Kabanata 33

3.2K 42 2
                                        

MAGKAKASAMA na sila Lance, mga kapatid at ang pinsan niya sa sala ng bahay ng mom at dad niya. This time, hindi muna sila iinom dahil nasa loob ng bahay ang mga babae at takot sila sa mga ito. Wala ang kapatid niyang si Renzo at malaman ay kasama ito ni Chiela.

"Bakit mo kami pinatawag ngayon at nandito pa si Kyoniethan?" Bungad na tanong ng kuya Reiko niya at ngumiti muna siya bago sumagot.

"I need to fix myself at uunahin ko by knowing kung anak ko ba talaga ang pinagbubuntis ni Cyra." Nakangiti pero halata ang pagkaseryoso niya. He needs to find out the truth. The truth shall prevail!

"Mga pinsan, I have to tell something. Hindi ko rin 'to masabi kay Cyra pero ako talaga ang nakabuntis sa kanya. Nasasaktan ako tuwing makikitang si Lance ang kasama niya para magpacheck up pero tinitiis ko kasi galit siya sa akin. She's my ex-girlfriend and one week pa lang kami pero nagkahiwalay agad dahil ang gago ko. Mahal ko talaga siya pero nagawa kong magloko, I'm so stupid. Hindi ko masabi sa kanya ksa kadahilanang baka mas magalit siya sa akin." Malungkot nitong wika at sabay-sabay siyang binatukan nila Lance. What the fvck?!

"Siraulo ka pala ehh! Anak mo tapos ako ang nagsustento! Gago!" Galit niyang sigaw kay Kyoniethan bago bigyan ng isang suntok para man lang makaganti siya. Ang laki ng problemang nagawa nito tapos hindi naman pala siya ang tatay ng pinagbubuntis nito.

"Tumigil kayang dalawa! I-kwento mo kung ano ang nangyari Kyoniethan." Puno ng awtoridad na wika ni Reiko kaya natahimik silang lahat at bumwelo na si Kyoniethan para magkwento.

"Ganito kasi ang nangyari nung araw na magkita si Lance at Cyra sa bar. Sinundan ko si Cyra nung takbuhan niya ako at pinanood ko ang paglalandian nila at pag-inom nila ni Lance. Hindi ko alam kung anong problema mo nun pero nakita ko pa yung paghahalikan niyong dalawa. Hanggang sa pagpunta niyo sa di ko alam kung saan yon basta sinundan ko kayong dalawa. Pagpasok ko sa kwarto ay nakatulog na kayong dalawa at hindi natuloy ang milagro. Ako ang nagtuloy dahil hinatak ko si Cyra papuntang CR at nagising siya kaya may nangyari sa aming dalawa. Sorry kung ngayon lang ako nagkwento kasi wala lang akong tapang para i-kwento ito pero nakokonsensya ako sa nangyari. Sana patawarin niyo ako." Malungkot ang mga matang wika nito. Yet, Lance still have some questions on his mind. Ang alam niya kasi talaga ay may nangyari sa kanilang dalawa.

"Pinapatawad na kita pero nagtataka lang ako kasi ang alam ko ay may nagyari talaga sa amin." Tanong niya dahil naguluhan siya bigla sa mga nalaman.

"Sobrang lasing ka na kasi Lance kaya pakiramdam at naaalala mo ay may nangyari sa inyo. Ganoon ka kapag sobrang lasing ka na talaga, kung ano-ano ang naaalala mong nangyari. Gusto mo bang magbigay ako ng patunay?" Wika nito at agad siyang umiling bilang sagot sa tanong nito. Huling sobrang nalasing siya bukod yung tungkol dito ay noong college pa sila at ayaw niya ng maalala 'yon. Muntik pa siyang maging batang ama dahil ganito rin ang nangyari. History repeats itself pero ni-hindi man lang niya ito naalala sa kadahilanang nagising silang parehas ni Cyra na walang saplot.

"Okay, problem solved na kay Cyra. By the way, tulungan mo si Lance magpaliwanag kay Angela tungkol diyan." Nakangiting wika ni Renze at sabay tumango si Lance at Kyoniethan. Tapos na ang isa niyang problema pero may isa pa, si Kyra. Sabi nito ay nabuntis din daw niya ito at kailangan niyang malaman kung totoo nga ba ito.

"We need to track Kyra dahil sabi niya ay nabuntis ko raw siya dati. I need to know kung totoo ba 'yon kasi hindi ko talaga siya maalala kahit anong pilit kong alalahanin ang mga naikama ko dati." Muli ay pinilit niyang alalahanin pero wala talaga siyang maalalang Kyra at kahit mukha nito ay hindi man lang niya maalala. Magaling siya sa face recognition kaya napaka-imposible kung sakaling totoo man ang sinasabi nito.

"Tutulungan kita bilang kapalit ng mga nadulot kong problema sa inyo ni Angela. I'll help on tracking Kyra." Suhestiyon ni Kyoniethan. He needs to fix this habang maaga pa 'cause he hates cramming.

"BAKIT mo naman siya sinampal ate Chiela?" Naniningkit ang mga mata na tanong ni Angela sa kapatid niya. Nakwento nito sa kanya ang mga nangyari at naaawa siya kay Lance. Hindi rin niya alaam pero lumalambot ang puso pagdating kay Lance.

"Kasi naiinis ako sa kanya, Angela. Nagawa niyang lokohin ka tapos binuntis ka pa." Halata ang labis na inis nito sa mga mata at tono ng pananalita. Dinaluhan naman agad ito ni Renzo para pakalmahin.

"Kumalma ka na darling. Mas matindi pa reaksyon mo kaysa kay Angela. Calm down, okay? Hindi mo lang alam pero nasasaktan ako na pinanood lang kitang sampalin at sigawan si Lance. Don't get me wrong, okay? Kung hindi lang kita mahal ay baka sa kangkungan ka na pupulitin." Malamlam ang mga matang sabi nito at halata ang sobrang pagkakonsensya nito sa nangyari sa kapatid. Tao lang din naman kasi si Lance, nagkakamali at deserve niya ring patawarin.

"Oh sheyt! Sorry, darling and Angela. Sorry kasi nagpadala ako sa galit ko. Sorry talaga, promise ko na magsosorry ako kay Lance." Pagbabago ng mood nito at maluha-luha ito sa sinasabi. Epekto na rin siguro ng pagbubuntis nito kaya madaling maapektuhan.

"It's fine darling, hindi ko naman kayang magalit sa'yo." Niyakap siya ni Renzo para pakalmahin at yumakap na rin si Angela kaya tumahan na ito.

"By the way, may meeting sana kami ngayong magkakapatid at kasama ang pinsan namin na si Kyoniethan pero hindi ako nakapunta. Hindi ko rin alam kung ano ang pag-uusapan nila pero sigurado akong tungkol 'yon sa inyong dalawa ni Lance, Angela." Singit na wika ni Renzo na nagpangiti kay Angela. Masaya siya na gumagawa rin ng paraan si Lance para maayos ang lahat. Although she's not yet sure kung 'yon nga ba talaga ang pinag-uusapan, masaya pa rin siya sa ideya na 'yon ang pinag-uusapan.

TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon