Kabanata 28

3.1K 45 2
                                        

SI Lance ay nasa bahay ng mga magulang niya ngayon at kasama niya ang lima niyang kapatid. Silang lima lamang ang nasa loob ng bahay at nag-umpisa na rin ang tagay ng alak. Ang kapatid niyang si Renze ang taga-bigay ng tagay at si Lance ang panghuli sa ikot habang ang panganay nilang kapatid na si Reiko ang una. Lagi silang ganito tuwing may problema ang isa sa kanila.

Matagal walang nagsasalita sa kanilang lima at umiikot lang ang unang tagay sa bawat isa hanggang si Lance na ang bibigyan ng tagay.

"Anong problema mo bro?" Pagbubukas ni Renze ng usapan habang inaabot ang tagay kay Lance.

"Napakalaki ng problema ko kuya." Sagot ni Lance bago inumin ang alak na nasa baso. Ang pait ng mukha ni Lance at halata mula rito na masyadong natapangan sa alak.

"Ano ba ang iniinom natin? Parang sobrang tapang naman." Tanong niya dahil wala ring nakalagay na pangalan sa mismong bote.

"Lambanog yan! 90% alcohol para malakas ang tama!" Tumatawang sabi ni Renze. Nangiti na lang si Lance sa kabaliwan ng kuya niya. May saltik talaga si Renze kaya madalas ay nakakaaway nito ang kakambal nitong si Renzo.

"Kaya pala parang nahilo agad ako kahit isa pa lang ang tagay sa akin." Naniningkit ang mga mata na wika Renzo at mukhang magsisimula na ang bangayan ng magkambal. Napakamot na lang ng ulo si Lance.

"Mahina pala 'tong kakambal ko! Hahaha!" Wika ng siraulo niyang kapatid na si Renze. Ang alam niya ay kaya sila nandito para tulungan siya sa problema niya pero ang magkambal niyang magkuya ay mukhang gagawa ng sarili nilang gulo.

"Tama na yan! Makinig na tayo sa kwento ni Lance!" Ma-awtoridad na sabi ni Reiko kaya natahimik ang nagbabadyang asaran ni Renze at Renzo.

"I-kwento mo na kuya Lance!" Halatang lasing na agad ang kanyang bunsong kapatid na si Rain Lance dahil sa paraan ng pananalita nito. Sobrang tapang talaga ng alak at pati siya rin ay medyo tinamaan agad pero ang kuya Renze niya ay parang tubig lang na ininom ang alak. Sa isip niya ay nasanay na siguro 'to sa tatay ng girlfriend nitong taga-probinsya.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na si Lance sa pagkukwento at tila nag-iisip ang kanyang mga kapatid kung ano ang maaaring maibigay na tulong sa kapatid. Una ng nagsalita si Renzo.

"I'll ask Chiela kung pwede siyang kumuha ng impormasyon tungkol kay Angela, hindi pa naman halatang buntis siya kasi ayaw pa naming ipaalam sa mga magulang niya yin ehh... pero sige, kakausapin ko siya." Wika nito at nagliwanag ang mukha ni Lance sa sinabi ng kapatid niya.

"Salamat kuya Renzo, malaking tulong 'yan sa akin. Gusto ko kasing malaman kung ano ang nangyari sa baby namin. Kaurat kasi yung Kyra na yun!" Halata ang labis na hinagpis sa mga mata ni Lance at medyo lumalakas na rin ang tama ng alak sa kanya.

"Parang kilala ko talaga yung Kyra ehh! I think I heard her name nung pumunta ako sa bahay ni tito Harry. Hindi ko nga lang sigurado." Nakapangalumbabang wika ni Rain Lance at halata rin na pinag-iisipan nitong mabuti kung saan nito narinig ang pangalang Kyra pero hirap na ito dahil lulong na sa alak.

