NAGISING si Lance na sobrang sakit ang ulo at napatingin sa paligid niya. Tulog pa ang tatlong kapatid niya kaya tahimik na nagtungo siya ng kusina.
"Fuck." Mahinang mura niya habang nakapakit dahil parang pinipiga ang ulo niya sa sobrang sakit. Nagulat siya ng may dalawang kamay siyang naaninag ng bahagyang idilat ang mata. May kapit na gamot ang isa habang kape naman ang sa kabila.
"Salamat." Wika niya bago kuhanin ang gamit at kape. Hindi niya maiwasang mapamura sa isip sa sobrang sakit ng ulo niya.
"Sigurado akong ganyan din ang mangyayari sa mga kapatid mo kaya naghanda na ako. Siraulo talaga yang kuya mo ehh. Imbes na pigilan sa pag-inom ng marami, nakisali pa." Mataray na wika ng babae kaya tinignan niya kung sino at panandalian niyang nakalimutan ang sakit ng ulo niya nang makitang ang asawa ng kuya Reiko niya ang kaharap.
"Para kang nakakita ng multo diyan. By the way, I need to talk to you but you should drink the medicine and the coffee first." Sabi nito sa seryosong boses at natatakot siya sa paraan ng pagsasalita nito. Ngayon niya lang narinit magsalita ang hipag niya ng ganyan.
"Ano po yun ate Ica?" Tanong niya ng mainom ang gamot at maubos ang kape. Napalunok siya ng matalim itong tumitig sa kanya.
"Alam kong mag-iinuman kayo kaya hindi ako rito pinadiretso ni Reiko. Hindi ko pa alam kung ano ang nangyari sa baby niyo pero putangina mo Lance. Bakit mo pa ginawa kay Angela? Sinakyan lang kita nung nahuli ko kayo dati sa opisina pero naiinis ako. Alam kong may sikreto kang tinatago at naiinis ako sa'yo kasi hinayaan mong si Angela pa mismo ang makatuklas. Hindi ako natutuwa sa'yo Lance. Pasalamat ka at bayaw kita, kung hindi ay napatay na kita." Pigil ang galit na wika nito sa kanya at nakaramdam siya ng labis na takot at hinagpis. Pati ang hipag niya ay galit na rin sa kanya. He's a total fvcking mess! Wala na siyang nagawang tama!
"Sorry ate Ica, hindi ko naman kasi alam na aabot sa ganito. Tsaka, si Angela ang mahal ko ate." Umiiyak niyang wika habang nakatungo. Hindi niya kayang tignan ang hipag niya dahil sobrang nahihiya at natatakot siya. Nagsisisi siya sa lahat ng gunawa niya. Sana nga ay hindi niya anak ang pinagbubuntis ni Cyra.
"Walang magagawa ang sorry mo, Lance. Alam mo bang sinabi ni Angela na aalis na siya dahil mas kailangan mong gampanan ang responsibilidad mo sa mas nauna. Handa siyang magsakripisyo ng sariling kapakanan niya kasi naisip ka niya at ang babaeng nauna sa kanya. She's selfless and you are selfish. Meron ka ng nabuntis pero ginalaw mo pa rin si Angela. Hindi sapat na rason ang mahal mo siya dahil may anak ka na sa iba. Maling-mali Lance! Ngayon, hindi natin alam kung anong mangyayari sa anak niya na ikaw ang dahilan kung bakit nasa bingit silang dalawa ng kamatayan. Gustong-gusto niyang tumakbo palayo dahil nasaktan siya. Paulit-ulit na ako para pumasok sa utak mo! Hindi kaya ng bangkang maglayag ng sabay sa magkaibang lugar!" Hindi na napigilan ni Angelica ang galit kaya nasigawan na nito si Lance. Tinanggap lahat ni Lance ang sinabi ng hipag niya dahil may punto ito. Yet, hindi rin muna kasi pinakinggan ni Angela ang buong eksena. Ayaw niya ng sumagot pa ng pabalang dahil alam niyang sa huli ay matatalo rin siya sa hipag niya.
"Heaven! Fvck, ang sakit ng ulo ko!" Napatingin silang sabay sa nagsalita at nang makitang si Reiko ito ay agad naman itong dinaluhan ni Angelica.
"Heaven, here. Inomin mo muna." Malambing nitong sabi sa kapatid niya at ininom naman agad ito ng kuya niya. Matapos uminom ay nagsalita ito.
"Pakinggan mo muna ang buong istorya bago ka magsisigaw, Heaven." Wika ni Reiko habang nakaakbay kay Angelica.
"Fine. Spill it, Lance." Kalmado na nitong sabi kaya nagsimula ng magkwento si Lance.
NAGISING si Angela na parang may kulang sa kanya. Kinapa niya nag tiyan pero naalala niyang hindi pa naman ito umuumbok kaya wala talaga siyang makakapa. Agad namang lumapit ang daddy niyabpara daluhan siya.
"Mabuti at nagising ka na anak." Kita ang pag-aalala sa mga mata ng daddy niya pero kinakabahan siya. Alam niya ang nangyari kung bakit nadito siya ngayon. Nag-aalala siya sa baby niya dahil ito na lang ang maiiwan ni Lance na ala-ala sa kanya.
"Ang baby namin ni Lance." Tanong niya sa daddy niya na biglang sumeryoso ang mukha.
"Wag mo ng babanggitin ang pangalan ng lalaking yon." Madalim ang mukhang sabi nito sa kanya at nakaramdam siya ng takot.
"Ahh... sige po, ang baby ko po?" Pagpapalit niya ng tanong at tila nalungkot siya sa naging reaksyon ng ama.
"Wala na siya Angela, wala na ang apo ko, wala na ang baby mo." Naluluha nitong wika at tila nagpira-piraso ang puso niya. Ang anak niya, wala na.
"No, hindi pwede! No!" Malakas niyang iyak. Hindi pwedeng mamatay ang anak nila dahil ito na lang ang natitirang ala-ala ni Lance sa kanya. Desidido na siyang iiwasan na si Lance dahil may responsibilidad ito sa mas naunang nabuntis nito. Ayaw niyang maging karagdagan sa problema ni Lance at kahit pa tinapos niya ang eksena ay desidido pa rin siya. Kahit pa sabihin ni Lance na siya ang mahal nito ay hindi pa rin uubra. Pangalawa lang siya at sa mata ng lahat ay siya ang dahilan kung bakit hindi kasama ni Lance ang nauna. Ayaw niya!
"Wala na tayong magagawa pa." Her father sighed as a matter of fact. Hindi na siya muling nagsalita pa at patuloy na lang ang pag-agos ng luha niya. Hindi niya na kaya pang magtagal at makita si Lance. She want to get away dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Lance kapag nalaman nitong namatay ang baby nila at ayaw niyang mangyari yon. Ayaw niyang siya ang bigyang-pansin ni Lance dahil nakokonsensya kay Cyra. As far as she can remember ay Cyra ang pangalan nung mas nauna sa kanya. Hindi sa lahat ng oras ay inuuna ang pagmamahal.
"Gusto kong umuwi muna sa bahay natin sa probinsya. Kahit tatlong buwan lang tapos babalik pa ako rito para ayusin lahat ng meron dito. I need some fresh air para makapag-isip. Sana ay hindi ito malaman ni Lance and please dad, wag kayong magalit sa kanya dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nasagasaan." Sabi niya sa ama at tumango ito bilang pagsang-ayon. Ayaw niyang sisihin nito si Lance dahil kahit anong mangyari o galit man niya rito ay hindi niya kayang magalit. She said before na kaya niyang iwan si Lance kapag niloko siya nito but she can't. Kailangan niyang pumunta sa probinsya para makapag-isip. Her mind is too crowded with so many thoughts.

BINABASA MO ANG
Territorial
General FictionBuenavista Side Stories #1 | Completed A story of Lance Edward Buenavista. Date Started: 2016 Date Finished: 2017