Naging fitness buddies kami ni Hans. Akalian mo yun, napaka-lean naman ng katawan niya, hindi na niya kailangang mag-effort pa, pero nangu-ngumbinsing mag-jogging araw-araw. Okay lang naman sa akin, at least maganda palagi ang simula ng araw ko.
Minsan kasama namin si Edge. Pero most of the time kaming dalawa lang. Naaawa rin naman ako sa kambal ko, napupuyat na nga, ‘tas aga-aga pang magigising. Night shift kasi ang schedule niya sa work.
“Hans, bakit mo naman naisipang gawin ‘to?” Hingal na hingal kong tanong habang tumatakbo. Naka limang ikot na kami sa quadrangle.
“Wala lang, para maging healthy.” Tumingin siya sakin tapos nagpatuloy sa pagtakbo. “Nakakabagot kayang umupo ng umupo na lang sa office. Hindi mo ba napapansin, palagi akong gumagala sa department niyo, para maka-galaw-galaw naman kahit papano.”
Ah… Ganun pala ‘yun. Oo nga naman, huwag umasa Grace na ikaw ang dahilan kung bakit siya pabalik-balik sa department niyo.
Huminto ako sandali. He stared back at me. “O ano? Pagod kana? Dalawang ikot pa.”
“Sandali lang, magwa-water break muna ako.” Sagot ko.
“Okay. Suusunod ka ha?” Tumango ako at nagpahinga muna. Ba’t ba ako affected masyado. Parang ‘yun lang eh.
Dahil sa napagod talaga ako, umupo na lang ako sa bench. Pinagmamasdan ko lang siya habang tumatakbo. Kahit na pawisan na, ang sarap pa rin niyang titigan. Sana gan’to na lang palagi. Yung habang sumisikat si haring araw ay kasabay ko namang nasisilayan ang mukha niya.
Kapag kami ang magkakatuluyan, ang cute siguro ng baby namin. Yikes! Ano ba ‘tong iniisip ko? Minsan ko ng napapanaginipan ‘yun, na nag-kaanak daw kami. Ang kulit lang ng panaginip ko. Dahil ‘to siguro sa kakadalaw niya sa isip ko. Natutunan ko yan sa Psychology Class namin noon, na minsan napapnaginipan mo ang taong huli mong naaalala o naiisip bago matulog. Kaya simula noon, before ako matulog, nakikipagtitigan ako sa kisame at iniisip ko siya hanggang sa pumikit na ang mga mata ko.
“Ebony! Sabi mo susunod ka? Sus akala ko kung napano ka na!” Kinuha niya ang isang bote ng mineral water at ininom.
“Napagod kasi ako kaya nagpahinga na lang ako.” Sagot ko. “O ano? Uwi na tayo. Mag-aalas-sais na. Baka malate pa tayo sa trabaho.”
“O sige, tara… Bukas ulit ha?”
Ganito palagi ang eksena namin every morning. Tinatawagan niya ako mga bandang alas kwatro y media ng umaga para gisingin. Kahit antok na antok pa ako, bigla na lang bumabalik ang kaluluwa ko sa katawan ko ‘pag naririnig ko na ang boses niya. Napapangiti ako. Parang baliw na ngingiti-ngiti kahit na magulo pa ang buhok at may mga muta pa sa mata. Hayyy… Lahat gagawin para sa kanya.
---
June 2, 2006. Friday.
Status check:
Grace Ebony Flores – Single.
Hans Jazzer Luzandre – Single.
Check na check. 8 years na lang. Parang gusto ko tuloy tanungin si Hans kung naaalala pa ba niya ang kasunduan namin? Kaya lang, ‘di pwede. Hayaan ko na lang. Sabi nga ni Luis at Billy sa PGT eh, expect the unexpected!
Sabay kaming umuwi ni Hans mula sa trabaho. Wala kaming birthday celebration ni kambal dahil sa Sunday na lang daw. Busy kasi lahat ng tao kapag weekdays.
Pagkalabas namin ng banko, nag-aya siyang sa Garden Royale kami dumaan para raw malayo sa gulo at ingay ng mga tao. Open to public naman ito kaya kahit sino pwedeng mamasyal o mapadaan dito. Friday pa naman ngayon, maraming lumalabas.
Naglalakad kami sa gitna ng mga puno at bulaklak. Tahimik lang kaming dalawa. Napaka-solemn ng place, nakakarelax. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang bigla siyang nagsalita.
“Happy birthday!” He took something out from his backpack at binigay sakin. Heto na naman po siya.
Honestly, I didn’t know what to do. Nahihiya ako. Last year niregaluhan niya ako, ngayon meron na naman. Tapos ako? Wala, kahit panyo man lang, eh sa ayaw niyang binibigyan eh. Alangan naman gawan ko siya ng love letter? Nakakatakot naman.
“Uhm… Eh kasi, ano eh… Wala akong regalo. Hans, nahihiya ako.”
“Hep hep hep. Tama na ang pagpapaliwanag. Buksan mo na kasi. “ Utos niya.
Binuksan ko naman agad. “Alarm clock???”
“O, ba’t gulat na gulat ka?” Humarap siya sa akin. “You really need that. Ang hirap mo kasing gisingin eh.”
Napakamot ako ng ulo. “Ganun ba talaga ako kahirap gisingin? Parang hindi naman ah?”
“Ang dami mong satsat. Halika na nga, uwi na tayo.” Nagsimula siyang maglakad ulit.
“Teka lang…” Tumigil siya at nilingon ako. “Saan mo gustong kumain?” Tanong ko.
“Ha? Nagugutom ka na ba?”
“Medyo.” Naiilang kong sabi. “Huwag mo ng tanggihan, libre ko na ‘to. Total naman eh wala akong regalo sa’yo.”
“Talaga?” Tapos nilapitan niya ako. Nakakaloka ang ngiti niya. Parang injection, napapapikit tuloy ako. “O sige, gutom na rin naman ako eh.”
Pumunta kami ng The Site. Ang daming mga kumakain. Halos napuno ang lahat ng restaurant at pati mga fast food chain. Umakyat kami sa 2nd floor.
“Alam ko na kung saan tayo kakain.”
“Saan naman?” Tanong ko.
“Sa Maggie’s Veggies.” He said amusingly.
“Gulay ang kakainin natin?!?”
“Malamang! Pero hindi naman lahat. Organic restaurant ‘yun. Diba nga nagda-diet tayo?” Pangungumbinsi niya.
“Bakit ba kailangan mong magdiet? Okay naman ‘yang katawan mo ah. Hindi ka naman tabain.”
“Kahit na, dapat healthy lahat ang kinakain natin.”
Nalilito ako sa kanya. Ano na naman bang kaartehan ang pumasok sa isipan niya. “Seguraduhin mong mabubusog tayo niyan ha?”
“Oo na. Para rin naman ‘yan sa’yo. Halos lahat kasi ng pagkaing binibenta ngayon processed na, iba pa rin ang natural.” Pagle-lecture niya. Ibang klase din naman ang lalakeng ‘to. Ang daming napapagisipan.“At saka, para hindi ka maging sakitin pagtanda mo. Kawawa naman ng magiging asawa mo.” Dagdag pa niya.
“Okay lang naman kung ikaw.” Nagulat ako sa mga binitawan kong salita. Agad kong tinakpan ‘yung bibig ko.
“Ano ulit ‘yung sinabi mo?” Ayan na naman ang mapanuri nyang mga mata.
“Ah wala… Sabi ko okay na ako na doon tayo kakain.” Whew! Muntikan na. “O ayan na pala oh.” Sabi ko sabay turo doon sa sinasabi niyang restaurant.
The ambiance was cool. Naglalaway nga ako dun sa mga pagkain sa menu. Mukhang ang sasarap nilang tingnan.
Siya na rin yung pina-order ko… Southern pecan and apple salad… Veggie tacos… at ang best seller nilang Maggie’s Vegan Club Sandwhich.
Bago kami kumain, I greeted him, “Happy birthday Hans.”
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...