I passed by sa isang antique na shop. Napatitig ako doon sa nakapost sa pintuan nito.
“Waiting for someone you love is never easy. It may even be irrelevant especially if the one you love isn’t aware that you are waiting.”
Ano ba ‘yan. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng universe sa’kin?
Half of my heart says – wait…
And the other half says – walk away…
Nakakapagod kaya ang maghintay, lalo pa’t hindi ko alam kung may patutunguhan ito. Alam niya bang naghihintay ako sa kanya? All this time I’m waiting for him to love me back. But I guess this is how it was supposed to be. Maybe someday he’ll notice me.
Minsan, napapag-isipan ko ring layuan siya… to draw distance between us. Dahil sa masyado kaming nagiging close sa isa’t isa, I can’t tell anymore kung ang pakikitungo niya ba sa akin ay friends lang o higit pa doon. I don’t want to assume that he has feelings for me. I’m willing to bear all the uncertainties, confusions, and awkwardness. I know this is kinda difficult, but I must keep hangin’ on, all for the sake of friendship.
*Kring…Kring*
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng sling bag ko. I saw Hans’ photo on the screen. Napangiti naman ako. Kahit matitigan ko lang ang mukha niya sa phone ko, buo na agad ang araw ko.
*Slide to answer* - nakadisplay sa screen. Naku! Ilang segundo na pala akong nakatitig lang sa mukha niya. I immediately swiped the screen to the right.
“Hans, napatawag ka?” tanong ko.
“Nasaan ka ngayon?”
“Uhm… ‘andito sa City Circle.”
“Sige, hintayin mo ‘ko d’yan. Pupunta ako.”
“Bakit? May pro---“ Pinutol niya agad ang line. Unpredictable talaga ng taong ‘yun. Nanggugulat na lang kung gusto niya. Usually kasi, kapag Valentine ’s Day namamasyal akong mag-isa. I opt to turn off my phone para wlang abala. Gusto ko lang magkaroon ng serendipity. Pero ngayon, nakaligtaan kong i-off ‘yun. Tsk! Natunton pa tuloy ako.
Napaupo ako sa isang gazebo malapit sa park. Natatanaw ko rin ang mga batang naglalaro sa mga swing at slides. Sa ‘di kalayuan, namamataan ko rin ang mga magkakasintahan. Palibhasa Valentine’s day ngayon. May mga iilan pang padaan-daan sa harapan ko, naghoholding hands at naglalandian. Ano ba klaseng mga tao ‘to? Hindi ba pwedeng gawin na lang nilang private display of affection?
Tiningnan ko ulit ang phone ko. ‘Asan na ba ang asungot na ‘yun? Ang tagal ha!
“Ebony!” Napalingon ako. Salamat naman at buhay pa pala siya.
“Ba’t ang tagal mo?”
“Sorry, natraffic lang.” Inayos-ayos niya muna ang buhok niya saka umupo sa tabi ko.
“Oh... So what brings you here?” diretsahan kong tanong.
“Diba valentine’s day ngayon?” Humarap siya sakin.
“So?”
“We’ll celebrate! Mabuti nga at nacontact kita. Dati eh, sa tuwing araw ng mga puso bigla ka na lang nawawala.”
Inirapan ko siya. “Eh sa ayaw ko eh!”
“Bakit? May magagalit ba? May boyfriend ka na ba?” Walang pakundangan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya. Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Oh-em-gee! Eto na ba ‘yung hinihintay ko? I swear! 1 inch na lang talaga and his nose will touch mine.
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...