NAUNANG nagising si Lance kay Angela kaya nagsuot siya ng damit para makaluto ng almusal nilang dalawa. Habang nagluluto ay naramdaman niya ang paglapat ng katawan ni Angela at ang pagyapos nito sa kanya.
"Naalala ko yung dati na nakahubad ka pa rin tapos dinalan mo akong pagkain. May nakaserve na jumbo footlong ehh." Natatawang wika ni Angela na dahilan din para matawa siya. They became sweeter than before. Halatang-halata na nagbago na sila at ang pakikitungo nila sa isa't isa ay hindi tulad ng dati.
"Alam mo temptation, sobrang saya ko talaga ngayon sa pagbabalik mo at nagpapasalamat din ako na nagkahiwalay tayo for three months kasi naayos na natin ang mga sarili natin. Tama ang dad mo sa sinabi niya, kinailangan talaga natin ang espasyo at oras." Nakangiting wika niya kay Angela. Tama nga na nadyan ang mga magulang para gabayan ang kanilang mga anak at hindi sila gagawa ng bagay na iyong ikapapahamak kaya sobrang nagpapasalamat siya sa dad at soon to be father-in law niya.
"Same tease. Teka, gutom na ako hahaha kain muna tayo!" Natatawang aya nito sa kanya kaya hinanda niya na ang mga niluto niya at ang pagkakainan nila. Habang kumakain ay hindi mawaglit ang ngiti sa kanilang mga labi hanggang sa matapos silang kumain.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin, tease?" Putol ni Angela sa katahimikan. He almost forgot that thing.
"Yung about kay Cyra, hindi ko pala talaga anak at walang nangyari sa aming dalawa. Si Kyoniethan na ang mag-eexplain sa'yo dahil siya ang tunay na ama ng baby." Wika niya habang kapit ang kamay ni Angela at natuwa siya dahil lumapad ang ngiti sa labi ni Angela.
"Tapos yung kay Kyra, she's not my ex at wala ring nangyari sa aming dalawa. Nainis lang siya sa akin kaya gumawa siya ng hakbang para ipaghiganti ang mga pinaiyak ko nung college pa lang tayo at humihingi siya ng sorry kasi hindi niya expected na aabot sa ganon ang ginawa niya. Mas better kung ikaw ang makipag-usap sa kanya." Pagpapatuloy niya sa sinasabi habang nakatitig sa mukha ni Angela. He's really lucky to have her and he regrets all the things he did in his past.
"Buti naman at wala na tayong problema. Alam mo bang balak ko talagang ipaglaban ka na kahit pa buntis si Cyra? As in sobrang determinado na akong balikan ka rito and it looks like na mas maganda ang mga nangyari dahil hindi ko na kailangang ipaglaban ka pa kasi akin ka na lang pala talaga." Kita sa mga mata ni Angela ang labis na sayang nadarama nito at ilang hakbang lang ang ginawa nito para halikan siya sa labi. He feels contented with her kiss to the point that he doesn't want it to end but it has to.
"I love you tease." Habol ang hiningang sabi ni Angela habang magkadikit ang kanilang mga noo. Binigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa labi bago magsalita.
"I love you too temptation." Tugon niya at muling hinalikan ito sa labi. Sa pagkakataong ito ay puno na ng nag-aalab na pagmamahal ang halik na pinagsasaluhan nila pero naudlot ito ng biglang may magsalita.
"Kaya pala hindi ko na nakita ang anak ko dahil inararo na ni Lance." Napatingin silang dalawa sa nagsalita at nakita ang daddy ni Angela kasama ang buong pamilya nito pati na rin ang kanya. Para silang mga kriminal na nahuli sa naging reaksyon nilang dalawa.
"Tito..." Naputol ang sasabihin niya ng magsalita ang daddy ni Angela.
"Sabi ko sa'yo dati, dad na lang ang itawag mo sa akin. Doon din naman ang punta non. Mukhang gumawa na nga kayo ng apo ko kagabi. Nagulat ako kasi umihi lang ako tapos nawala na ang anak ko." Natatawa nitong sabi at nagtawanan din ang lahat maliban sa kanilang dalawa ni Angela na namumula pa rin sa pagkahuli sa kanila at para silang mga teenagers sa inaakto nila. Nagka-anak na at lahat ay ganyan pa ang naging reaksyon nila.
"Hindi na kayo teenagers oyy! Kung maka-react kayo parang kasing edad niyo lang ang anak namin ni ate Ica niyo! Nagsex na kayo't lahat!" Pabirong pansin ni Reiko sa kanilang dalawa at muling nagtawanan ang lahat pero ngayon ay kasama na silang dalawa sa tumatawa.
"So kailan ang kasalan?" Tanong ng mommy ni Angela at determinado na siya sa mga plano niya.
"As soon as possible po... mom!" Nakangiting sagot niya sa tanong nito. Ayaw niya ng pakawalan si Angela at kung maaari ay magpapatali na siya rito agad.
"Good to hear that!" Natutuwang sabi nito.
"By the way, may meeting po kaming magkakapatid mamaya. Kung pwede po ay samahan niyo po muna si Angela rito mamayang gabi? Uuwi rin naman po ako then pwede na po kayong pumunta sa gusto niyo pong puntahan." Wika niya at naintindihan naman ng mga kapatid niya ang gusto nitong ipahiwatig.
"Sure!" Sagot ng daddy ni Angela at tinignan niya ang mga kapatid. Kanya-kanya na ang mga ito sa pagpapaalam sa mga kanya-kanyang kasintahan nila. Ibinaling niya naman ang tingin niya kay Angela at binigyan siya nito ng approval gesture.
"Thank you and I love you temptation." Puno ng pagmamahal at sayang sabi niya kay Angela.
"No problem and I love you too tease." She replied then kissed him again quickly. Maraming plano na ang tumatakbo sa kanyang isip para sa proposal at kasal nila. He wants to give her the best wedding and also her dream wedding.
"Okay na!" Sabay-sabay na sabi ng mga kapatid niya at napangiti siya. Mabuti na lang talaga na may kapatid siyang tulad ng mga kapatid niya na laging nandyan kapag kailangan at nagpapasalamat siya dahil ang mga kasintahan nila ay pinagbibigyan sila. He's lucky to have a family like them kahit pa puro sila mga manyak ay may magaganda naman silang natutulong sa isa't isa.
Buong maghapon ay puro lang katuwaan at kwentuhan ang mga nangyari hanggang sa sumapit na six o'clock gabi. Umalis na silang magkakapatid para makapag-usap-usap.

BINABASA MO ANG
Territorial
Ficção GeralBuenavista Side Stories #1 | Completed A story of Lance Edward Buenavista. Date Started: 2016 Date Finished: 2017