Ch 11.2 - Only You

1.4K 55 2
                                    

 “Wala akong pakialam kung meron man o walang kasunduan Ebony.”

Tumigil ako sa pag-iyak at tiningala siya. Sinubukan kong basahin ang titig sa kanyang mga mata. Teka, ano ba ang mga pinagsasabi niya? Naguguluhan na ako.

“What do you mean?” I asked between my sobs.

“Diba nga may usapan tayo?” Dahan -dahan siyang lumapit sa’kin. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

“A-alam ko, pero bakit mo ngayon ‘to sinasabi sa’kin Hans?” Hindi na maitatago sa boses ko ang sobrang kaba.

“Ebony, thirty years na kitang minamahal. Hindi pa yata siguro ako ipinapanganak, tumitibok na ‘to para sa’yo.” Itinapat niya ang kamay ko sa puso niya. I can feel his heart beating so fast.

“Bakit mo pinunit ‘yung papel? Akala ko ba ---.”

            “Hindi importante sakin ang kahit na anumang kasunduan. Alam mo ba, nang ginawa natin ang agreement na ‘to wala na akong ibang inisip kundi ang maka-abot tayo sa ganitong edad. Noon pa man ay mahal na kita Ebony. Kahit na ang simpleng kasunduan na ‘to ay pinatulan ko mapanigurado ko lang na balang araw, tayong dalawa ang magkakatuluyan.”

Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising. Hindi ako makapaniwalang mahal din pala ako ni Hans. For all these years, akala ko siya ang manhid, ako lang pala ang tanga. Tumitig lang ako sa mga mata niyang nangigiyak na rin. “Paano ko ba naman malalaman Hans, hindi ako manghuhula.”

“Hindi pa ba lahat ‘yun halata?” Hinigpitan niya ang pagkahawak sa mga kamay ko. “Naaalala mo pa ba ang binigay ko sa’yo noong 21st birthday natin?”

“Mug?” agad kong sagot.

“Eh noong 22nd?”

“Alarm Clock yata.”

“Good… 23rd?”

“Uhm…” napatingala ako sa langit. “Hairbrush?”

Para lang kaming mga sira na nag-q-Q&A portion.

“How about noong 24th birthday natin?” tanong niya ulit.

“Apron,” sagot ko naman.

“Tama. Eh noong 25th?”

Pinikit ko ang mga mata ko. Ah… ‘Yung sa bus. “Lip Balm.”

“26th birthday? Nagtampo ka pa nga sa’kin noon.”

“Keychain.”

“Anong binili ko sa’yo noong 27th?”

I sighed. Bumibilis ang tibok ng puso ko. “Ice cream.”

“Mabuti at hindi mo nakalimutan. Eh noong 28th birthday?”

Naalala ko bigla ‘yung eksena doon sa CR. “Tshirt.”

“And last year, the 29th?”

“Binigyan mo ako ng anklet.” Nagtama ang mga mata naming dalawa. “May ibig sabihin ba ang lahat ng ‘yun?”

“Try mong irecall lahat ng first letters ng mga iniregalo ko sa’yo from 21st up to the last year. Ano ang mabubuo mong mga salita?”

“Ha? Ang dami kaya! Sandali lang… Iisipin ko muna.” I heard him laugh quietly. ‘Yung mga luha namin ay napalitan ng mga ngiti.

Iniisa-isa kong tinandaan.

Mug.

Alarm Clock.

Hairbrush.

Apron.

Lip Balm.

Keychain.

Ice Cream.

Tshirt.

Anklet.

 

“M-A-H-A-L K-I-T-A???” wala sa sarili kong sinabi.

“Yun naman pala eh.” He pulled me up and then he hugged me so tight. As in sobrang higpit. Niyakap ko rin siya in return. “Ebony, mahal na mahal din kita.”

“Eh sino ‘yung si Ivory Flower sa Fb?”

“Ikaw ‘yun. ‘Diba Ivory ang gamit mong sabon?”

Hainako. Pati sabon hindi nakaligtas sa kanya.

Gusto kong tumalon sa sobrang saya. Matagal ko ring hinintay ‘to na marinig mula sa kanya. Dati, pinapangarap ko lang ito, ngayon nagkakatotoo na. Thank you Lord, dininig mo ang mga panalangin ko.

“Nakakainis ka Hans. Alam mo bang para akong maloloka noon sa kaiisip sa’yo? Sa mga ipinapakita at ipinaparamdam mo sa’kin? Sinubukan ko pa ngang labanan ang nararamdaman ko, pero lalo lang akong nahuhulog sa’yo.” Hindi ko mapigilang maiyak ulit sa tuwa. This could have been tears of joy.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ng mga kamay niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.

“Sorry… Torpe ako pagdating sa’yo. Kaya nga ipinaparamdam ko na lang. Mahal mo naman ako diba?”

“Paano ka naman nakakasigurado? At nakuha mo pa akong tiisin sa loob ng sampung taon ha? Eh paano na lang kung nagkagusto ako sa iba noon?” tanong ko.

 “Ano pa ba ang silbi ng pagkakaibigan namin ni Edge? Pasalamat nga ako doon sa kakambal mo at suportado niya ako para sa’yo. Halos ipagsiksikan ko ang sarili ko sa’yo para lang hindi mo na makuha pang tumingin sa iba. I just want to make sure that you’re mine alone.”

“Adik ka Hans.”

“Oo na, adik na ako sa’yo. Please, sagutin mo na ulit ‘yung tanong ko.”

“Tinatanong pa ba ‘yan? Ikaw lang ang minahal at mamahalin ko Hans, kahit na wala pang kasunduan. Peksman, mamatay man.” Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Hai… Nahihiya ako. Pakiramdam ko’y masyado akong namumula sa mga sinabi ko sa kanya.

He pulled me for a hug and kissed my forehead. “Let me start this forever with you.”

Thirty Down, Forever to GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon