Sabi ko noon, my greatest fear in life is to fall in love. I didn't know, that fear, would make me brave enough to accept unexpected things to happen.
One year later...
June 2, 2015.
"Mommy mommy! Nandito na kami!" Excited na tumakbo papunta sa’kin si Trisha. Sumunod naman sina Ate Hanna at ang asawa niyang si Kuya Karl. Kagagaling lang nila from Hong Kong.
I hugged her tight. "I missed you baby Trish. Big girl ka na ah!" sabi ko while holding up her chin.
Ngumisi lang siya sa akin. "Mommy, can I touch your tummy?"
"Sure. Here you go." Hinaplos-haplos ni Trisha ang tiyan ko. She seemed very happy that she placed her ears over my tummy at dahan-dahan niyang pinakinggan ang nasa loob nito.
She suddenly freaked out. "Mommy, sumisipa si baby cousin!" We laughed at her initial reaction.
"Syempre naman baby. Excited na rin siguro s’yang makita ka," natatawang sabi ni Ate Hanna.
"Kamusta nga pala ang bakasyon niyo sa Hong Kong?" I asked them. "Nagkita ba kayo ni Mickey Mouse baby Trish?"
"Yes Mommy! Nagpapicture pa nga ako kina Minnie Mouse, Donald Duck at Goofy... at pati na rin sina Cinderella, Snow White and a lot more! Heto nga oh, may pasalubong kami for you." Kinuha niya ang isang malaking paper bag kay Ate Hanna. "Eto naman Mommy para kay baby cousin." Tuwang-tuwa niyang ini-abot ito sa’kin.
"Wow! Ang dami naman nito. Ate, Kuya, parang pang-limang buwang gamit na 'to ni baby ah," I said cautiously.
"Wala ‘yun Grace. First pamangkin ko kaya ‘yan. Konti nga lang ‘yan eh. Hindi kasi kami masyadong nakapag-shopping. Ito kasing si Trisha, gustong doon kami palagi sa Disneyland pumunta." Tumabi si Ate Hanna sa’kin. "Sya nga pala, kailan ka na manganganak? Ang laki na niyan ah."
"Ngayong buwan na Ate. Kinakabahan na nga ako,” sagot ko.
"Ano ka ba? Huwag ka ngang kabahan. Normal lang ‘yan." Siya naman ngayon ang humaplos-haplos sa tiyan ko. "Bakit hindi pa kayo nagpapa-admit? Usually kasi, kapag first born child, 2 weeks in advance silang lumalabas."
"Eh kasi itong si Hans, malapit lang naman daw ang ospital."
"Hay naku, si Hans talaga."
"Hey! Parang narinig ko yata ang pangalan ko diyan ah." Lumabas ng kwarto si Hans. Katatapos lang maligo.
"Daddy!" Sinalubong siya ni Trisha ng yakap at halik. Kinarga naman niya ito at nilambing-lambing.
"Ate, bakit hindi niyo naman sinabing ngayon kayo uuwi? Edi sana nasundo ko kayo sa airport."
“Sinadya talaga namin ‘yun para hindi na kayo maabala pa,” sagot ni Ate Hanna.
Nag-usap-usap pa kami at nakinig sa mga kwento ni Trisha tungkol sa trip nila sa HK. Sabik na sabik na si Hans lumabas si Baby dahil parang ayaw na niyang bitawan si Trisha. Ang cute niyang tingnan na may kalong na bata. Bagay sa kanya maging Daddy.
We are in the middle of our conversation nang maramdaman kong biglang kumirot ang tiyan ko. Eto na ba ‘yun? Napapikit ako at huminga ng malalim. Tumingin ako kay Hans. Namutla ang kalmado niyang mukha nang sinabi kong, “Manganganak na yata ako Hon!”
Bigla silang nagpanic. Binigay ni Hans si Trisha kay Ate Hanna at kinuha ang susi ng sasakyan sa kwarto.
“Hans, ako na!” Sinalo ni Kuya Karl ang susi mula kay Hans at agad na lumabas para paandarin ang kotse.
Bumalik ulit siya sa kwarto namin. Natataranta niyang kinuha ‘yung nakaready na bag na pinaglagyan namin ng mga gagamitin sa ospital kung sakali mang manganganak na ako.
Naka-alalay si Ate Hanna sa’kin palabas ng bahay. Umupo sila ni Trisha sa front seat at kaming dalawa ni Hans sa likuran.
Sinimulang patakbuhin ni Kuya Karl ang kotse.
“Hon, kaya pa ba? Konting tiis na lang. Makaka-abot din tayo ng ospital,” pagpapakalma sakin ni Hans habang ang isa niyang kamay ay naka-akbay sa’kin at ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko. Mahinahon ang boses niya pero halatang kinakabahan. Mas pinagpapawisan pa nga siya kesa sakin.
“I’ll be fine Hon. Pero parang lalabas na yata si Baby.” Hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay niya.
“Sandali na lang…” Hinimas-himas niya ang tiyan ko. “Baby, ‘wag ka munang lumabas ha? Please… Malapit na tayo. Kapit lang muna. Please…”
Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Hans. As if naman naririnig siya ni baby. Ayan na naman ang kirot. Gusto kong sumigaw. Sobrang sakit ha! I was gripping tightly on the car’s seat.
When we arrived at the hospital agad nila akong nilipat sa stretcher at dinala sa O.R. Nanghina ang buo kong katawan, feeling ko anytime mawawalan ako ng hininga. Sabi nga nila, ‘pag manganganak ang isang babae, ‘yung isa nitong paa ay parang nasa hukay na. 50:50 kumbaga.
Pagkatapos ng ilang ere, finally, I heard my baby’s soft cry for the first time. Mixed emotions na lahat. This could have been my most painful experience in life, yet this is also one of my happiest moments ever. Thank you Lord. I was able to give birth to a cute baby girl.
Tuwang-tuwa si Hans nang iniabot ng nurse si baby sa kanya. His expressions are unexplainable, even mine also. Nakakatuwa lang ispin. Ipinanganak ko si baby Heart sa mismong kaarawan namin ni Hans. Next year, tatlo na kami ang magce-celebrate.
“Hon,” Tinitigan niya akong mabuti. His eyes shone, parang ma-iiyak pa nga. “Si baby Heart ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Thank You! Mahal na mahal kita.” He showed his sweetest smile to me and kissed me on the forehead.
No one can fathom the happiness I felt inside. Ang saya saya ko. Eto yung matagal ko ng pinapangarap. Thank you Dear God for granting it.
---
Nagsimula lang ang lahat sa isang simpleng kasunduan. Umasa ako at naghintay. Gumawa ng mga plano sa buhay. Hindi ko lubos maisip na ang lahat pala ay parang sinadya talagang mangyari. Masaya ako dahil hindi ako bumitaw sa pag-asang meron ako noon. Basta’t magtiwala lang sa Kanya dahil Siya lang ang bukodtangi na nakaka-alam kung ano ang deserving natin na matanggap o maranasan sa buhay.
Somewhere, I believe there’s a magnificent Being who is in-charge of our destiny… of our future. We venture into this life, not knowing what lies ahead. We may make our own choices and preferences, deals and compromises, but at the end of the day, it’s His plans that will still prevail.
~end~
7/20/2014
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...