Kabanata 31

3.1K 42 2
                                        

AFTERNOON already came and on the way na si Lance sa opisina niya. Kailangan niya munang magfocus sa trabaho para hindi niya na muna maisip ang mga problema niya. Marami pa siyang kailangang asikasuhin at kumpleto naman ang gamit niya sa opisina kaya pwede siyang magstay dito for good.

"Time to chill, Lance. Listen to what your father said." Bulong niya at nagsimula ng asikasuhin ang mga papeles na nasa harap niya. Kailangan niya rin ng espasyo at oras para makapag-isip ng mabuti. He needs time for reflection and he also needs to go to work. Siguradong hindi matutuwa si Angela kung pababayaan niya ang sarili pati na rin ang kompanya niya. Dapat pagbalik ni Angela ay maayos na siya.

Lumipas ang mga oras at dumungaw na ang buwan sa kalangitan. Tinatapos na lamang ni Lance ang mga papeles at pagkatapos ay matutulog na siya sa kwartong nasa loob ng opisina niya. Hindi sinasadyang napatingin siya sa sofa kung saan sila unang nagmakeout ni Angela. Napangiti siya sa ala-alang nagbalik sa kanyang isipan. Ang tagal niya na kasing hindi bumabalik dito sa opisina niya at naghanap lang siya ng mga substitutes like his brothers Renze and Renzo noong mga panahong magkasama sila ni Angela.

"Ang sama ko pala talaga dati, na-blackmail ko pa si Angela para pumayag sa deal na di rin naman na pinansin pagkalipas ng ilang araw." Natatawang wika niya sa sarili habang inaalala ang mga nangyari. Mas lumapad ang ngiti niya ng lumabas sa isipan niya ang nangyari sa restaurant dati. Yung mga panahon na hindi niya alam na mag-asawa na pala ang kuya Renzo niya at si Chiela. Sinikreto lang nila at kasabwat ang mga magulang niya. Kanina lang niya nalaman nang i-kwento ito sa kanila kaninang umaga.

"Tama lang talaga siguro na nangyari 'to para maayos ko ang sarili ko at pati na rin siguro si Angela. We need time to reflect." Nakangiti niyang kausap sa sarili habang nakatingin sa wallpaper ng cellphone niya. Picture nilang dalawa na magkayakap after a hot make love session pero nakatakip naman ng kumot ang hubong katawan ni Angela. He miss her pero he reminds himself that they both need time and space. Alam niyang babalik si Angela dahil nararamdam niyang babalik talaga ito para sa kanya, para sa kanilang dalawa.

Binalik niya na ang pansin sa pag-ayos ng mga papeles. Mabuti na lang ay smooth pa rin ang takbo ng kompanya at naaayos agad kung sakaling may mga problema. He adores his employees dahil magagaling ang mga ito at maaasahan sa propesyon.

"Finally, naayos din ang lahat." Wika niya at hiniling na sana ay maging maayos din ang problema nila ni Angela. Nagliligpit na siya ng tumunog ang telepono kaya sinagot niya agad ito.

"Good evening, this is Lance Edward Buenavista, the CEO of the company. How can I help you?" Pormal na sagot niya at may narinig siyang parang nag-aagawan ng telepono.

"Hello, Lance. Pakisabihan itong guard mo na papasukin ako. I need to talk to you." Kinabahan siya ng mabosesan ang lalaki. Si Angelo Suarez, ang tatay ni Angela at ang dahilan kay may pasa siya sa pisngi bukod sa sampal na ginawad sa kanya ni Angelica at Chiela.

"Sir! Papapasukin ko po ba?" Rinig niyang tanong ng guard sa kabilang linya.

"Oo!" Sagot niya at ang guard na mismo ang nagbaba ng tawag. Nagmamadali siyang inayos ang mga papeles at tinignan sa sarili kung ayos lang ba ang itsura niya. Nakakahiya naman kung hindi presentable ang itsura niya kapag hinarap ang daddy ni Angela. Kinakabahan siya habang nag-aabang sa may entrada ng pintuan. Ano kaya ang sasabihin nito? Bibigyan ba ulit siya ng isa pang suntok?

Minutes passed at naaninag niya na ito. Kinakabahan man ay umayos siya ng porma na para bang kalmado siya.

"Doon tayo sa loob mag-usap." Sabi nito sa kalmadong boses kaya iginiya niya ito papasok sa loob at naupo sila sa may sofa. Hindi na niya nabilang kung ilang beses siyang napalunok dahil sa pinaghalong kaba at takot.

"Nagsisisi na ako sa ginawa ko na pagpayag na maging sekretarya mo siya dahil sobrang sinaktan mo siya, Lance. Yet, I'm still thankful 'cause you turned her into a mature woman. Hindi na siya halos isip-bata simula nung maging kayong dalawa. Tsaka, ayoko na ring magalit dahil yun ang bilin sa akin ni Angela. Pasalamat ka at mahal na mahal ka ng anak ko pero pakiusap, bigyan mo muna siya ng espasyo at oras. Hindi na ako hahadlang sa inyong dalawa pero tulad nga ng sabi ko, kailangan niya ng espasyo at oras. Ikaw, kailangan mo rin ng oras para maayos ang sarili mo at magawan ng paraan para masolusyonan ang ibang problema mo. Just give her three months, kahit three months lang para makapag-isip siya at makalimutan ang mangyari sa apo ko... sa anak niyong dalawa. Sige, aalis na ako." Hindi na siya nakapagsalita pa dahil iniwan na siya nito. Abot tenga siyang napangiti sa kanyang mga narinig. Susundin niya ang sinabi ng daddy ni Angela at aayusin niya lahat ng mga problemang kinakaharap niya. Aayusin niya ang isyu tungkol kay Kyra at kay Cyra. For those three months, gagawa siya ng paraan para maayos lahat ng mga problema.

Muli ay nag-ayos siya at kinuha ang cellphone para tawagan ang kuya niya na si Reiko. Hinanap niya sa contacts ang pangalan nito at agad na tinawagan.

"What is it for now? Ohhh... wait lang heaven." Bungad sa kanyang ng kapatid at mukhang may kakaiba itong ginagawa kasama ang asawa. Nakaramdam siya ng inggit pero hindi niya na lang pinansin.

"Let's throw a meeting tomorrow. I need help to fix my problems with Cyra and Kyra." Binaba niya na ang tawag dahil nakakaistorbo siya at hinanap ang pangalan ni Kyoniethan sa contacts niya. Mabuti na lang at kumpleto ang contacts niya ng pangalan ng mga pinsan niya.

"Hello, Lance?" Bungad nitong tanong ng sagutin ang tawag niya.

"Pumunta ka bukas sa bahay nila mom at dad. May meeting tayo." Tulad ng ginawa niya sa kuya Reiko niya ay binaba niya agad ang tawag at baka nakakaistorbo pa siya. Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi niya at kumuha ng pantulog sa closet niya sa opisina. Nagtungo siya sa maliit na CR para maligo at magpalit ng damit.

"Tonight will be a goodnight sleep for me." Nakangiting wika niya habang nakahiga sa kama. Pinikit niya na ang mata at ang kanyang mga ngiti ay hindi pa rin naaalis.

TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon