June 1, 2014. Sunday.
Isang tulog na lang, magte-trenta na kami ni Edge… at pati na rin ni Hans. I’m getting paranoid sa kung ano mang pwedeng mangyari ngayong araw. In less than 15 hours, magte-take effect na ‘yung love agreement namin.
Mamayang hatinggabi, pagpatak ng 12:01, pwede na akong magcelebrate. But there’s this something in me na para bang nangangamba. Paano na lang kung sa loob ng sampung taon na iyon, ako lang pala itong nangangarap ng gising? We’ve never talked about this agreement simula noong pinermahan namin. Baka nga siguro natapon na niya ‘yun. Pero sabi niya before itatago niya raw. He’s always giving me hints that I’m important to him, and it takes a lot of courage to believe in them. How am I supposed to take this?
Nagkulong ako sa kwarto. Dapat ko siyang imonitor sa FB. Baka meron na syang mga pinagpopost na hindi ko man lang nalalaman. Mamaya eh baka in a relationship na pala ‘yung status niya.
1:30 pm…
3:45 pm…
5:10 pm…
I checked his profile. Single pa rin ang status niya. Napapraning na naman ako.
7:20 pm…
9:15 pm…
11:40 pm…
My gosh! 20 minutes na lang bago mag June 2.
Hanggang sa naging 11:59 na. Eto na talaga! 1 minute to go… Nanlamig ang mga kamay ko. Pinagpapawisan na rin ang kili-kili ko.
Sinimulan kong mag countdown.
10…
9…
8…
7…
tapos biglang may nagpop-up sa news feed ko.
1 new story. I clicked it right away.
Hans Jazzer Luzandre changed his status from single to in a relationship with Ivory Flower.
Nagmamalik mata ba ako? No! This can’t be! Paulit-ulit kong clinick ang refresh button baka sakaling mali lang ‘yung pagkakabasa ko, pero ‘yun pa rin ang lumalabas sa news feed ko. Wala ng pag-asa. Nakahabol siya sa cut-off time. Now he’s in a relationship and I’m still single. I am now a brokenhearted birthday girl. Ouch.
At sino ba itong si Ivory Flower na ‘to? Hindi ko siya kilala so I checked on her profile. Nakaprivate- pati ‘yung mga pictures niya. ‘Yung profile pic niya blurred. Nakapagtataka, si Hans lang ‘yung friend niya. Ano ba ‘to? Sirena? Alien?
Napasampay ako sa kama. Unti-unti na palang pumapatak ang mga luha ko. Ang tanga tanga ko rin naman kasi eh. Kung sinabi ko lang ‘yung nararamdaman ko noon sa kanya, baka naging kami pa. Nauunahan kasi ako ng kaba, takot at panghihinayang. Kaba na baka layuan niya ako. Takot na baka masaktan lang. At panghihinayang na baka masira ang pagkakaibigan naming dalawa.
Narinig kong nagkakagulo sa labas ng bahay. Hainako, panira talaga sila ng moment. At tsaka, kasagsagan ng hatinggabi, bakit gising pa rin silang lahat? May sunog ba?
Tumayo ako at dali-daling lumabas ng kwarto.
“Happy birthday nak!” Sinalubong ako ng yakap nina Nanay at Tatay. Namumugto at namumula pa rin ang mga mata ko sa kakaiyak pero parang wala lang sa kanila.
“Nay, Tay? Ang aga-aga naman! Akala ko ba tulog na kayo.”
“Puntahan mo muna siya sa labas,” mabilis na tugon ni Edge na nasa likuran nina Nanay.
“Sino? Bakit po?” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. “Ano po bang nangyayari Nay?” Nagpupunas pa ako ng mga luha nang lumabas ako ng bahay. Mga luhang ‘to, ayaw tumigil.
Tumambad sa harapan ko si Hans.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita siya. Pilit pang ina-absorb ng utak ko ang mga nangyayari. Hindi ko ma-gets kung bakit sa ganitong oras ay nandito siya. Huwag niyang sabihing nandito lang siya para bumati ng happy birthday. Pwede lang namang itext. At isa pa, bakit siya mag-eeffort na pumunta pa dito? ‘Diba in a relationship na ‘yung status niya?
“Ebony.” Dinukot niya ang isang papel sa kanyang bulsa. “Naaalala mo pa ba ito?”
Gustong kumawala ng puso ko nang makita ko ‘yung love agreement naming dalawa.
Magdadalawang isip na sana ako, kaya lang halos madurog ang puso ko nang unti-unti niyang pinunit ito sa harapan ko.
Napaupo ako sa may hagdanan malapit sa pintuan. Yumuko lang ako habang napapahagulgol. Sabi ko na nga ba. Bakit pa kasi ako umasa sa kanya? Sana man lang, kung balak niyang balewalain ‘yung kasunduan namin, huwag naman sa ganitong paraan. Harapan lang? Sana nagkunwari na lang siyang hindi niya naaalala, na wala lang ito para sa kanya. Atleast ‘pag ganun, parang wala na rin lang sakin. Hindi naman ako magrereklamo kahit na masakit tanggapin ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...