KUMAKAIN na ng almusal ang magkakapatid maliban kay Ulan na umalis na dahil marami pa itong kailangang gawin bilang estudyante. Lahat ay tila nag-iisip habang nakatingin kay Lance at maging ang mga magulang niya ay nag-iisip. Ano nga ba ang dapat gawin ni Lance? Bukod sa bigyan ng espasyo at oras si Angela ay kailangan niya pa ring gumawa ng ibang paraan para maayos ang lahat.
"For now, maybe you could restrain yourself from getting near women. Baka may kung ano ka na namang gawin dahil sa pagkasawi mo kay Angela." Suhestiyon ng mommy niya at tumango siya bilang pagsang-ayon. Nakwento rin niya kasi kung bakit nagkaroon ng issue tungkol kay Cyra pero ang hindi lang sigurado ay kung may nangyari nga ba talaga.
"I received a message from my twin." Singit ni Renze at napatingin naman silang lahat sa kanya. Lance is praying that this should be a good news. Sino ba naman kasi ang may gusto ng bad news.
"He said that Chiela already gave him information about Angela. Pumunta raw kasi ito kahapon habang nag-iinuman kami rito. Ligtas na raw si Angela pero patay na ang baby. Wait, what?! Patay na ang pamangkin ko?!" Gulat na basa nito pero hindi lang basta gulat ang naramdaman ni Lance. Sorrow pierced his heart from what he heard. No! Hindi 'to pwede! Paano kung lalo lang siyang layuan ni Angela dahil wala na ang anak nila? Mali lang siguro ito ng basa!
"Will you please read it again? Baka nagkamali ka lang ng basa kuya? Hindi! Hindi pwedeng mamatay ang anak namin! B-baka iwan na ako ng tuluyan ni Angela." Nagsimula na namang lumuha si Lance at dinaluhan siya ng mga magulang pero ang hipag niya ay inis na nagsalita.
"Ngayon ka nagrereact ng ganyan? Pasensya na pero kasalan mo rin kasi talaga Lance! Nasa huli lagi ang pagsisisi Lance! Karma is firing back the ultimate ammo!" Pinigilan ng kuya Reiko niya ang akmang pagsampal nito sa kanya pero sinenyasan niya ang kapatid na hayaan kaya isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. He deserve this kind of pain. Ang dami niyang nagawang kasalanan at laging natatamaan ng hipag niya ang bullseye. Hindi ito nagmintis ng mga bibitiwang salita.
Ramdam niyang tagos sa isip at puso niya ang mga sinasabi nito sa kanya. Ramdam niya na ngayon ang lahat ng sakit na nadulot niya sa mga babaeng niloko niya dati. Bakit nga ba kasi mas pinili niyang gawin ang mga bagay na iyon kaysa ligawan na lang si Angela na mahal niya na simula't sapul pa lang? Bakit ngayon niya lang naisip ang mga ito?
"Tignan mo kung sino 'yon Renze." Utos ng daddy niya ng tumunog ang doorbell at ilang minuto ang lumipas ay nakita niya ang kapatid ni Angela na tumatakbo papalapit sa kanya. Muli ay dinapuan siya ng isang malakas na sampal sa pisngi at mas malakas pa ito kaysa sa sampal ng hipag niya. Pulang-pula na ang pisngi niya at bakat ang kamay ni Chiela.
"Tama na, darling." Pigil ni Renzo sa asawa nito pero hindi ito nagpaawat at nagsalita.
"Bakit mo nagawa yon Lance? Wala namang masamang ginagawa ang kapatid ko sa'yo! Putangina Renzo bitiwan mo ako!" Sigaw nito sa kapatid niya at nanahimik na lamang ito. Muli siyang hinarap ni Chiela at binigyan ng sampal sa kabilang pisngi habang ang mga magulang niya at ang ibang nasa paligid ay hindi nagrereact dahil sinenyasan niya rin ang mga ito na 'wag pigilan.
"Bakit Lance? Pasalamat ka at buntis ako, kung hindi ay nabugbog na kita sa ginawa mo kay Angela!" Nanatili siyang tahimik at walang masabi.
"Tara na Renzo, umuwi na ulit tayo. Gusto ko lang ilabas ang galit sa kapatid mo." Hila nito sa kuya niya at nakita niya sa mga mata ng kapatid ang paghingi nito ng tawad. Sa totoo lang, may karapatan si Chiela dahil kapatid nito ang biktima at siya ang may kasalanan.
"Anak." Wika ng daddy niya at niyakap siya. Lalong umagos ang luha niya sa ginawa ng ama at nagsimula siyang umiyak sa mga balikat nito. Sumenyas saglit ang daddy niya kaya umalis ang mga tao sa loob ng kusina at silang dalawa na lamang ang naiwan sa loob.
"Dad, napakawalang-kwantang tao ko. I'm a worthless man." Iyak niya sa balikat ng ama at patuloy lang nitong hinahaplos ang kanyang likod. Somehow, he feels comfortable to release all his feeling and thoughts.
"Dad, bakit ganon? Bakit kung kailan masaya na kami? Bakit pa nagkaganito?" Patuloy lang ang pag-iyak niya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin. Hindi niya na alam kung ano pa ang mangyayari. He feels like he need to do something pero parang wala na siyang magagawa.
"Sa isang relasyon, talagang maraming problemang dumadating, mahirap man o hindi. Binibigay 'yan ng Diyos para masubukan ang pagmamahalan niyong dalawa at kung gaano kayo katatag. Sinusubok niya kung kaya niyo bang tumagal hanggang dulo. Kung dito pa lang ay sumusuko na kayong dalawa, hindi niyo kakayaning magtagal hanggang sa dulo. Mayroon pang malalang mga problema at isa pa lang itong pinagdadaanan niyo. Kung kayo, kayo talaga at napatunayan na namin yan ng mommy mo. Pakiusap, 'wag kang susuko anak. Hindi mo alam kung gaano ka nakakaapekto sa amin dahil hindi rin namin kayang makitang nagkakaganyan ka." Tumigil ito at niyakap siya ng mahigpit. Patuloy lang siya sa pag-iyak at naghihintay kung may sasabihin pa ang daddy niya.
"Yung tungkol kay ate Ica mo, intindihin na lang natin siya dahil bilang isa sigurong babae ay sobrang nasaktan din siya sa nangyari kay Angela. 'Wag kang mag-alala, lilipas din ang galit nyan dahil kilala ko ang ate Ica mo. After all, lahat naman ay lumilipas. Naniniwala akong may lilitaw para makatulong sa inyong dalawa." Nakaramdam siya ng paggaan ng kalooban sa mga sinabi ng ama. He felt enlightened by his father's words.
"Salamat, dad. Masaya ako na nandito kayo para damayan ako." Niyakap niya ng mahigpit ang ama at ginatihan din siya nito ng mahigpit na yakap.
"Walang anuman, anak. Nandito lang ang daddy mo para gabayan at damayan ka." Napangiti siya sa sinabi ng ama. He's lucky to have a father like him. Sobrang nagpapasalamat siya.

BINABASA MO ANG
Territorial
Fiction généraleBuenavista Side Stories #1 | Completed A story of Lance Edward Buenavista. Date Started: 2016 Date Finished: 2017