Nakatanggap ako ng text galing kay Jessa, kaklase at isa sa mga malalapit kong kaibigan noong highschool.
From: hs_Jessa
Hello Grace! Kamusta? May batch reunion daw tayo next week. Friday, 7:00pm at Delicioso. Pakisabi na rin kina Edge at Hans. Punta ka ha? I miss you. Kitakits… xoxo
Pupunta ba ako? ‘Di ko feel umattend sa mga ganyang okasyon. Makikita ko na naman ang mga pagmumukha ng mga ka-batch kong nambubully sakin noon.
Agad akong nagreply:
--
To: hs_Jessa
Miss na rin kita Jes... >__< Sige I’ll try.
--
From: hs_Jessa
Bakit you’ll try? =( You should… Magtatampo ako sa’yo ‘pag di ka dumating…hmp
Nakonsensya tuloy ako. Kung sabagay, ang tagal din namang hindi kami nagkita.
--
To: hs_Jessa
O sige na nga… I’ll be there :) happy? Hehe
--
From: hs_Jessa
Ofcourse! ^__^ See you sa Friday.
---
“Edge, nagtext si Jessa. May reunion daw tayo next week. Sama ka?” Tumabi ako sa kambal kong seryosong nanunuod ng MMA sa sala.
“What time?” Pabalik niyang tanong habang hikab ng hikab.
“7pm daw sa Delicioso. Friday ‘yun.” Sagot ko.
“Hindi ako pwede. 2-10 ang shift ko next week.”
“Edi pagka-off mo sumunod ka na lang. I’m sure aabutin na naman ‘to ng magdamagan.”
“Ayoko. Itutulog ko na lang ‘yan. Kayo na lang, andyan naman si pareng Hans eh.”
“Nandun si Jessa. Hindi mo ba siya gustong makita?” Palibhasa may past ang dalawang ‘to. Hindi naman naging sila, pero may something dati.
“Kayo na lang sabi ang pumunta. Pass muna ako.” Tumayo siya at naglakad papunta ng kitchen. Sumunod naman ako. “O ano?”
“Tapatin mo nga ako Edge. Ano ba kasi ang nangyari noon sa inyo ni Jessa? Nagtatampo na talaga ako sa’yo. Ang dami mong nililihim sakin. Alam ko kung masaya ka o malungkot. Nararamdaman ko ‘yun.”
“Wag na nga nating pag-usapan ‘yan. Past na nga ba diba? Dapat kinakalimutan na.” Kumuha siya ng tubig sa ref at uminom.
“Naduwag ka ba noon sa feelings mo sa kanya?” Pangungulit ko.
“Tss… Kambal nga tayo Grace. Ganyan ka rin naman diba? Siguro alam mo naman ang pakiramdam na umasa sa isang bagay na walang patutunguhan. Kung ikaw, kaya mong magtiis at maghintay, ako hindi. Masasaktan ka lang kung aasa ka sa mga bagay na kahit kelan ay hindi naman magiging sa’yo.” Inilapag niya ang baso sa sink at umakyat ng kwarto. Naiwan ako sa kusina na dinadaluma ang mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...