“Daddy! Ang panget naman nito. Gusto ko ‘yong katulad na ginawa ni Mommy kahapon. Yung buhok ni sailormoon!” Nakabusangot si Baby Heart habang tumitingin sa salamin. Kanina pa sinusuklay at pilit na inaayos ni Hans ang buhok niya. Kaso lang palaging sablay, hindi pantay ang pagkakatali. Eh sa lalaki eh.
Sinilip ko ang mag-ama ko sa sala. Napahiga si Hans sa sofa hawak-hawak ang suklay at kulay pink na ribbon. Nangalay siguro ang kamay niya sa pagpo-ponytail. “Baby naman. Kita mo namang hindi marunong si Daddy eh. Hintayin mo na lang kasi si Mommy.”
“Get up Daddy! Gusto ko ikaw!” Hinawakan ni Heart ang laylayan ng tshirt ni Hans at hinila-hila ito. “Dali na Daddy... Mommy si Daddy oh.”
“Hon! Matagal ka pa ba diyan? Tulong!”
Natawa ako sa paki-usap ni Hans. “Kaya mo ‘yan Hon!” sigaw ko. Nag-e-empake kasi ako ng mga gamit namin dahil doon kami matutulog kina Nanay. Darating na kasi si Edge. Pumunta siya ng Dubai after ng kasal namin ni Hans. Ngayon ay uuwi na siya for good. Mabuti nga para makapag-settle down na rin siya. Magti-three na si Baby Heart sa June, eh hanggang ngayon wala pa rin akong pamangkin sa kanya. Kamusta na kaya si Jessa? Sayang talaga yung about sa kanilang dalawa.
Sa wakas, nakatapos na rin ako sa pag-e-empake. We’re ready to go. Nagtaka ako dahil biglang natahimik sina Hans at Heart. Kanina lang ay nagbabangayan ang mga ito.
Nang makalabas ako sa kwarto ay nagulat ako sa aking nadatnan. Nakaupo na si Hans sa sahig habang si Baby Heart naman ay nasa sofa. Siya naman ngayon ang naglalaro sa buhok ni Hans. Tuwang-tuwa niyang nilalagyan ito ng mga hairclips at ribbon.
Nilingon ako ni Hans. “Hai salamat. Hon, ikaw na nga dito. Tingnan mo ‘tong ginawa niya sa buhok ko? Ang kulit...” sabi niya sabay turo sa buhok niya.
“Daddy, don’t take it,” request ni Heart.
“Ano?” Lumaki ang mga mata ni Hans. “Baby, pinapahirapan mo talaga si Daddy. Hindi pwede, may pupuntahan tayo. Daddy can’t look like this sa labas.”
“Please Daddy...” halos maiiyak na pagsusumamo ni Baby Heart habang naka-pout.
“Hon...” Sa akin naman ngayon nakatingin si Hans. Pero infairness ang cute niyang may hairclips sa buhok. Hindi ko napigilang tumawa. Sige pa Baby, pakonsensyahin mo pa ang Daddy mo. “Huwag mong sabihing kakampihan mo ‘tong pasaway na bulilit na ‘to?”
Lumapit ako sa kanilang dalawa. “Okay lang ‘yan Hon.” Hinalikan ko si Hans sa pisngi. “Pagbigyan mo na si Baby, wala namang may makakakita sa labas eh. Hindi ka naman siguro sisilipin ng mga tao sa loob ng kotse,” bulong ko.
“Pasaway ka rin ano?” Umiling lang siya at niyakap ako. “Ewan ko sa inyong dalawa. Pinagtutulungan niyo na naman ako.”
“Don’t worry Hon. Sa December, magkakaroon ka na ng kakampi. Ipanalangin mong lalaki na ito this time.”
---
A/N: sorry, sabaw lang na special chapter. huhu
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...