Hindi na naiiba si Hans sa pamilya ko, ganun din naman ako sa kanila. Kung tutuusin parang magkakapatid na nga kami dahil sa sobrang closeness. At dahil sa close nga, hindi na kami naiilang sa isa’t isa. Napakakumportable niyang kasama. I feel safe everytime I’m with him. But there are times when I feel a bit awkward.
Nakuconfuse ako sa mga paakbay-akbay, pasulyap-sulyap, at minsan sa mga paglalambing-lambing niya. Kahit na sa text. Kung makapag-tanong siya kung kamusta ako o ano ang ginagawa ko, parang boyfriend ko lang. I’m not denying that I’m being used to it. Kung pwede lang ganito forever, I’ll risk to have it all.
Hindi ko namamalayan, nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Yes, I’m falling in love with him. Ito ‘yung matagal ko ng kinatatakutan. Masaklap, pero ano bang magagawa ng puso ko? Tumitibok eh… Akala ko noon mawawala lang itong feelings ko para sa kanya. Sinabi ko sa sarili ko na hanggang friends lang talaga kami, dahil ayaw kong mabahidan ng malisya ang pagkakaibigan namin. Sa friendship ko lang masasabing I have him and he had me. Beyond that, we don’t have each other.
Ganyan talaga ang buhay. Sabi nga sa kanta ni Celine Dion, “Love comes to those who believe it, and that’s the way it is.”
---
Tumingin ako sa salamin. “Kaya mo ‘yan Grace!”. Papunta ako sa bahay nina Hans. Birthday kasi ng pamangkin niyang si Trisha. Every year, ako ang nakatoka sa mango float. Gustong-gusto kasi ni Trisha ang lasa ng gawa ko. Siya pa talaga ang nagpapa-request sa Mama niya (ate ni Hans) na ako ang gagawa ng mango float sa birthday party niya. Minsan ‘pag may free time ako, ginagawan ko siya ng mga paborito niyang desserts. Nawiwili kasi ako sa bulilit na ‘yun. Hindi naman ako masyadong magaling magluto, marunong lang ng konti.
“Daddy! Nandito na si Tita Mommy!” nagagalak na tumakbo papunta sakin si Trishang makulit. Naka red siya na dress with hood. May bitbit pang basket na may lamang mga prutas at bagong pitas na bulaklak. Little Red Riding Hood ang theme ng party niya. Ewan ko ba’t napapanindigan ko naman ang pagtawag niya sakin ng Tita Mommy. Minsan nga nahihiya ako sa tuwing tinatawag niya ako sa pangalan na ‘yan.
“Ang cute cute mo naman Baby Trish! Pakiss nga…” Kiniss ko siya sa tigkabilang pisngi. She hugged me back.
“Tita Mommy, ‘yan na ba ang mango float ko?” She asked me with twinkling eyes.
“Yes. Pero mamaya na natin kainin ‘to ha? Ilagay muna natin sa ref para hindi matunaw. Meron ka pang games with your friends.” Hindi ko maiwasang maging sweet sa mga bata especially with Trisha.
“Opo Tita Mommy.” Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Let’s go inside, Daddy’s waiting there for you. Nami-miss ka na niya.”
Muntik ko ng mabitawan ang mango float na hawak-hawak ng kaliwang kamay ko. As in talaga? Namiss niya ako? Kung anu-ano kasi ang mga pinagsasabi ni Trisha. Palibhasa bata eh. Ano ba naman ang kamalay-malay ng isang 5-year old kid? I think to myself, diba hindi naman marunong magsinungaling ang mga bata?
“O, Grace, ‘andito ka na pala? Halika, pasok.” bati sakin ni Ate Hanna, ang nag-iisang kapatid ni Hans. Kinuha niya ang mango float sa akin. “Naku, salamat dito sa mango float Grace ha? O, baby, say thank you to Tita Grace.” utos niya kay Trisha.
“Mama, diba sabi ko sa’yo, TITA MOMMY?” pagco-correct ni Trisha habang nakapameywang.
Napatawa si Ate Hanna. “O sya sya… Bakit ba kasi hindi na lang Mommy ang itawag mo kay Tita Grace?”
“Hindi pa kasi sila kasal ni Daddy eh.” She crossed her arms this time. “Kapag ikinasal na sila, Mommy na ang itatawag ko kay Tita Mommy. Diba Daddy?”
BINABASA MO ANG
Thirty Down, Forever to Go
General FictionHans and Grace are hysterical looking for love. Until one day, they find each other signing this agreement. Napagkasunduan nilang if they reach the age of 30, and both of them are still single, silang dalawa ang magkakatuluyan. Are they willing to...