"Hayaan mo na lang Ulan, malalaman din natin kapag tumagal pero ngayon, give her time and space, Lance. You see, mahirap intindhin ang babae at may kasalanan ka rin naman dahil 'di mo sinabi sa kanya. She has the right to know. Yet, may tanong lang ako sa'yo, sigurado ka ba talagang anak mo yung pinagbubuntis nung Cyra?" Seryosong wika ni Reiko at tila napaisip si Lance sa huling linyang binitiwan ng kuya niya. Sigurado nga ba siyang anak niya ang pinagbubuntis ni Cyra? Lasing siya nang mga panahong 'yon kaya hindi rin sigurado kung ano nga ba talaga ang nangyari.

"Hindi ko alam pero kasi katabi ko siya nang magising ako at parehas kaming walang saplot." Pilit niyang inaalala ang mga nangyari pero sumakit lang ang ulo niya dahil hindi niya rin maalala. He just jumped into conclusion na may nangyari sa kanila at nabuntis niya ito.

"Let me see her picture kung meron ka." Utos ni Reiko pero umiling siya dahil wala siyang litrato nito. Yet, he remembered something, he has Cyra's number.

"I have her number." Sagot nito sa kuya Reiko niya habang kinakalkal ang contacts.

"Hand me your phone, ako na ang maghahanap." Utos nito at binigay naman niya agad. Nagdadasal siya na sana ay nandoon ang number ni Cyra. Gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga.

"Wala naman ditong Cyra ang pangalan. Puro number lang namin, mga ka-opisina, investors at kung sino man si Temptation pero malamang ay si Angela lang ito. Wala talagang Cyra." Reiko said with frustration. Kita sa mga mata nito ang inis dahil gusto nitong makatulong sa kay Lance.

"Teka, pinapauwi na ako ni Chiela, magpapakamot daw." Wika ni Renzo at pinakita pa ang text ng asawa nito. Tumango naman silang apat kaya nagpaalam na ito at umalis.

"Talaga yung kakambal ko na 'yon! Under sa asawa niya!" Reklamo ni Renze at napatikhim silang lahat dahil under din ito sa girlfriend niya.

"Oo na! Under din ako sa girlfriend ko! Tsk! Lahat tayo rito under ng mga kanya-kanyang mahal natin!" Inis nitong wika sabay tawa kaya napatawa na rin si Lance, Reiko at Rain Lance.

"Magsaya na lang tayong apat! At ikaw Ulan! Sana umayos ka na! Maging loyal ka na kay Nashra! O siya, cheers!" Natatawang wika ni Reiko at sinunod nila ang huling sinabi nito. Ilang minuto lang ang lumipas ay ubos na ang iniinom nilang lambanog at kumuha ng bagong alak si Renze sa ref.

"Magpapakalasing ba tayo ng sobra mga kuya? Baka mabugbog at hiwalayan ako ni Nashra bukas kahit hindi pa official na kami." Halatang lasing na lasing na ang bunsong kapatid ni Lance dahil nakapikit na ito habang nakasandal.

"Pwede ka ng matulog diyan Ulan. Baka mahulog ka pa kapag umakyat ka. Kami na lang nila kuya Reiko at kuya Renze ang iinom." Mungkahi ni Lance sa bunsong kapatid niya at agad naman itong nahiga sa sofa.

"Nag-iisa na lang 'tong alak." Malungkot na wika ni Renze.

"Okay lang yan, sabi ng anak ko ay malapit ng umuwi ang mga reyna ng bahay na 'to. Pagkaubos ng alak na yan ay magligpit na tayo at matulog." Wika ni Reiko at sinimulan na nilang ubusin ang alak. Sa ganitong paraan ay medyo nabawasan ang bigat ng problema ni Lance. Bonding with his brothers is a great help. Kahit ngayong gabi lang ay naging masaya siya kasama ang mga kapatid. Siguradong kinabukasan ay mamomroblema na naman siya.

TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon