige na nga," sagot ko.

Humakbang siya papalapit sa’kin saka yumakap.

Hai... Best feeling in the world! Ang niyayakap ka ng taong mahal na mahal mo. Ang tanda ko na para kiligin, pero hindi ko talaga mapigilang manggigil sa kanya. Kita mo na Hans kung ano ‘yung epekto mo sakin?

"Hon, pagbigyan mo na ako. Ngayon nga lang ako naglalambing eh."

"Bakit? Sinasaway ba kita?" sabi ko.

"So okey lang?"

I rolled my eyes and pinched his nose. "Ang hina ng pick-up mo Hon!"

Napatawa siya. Inamoy-amoy niya muna ang buhok ko. He cupped my face and then he started kissing me... sa noo... sa mata... sa tenga... sa pisngi... sa tungki ng ilong ko... hanggang sa hinalikan niya ako sa labi. It was a soft and gentle kiss. "I love you Hon," he whispered. Hindi na ako makasagot dahil sa mga halik niya. Feeling ko tuloy na-a-amnesia ako sa mga ginagawa niya sa’kin. It’s like the whole world is spinning so fast.

I slowly closed my eyes.

Aaminin ko, I really don’t know how to kiss. As in first time ko talaga ‘tong maexperience. The next thing I knew, sinasabayan ko na ang paghalik niya sakin. Dahan-dahan lang pero bakit ang tagal? Dapat ba talagang ganito? Kahit smack lang naman ay okay na. Why does it have to be longer? Eeehhh… I’m having goosebumps. Napakapit ako sa mga braso niya dahil pakiramdam ko’y hihimatayin na ako.

Lights off.

Nangyari na ang dapat mangyari.

---

A/N: Whew! Nosebleed ako sa first night nilang dalawa. Hindi ko kayang pahabaan! Hehe…. (>__<)

Thirty Down, Forever to GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon