NAKARATING na si Lance sa bahay ng pinsan niyang si Haleon dahil sabi ni Kyoniethan ay dito raw siya magtungo. What is it now? Bakit kaya sa bahay ng pinsan nilang si Haleon? Malakas ang kutob niya na kasali ang pinsan niya sa ginawa ni Kyra.
Lumabas siya ng kotse at pinindot ang doorbell ng gate. Agad naman lumabas si Kyoniethan para pagbuksan siy ng gate. Muli siyang sumakay sa kotse at pinaandar ito papasok sa gate.
"Ano bang meron at nandito tayo sa bahay ni kuya Haleon?" Tanong ni Lance na sobrang pagtataka ang umiiral sa isip.
"Si Kyra na ang magkukwento sa'yo." Hinatak siya ni Kyoniethan papasok at nakita niyang naglalandian ang pinsan niya at si Kyra. Now, this is awkward and more confusing.
"Nandyan ka na pala Lance! Pasensya na sa nagawa kong gulo, hindi ko naman alam na aabot sa ganon ang ginawa ko and I hate myself for that." Wika nito sa kanya and he gained more confusion. Ano ang ibig sabihin nito?
"What?" Tanong niya at halata sa boses niya na gulong-gulo na ang isip niya.
"Okay, magkukwento na ako. Wag kang sisingit." Tumango siya bilang sagot at umayos na ito ng upo. Umupos siya sa kaharap nito na upuan at umayos din ng pagkakaupo.
"Hindi mo talaga ako naging ex-girlfriend at walang nangyari sa atin. Masyado lang akong demonyita kaya umisip ako ng plano para paikutin kayo ni Haleon at nagsisisi ako. Ang akala rin ni Haleon ay naging tayo at may nangyari sa atin pero gawa-gawa ko lang yon. I'm two years older than you at hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin. Pare-pareho lang naman tayo ng university na pinapasukan kaya sobrang kilala kita at sobrang naiinis ako sa'yo dahil ang dami mo ng pinaiyak na babae." Natigil ang pagkukwento nito nang saglit itong uminom muna ng tubig.
"So ayun nga, ang gusto ko talaga ay si kuya Haleon mo pero hindi kami nagpapansinang dalawa hanggang sa muli kaming magkita last month. Noon ko sinimulan ang plano kasi umamin siya sa akin na since before ay mahal na mahal niya na ako pero tinatago niya lang kasi natatakot siyang kausapin ako. Sobrang daming beses akong nagsorry sa kanya nang kinuwento ko sa kanya ito kasi nasaktan ko rin siya sa pinaggagagawa ko. Masyado akong nabulag sa galit ko sa'yo dahil isa kang dakilang fvckboy. Ngayon, sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko dahil nadamay ang anak niyo. Wala naman sa plano ko na makukunan siya but accidents do happen. Alam kong hindi na mababalik ng sorry ko ang mga nangyari pero sorry talaga." Nakayuko nitong sabi at kita ang pagpatak ng mga luha nito. Agad siyang dinaluhan ni Haleon at niyakap.
"Shh, tahan na monster." Alo nito sa kasintahan at mas lalo lang lumakas ang iyak ni Kyra.
"No, mali kasi monster! Nakapatay pa ako ng inosenteng baby dahil sa ginawa ko!" Napakalakas ang paghugol-hugol nito at nakita niya ang nagmamaka-awang tingin sa kanya ng pinsan niya na para bang sinasabi na patawarin na ito. Sa totoo lang, wala namang mangyayari kung magagalit lang siya. 'Yon ang nakakasira sa tao tulad na nga lang ng sinabi ng dad niya dati, 'Walang magandang naidudulot ang galit kundi isa pang sakit.' Ang dami niyang natutunan sa ama at gusto niya itong gawin ngayon.
"Ate Kyra, sorry din kung ang daming masasamang bagay ang nasabi ko sa'yo. Don't worry, past is in the past. Ang mahalaga ngayon ay malinaw na ang lahat at wala ng problema pa kapag nagkita ulit kami Angela. I just want to know and clarify everything. You're already forgiven." Nakangiting sabi ni Lance at dahil dito ay kumalma na si Kyra. Masaya si Lance sa mga nangyayari because he wants everyone to see that he is gradually changing.
"Salamat, Lance!" Tumakbo ito sa kanya at niyakap siya. He was about to hug back when he saw his cousin's killer eyes.
"Don't ever lay your hands on her." Tiim-bagang nitong sabi kaya ibinaba niya ang kamay niya. Humiwalay naman si Kyra sa pagkakayakap sa kanya.
"Oops, I forgot that." Kyra said with a peace sign gesture on her right hand. Bumalik na ito sa tabi ni Haleon at panandaliang naghari ang katahimikan.
"So... everything is okay now? Wala ng mga problema. Kailangan na lang ipaliwanag ito kay Angela kapag bumalik na siya. The meeting is now adjourned, you may now go back Lance and I'm going to leave too. Bigyan niya na ako ng isa pang pamangkin!" Hatak-hatak ni Kyoniethan si Lance habang nagsasalita hanggang sa makarating na sila sa may kotse niya.
"Lance, puntahan natin si Cyra. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat." Tumango siya sa sinabi nito at sumakay na sila sa kotse. Pinaandar na niya ito papunta sa bahay ni Cyra.
Ilang oras lang ay nakarating na sila sa destinasyon at pagkababa ni Kyoniethan ay kaagad niyang pinatakbo ang kotse. Ayaw niyang makisali sa dalawang 'yon. Ilang segundo pa lang ang lumilipas ay nakareceive siya ng tawag at sakto namang naka-pula ang traffic light.
"Hello, Kyoniethan?" Natatawang tanong niya sa kabilang linya.
"Tangina mo! Gago ka talaga Lance! Matapos kitang tulungan! Siraulo ka! Tangina mo to the moon and back!" Galit na galit nitong sigaw sa kanya habang tawa lang siya ng tawa. Ibinaba na nito ang tawag at mas napalakas pa ang tawa niya.
Sigurado siya na tama lang ang ginawa niya at ayaw niya talagang makisingit sa usapan ng dalawa. It will look more sincere kasi kapag ang pinsan niya lang ang kakausap kay Cyra. Pinaandar niya na ang kotse ng mag-green na ang traffic light.
"Sarili ko na lang ang kailangan kong ayusin at magpeprepare ako para sa surprise ko kay Angela. Ramdam ko talaga na mahal niya ako at babalik siya para sa akin. Ramdam ko na namimiss niya rin ako." Nakangiti niyang sabi habang pinapaandar pa rin ang kotse. Nananatili siyang positibo mag-isip dahil ramdam niyang tama ang nararamdaman niya.
"Hindi ako mawawalan ng pag-asa hangga't hindi sinasabi ni Angela na wala na talaga." Determinado niyang sabi at punong-puno ito ng pag-asa.

BINABASA MO ANG
Territorial
قصص عامةBuenavista Side Stories #1 | Completed A story of Lance Edward Buenavista. Date Started: 2016 Date Finished: 2017