Kabanata 39

3.6K 42 4
                                    

NAKARATING na sila sa bahay ng mom at dad nila. Naghanda muna sila ng pagkain bago magsimula ng pag-uusap nila. Sandali lang ito at umayos na sila ng kanya-kanyang pwesto.

"Uunahan ko na kayo, ang pag-uusapan natin ay ang pagpopropose ko kay Angela. Pwede bang pacontact si Zyonaell para pumunta rito? Nakacharge kasi yung cellphone ko sa bahay at kailangan ko siya sa plano ko." Pagkasabi niya ay agad namang kumuha ng cellphone ang kuya Reiko niya at ilang segundo lang ay kausap na nito si Zyonaell.

"Hello, pumunta ka rito Zyonaell. Ha? Ako na kakausap, ibigay mo sa kanya ang phone." Saglit tumigil sa pagsasalita si Reiko. Sana naman ay makapunta si Zyonaell dahil kailangan niya ang kooperasyon nito para maging maayos ang plano niya.

"Hello, Kate. Please let Zyonaell kasi pag-uusapan namin dito ang planong pagpopropose ni Lance kay Angela. Aray naman! Grabe makatili? Sige, salamat." Binaba na nito ang cellphone at nakangiting humarap sa kanya. Napangiti rin siya dahil mukhang good news.

"Pumayag si Kate kaya makakarating dito si Zyonaell. Excited pa nga sa mga mangyayari." Wika ni Reiko at mas lumapad pa ang kanyang ngiti.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na si Zyonaell at may dala pa itong mga alak. Ngayon lang nila ulit ito makakainuman dahil ang huli ay nung college pa sila at hindi pa kasali si Rain Lance noon.

"Ano na ang pag-uusapan?" Tanong nito habang binubuksan ang isang alak at inilabas ang shot glass na nakalagay sa plastic.

"I need your help to execute my marriage proposal sa reception ng kasal niyo ni Kate." Nakangiting sagot niya.

"ANO ang totoong nangyari kagabi Angela? Nagchukchakan na ba kayo ng manyak na kapatid ng asawa ko na isa ring manyak?" Walang prenong tanong ni Angelica sa kanya at nasamid naman siya sa iniinom. Grabe naman kasi kung makatanong.

"Tinanong mo pa talaga Ica? Halata namang gumawa ng milagro ang dalawang yan." Wika ng daddy ni Lance at tinampal naman ito ng asawa.

"Pwede bang pumreno kayo sa mga pagsasalita? Virgin pa itong isa nating kasama ohh!" Saway ng soon to be mother-in-law niya habang nakaturo sa girlfriend ni Rain Lance Jr.

"Virgin? Hindi ako maniniwala dyan! Ang junior ko pang si Rain Lance? Para saan pa't ipinangalan ko sa kanya ang pangalan ko kung tiklop yon pagdating sa ganyan!" Tuloy-tuloy na sagot ng asawa nito at namula naman ang pisngi ni Nashra. Mukhang totoo nga na may nangyari na sa dalawa.

"My, mukhang bagay kayong magkapatid ni balae! Parehas kayo magsasalita!" Natatawang asar ng daddy niya sa mommy niya at agad naman nitong binatukan ang daddy niya na nagpatawa sa lahat.

"Kung hindi pa kinakalabit mo ako gabi-gabi noong nasa probinsya tayo! Habang tumantada ka ay mas humihilig ka pa!" Mataray na wika ng mommy niya at nakisali naman ang mommy ni Lance. Napapangiti siya sa mga nangyayari.

"Parang itong si Rain Lance! Jusko!" Nagkasundo ang dalawang babae at nag-apir pa. This is a good start dahil magkakasundo ang mga magulang nila.

"Nalayo na ang topic and besides, hindi na dapat ipagtaka yan dahil ang gaganda ng mga napangasawa ng mga asawa natin. Sino ba namang hindi gaganahan? Diba Angela?" Sabay-sabay silang tumango sa sinabi ni Angelica. Minsan lang naman siya magbubuhat ng bangko tsaka totoo naman ito.

"Kaya ikaw, Nashra. Ihanda mo na ang sarili mo dahil wawasakin at lalaspagin din yan ni Ulan tulad ng nangyari sa aming mga asawa at papakasalan ng mga Buenavista. Magtaka ka kung hindi ka nyan mamanyakin dahil hindi ka non mahal kapag hindi niya yon ginawa. Ganyan silang mga Buenavista." Natatawang wika ni Angelica habang nakaharap kay Nashra at ang dalaga naman ay pulang-pula na ang mga pisngi. Magrereact pa sana ang daddy ni Lance pero hindi ito natuloy dahil pinandilatan ito ng mata ng asawa.

Nangiti na lang din si Angela sa sinabi ni Angelica dahil totoo ang sinasabi nito. Once na hindi ka na minamanyak ng Buenavista kahit sa simpleng paraan lang ay magtanong ka na agad at baka ayaw na pala nito sa'yo. Proven and tested niya na yan sa mga napaiyak ni Lance dati. Suddenly, she just realized na dati pa rin siya minamanyak ni Lance kapag wala itong girlfriend at sigurado na siya ngayon na kaya ito ganoon dati dahil may gusto pala talaga ito sa kanya. Sadyang natakot lang siguro sila parehas na umamin sa isa't isa sa kadahilanang baka masira ang friendship nilang dalawa.

"Ano kaya ang pinag-uusapan nila Lance?" She asked out of nowhere at sabay-sabay nagkibit-balikat ang mga kasama niya.

"Hindi 'yon nagkukwento sa akin kapag may pinag-uusapan silang magkakapatid." Sagot ng nobya ni Renze at tumango si Nashra at Angelica bilang pagsang-ayon. Tumingin siya sa kapatid niyang si Chiela at naghihintay na magreact ito.

"Hindi ko rin alam kay Renzo kasi may mga bagay silang pinag-uusapan na hindi niya talaga sinasabi sa akin." Sagot nito sa kanya at napabuga na lang siya ng hangin. Maybe, it's a surprise or something.

"Teka nga anak, napapansin ko lang kasi na lumalaki ang tiyan mo. Buntis ka na ba?" Seryosong tanong ng daddy niya at natahimik ang lahat dahil dito. Sasabihin kaya ng ate niya ang matagal na nilang inililihim? Hindi pa kasi alam ng mga magulang nila na buntis na ito.

"Dad, to be honest, buntis na po ako at malalaman na po ang gender ng kambal namin sa next na check up. Sorry for keeping it a secret." Nakayukong sabi ni Chiela at natutuwa siya dahil umamin na ang kapatid niya.

"Don't say sorry, anak. Gusto ko lang naman malaman ang katotohanan." Sagot ng daddy nila at niyakap ito.

"So ayun nga noh? Balik tayo kay Angela, kamusta ang comeback sex niyo ni Lance?" Pagbabalik ni Angelica sa kaninang topic na binuksan nito. Bakit nabalik na naman sa kanya? Jusko! Akala niya ay makakaligtas na siya.

"All I can say is, sobrang sarap." Sagot niya as a matter of fact. Sa isip-isip niya ay gusto niya pa itong araw-arawin at kung hindi pa nga sila dumating ay siguradong naground two pa sila ni Lance. Natawa siya sa naisip, nahawa na siya sa kamanyakan ni Lance pero okay lang, mahal niya naman ito kahit na sobrang manyak talaga at gusto niya rin namang minamanyak siya nito. Tatanggi pa ba siya?

TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon