PAGKAGISING ni Lance ng madaling araw ay agad siyang nag-ayos ng mga gamit at pati na rin ng sarili niya. Sinabihan niya rin ang mga kapatid niya pati si Kyoniethan na mamayang gabi ang meeting at pumayag naman ang mga ito. Tatapusin niya lang muna ang mga kailangan niyang gawin ngayong araw na ito.
Napatingin siya sa pinto ng may kumatok. Ang aga naman ata nito para pumasok.
"Come in!" Sagot niya kaya bumukas agad ang pinto at iniluwa nito ang pinakainosente niyang empleyado. As in literal na inosente ang babaeng kaharap niya ngayon kahit pa kasing edad lang niya ito.
"Good morning po sir!" Nakangiti nitong bati at pinaupo niya ito sa silyang nasa harap ng table niya.
"Good morning din sa'yo Jennica. Anong kailangan mo at napunta ka rito?" Nakangiti niyang tanong dito dahil nakakapagtakang ngayon lang ito lumapit sa kanya.
"Ahh kasi po magreresign po sana ako dahil sabi po ni Kairo sa akin na ayaw niya raw po akong nandito. Tsaka po kasi maselan po ang pagbubuntis ko po." Magalang na sagot nito at tila napanganga siya.
"What? Ikaw? Buntis? Kailan pa? Weh? Teka nga, anong full name nung Kairo? Hindi talaga ako makapaniwala na nabuntis ka." Sunod-sunod niyang salita dahil lubos siyang hindi makapaniwala. Napakainosente nito at walang bahid ng malisya kapag nakakausap niya tuwing kasabay niya magbreak ang mga empleyado niya. Sobrang hindi na siya updated sa mga kaganapan.
"Hindi ko rin po alam kasi si Kairo lang ang nagsabi sa akin na buntis daw po ako. Napapadalas na rin po kasi ang pagsusuka ko. Nga po pala, Kairo Buenavista po." Inosenteng sagot nito at lalo siyang napanganga. Pinsan niya yon! Kuya niya to be exact at kasing edad nito si Zyonaell na hindi niya na kinukuya sa hindi malamang dahilan. Since the beginning kasi ay hindi niya na ito tinatawag na kuya na para banag magkasing-edad lang sila.
"May milagro na ba kayong ginawa?" Muli niyang tanong dito para mas makasigurado. Kawawa naman kasi ito kung hindi totoo ang sinasabi ng pinsan niya. She's fvcking innocent at nakakapanghinayang kung dudungisan ng pinsan niya pero wala naman siyang magagawa. They have their own life kaso sayang lang talaga yung pagkainosente ng empleyado niya.
"Hindi po ako naniniwala sa milagro, sir!" Inosenteng sagot nito sa kanya. See? Hindi niya alam kahit yung simpleng figurative word na yon.
"What I mean is, nagsex na ba kayo?" Diretsang tankng niya at namula naman ang pisngi nito. Napamura siya sa isipan dahil nabigla niya ata ito.
"Masyado naman po kayo magsalita, sir! Ahm, opo..." Naputol ang sasabihin nito ng biglang may pumasok sa loob ng opisina at nagmamadali itong hinila.
"Tanggalin mo na siya sa trabaho Lance. Aalis kami rito sa Manila." Wika ng pinsan niyang si Kairo at parang nagmamadali ito na makaalis.
"Ang daming nangyayari ngayong taon na ito. Is this lovers year?" Hindi niya maiwasang itanong sa sarili at nagpatuloy na sa mga bagong papeles na kailangan niyang ayusin.
"Bakit parang ang daming mga kailangang ayusin? Kahapon, ang dami ko ring inayos. What the fvck?" Kausap niya sa sarili habang binabasa ang project proposal ng isa niyang empleyado.
Mabilis tumakbo ang oras at wala ng mga empleyado sa loob ng kompanya. Nagsimula na ring mag-ayos ng gamit si Lance para makapunta na sa bahay ng mom at dad niya.
"KAMUSTA na kaya si Lance?" Bulong ni Angela habang nakatingin sa mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin sa probinsya at sobrang layo ng kapaligiran nito sa Manila. Agad siyang lumingon sa may pinto ng marinig niya ang pagbukas nito.
"Anong ginagawa mo rito dad?" Tanong niya ng makitang ang daddy niya ang pumasok sa kwarto niya. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya?
"Sit here, I want to have a conversation with you." Wika nito habang tinatapik ang kama. Lumapit naman siya at umupo. Niyakap niya ang ama niya at gumaang ang pakiramdam niya. High school pa lang siya nung huling mayakap ang ama.
"Namiss ko na ang ganito, anak." Ginantihan siya ng yakap ng ama niya. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya bilang isang ama. Ngayon niya lang naisip na masyado na siyang napalayo sa kanya ama simula nang tumuntong siya sa kolehiyo. Nanatili silang tahimik hanggang sa magsalita ang ama.
"I'll give you three months to stay here and after that, I'll bring you home. Yet, you can still stay here for a week if you still want to enjoy the life here. Sa loob ng tatlong buwan ay ayusin mo ang sarili mo para bago kayo magkita ni Lance ay ayos na ang lahat. Ayokong humadlang sa inyong dalawa pero pakiusap, 'wag niyo ng sasaktan pa ang isa't isa. Pasensya ka na rin kung nasuntok ko si Lance nung araw na yon dahil mas pinairal ko ang galit ko. Just enjoy your three months stay in here." Hindi na siya nakasagot sa ama dahil umalis na agad ito. Natutuwa siya sa ama dahil kahit halos sagut-sagutin niya na ito lagi dati ay nanatili itong mabait sa kanya. Nagtungo muli siya sa bintana at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.
"I think I really need to reflect and fix myself up. Lance, babalikan kita no matter what. This time, ayoko ng maging selfless, ipaglalaban na kita. God has plans kaya niya ito ginawa, I'll trust Him." Determinadong sambit niya. Hindi siya papayag na basta-basta na lang siyang maiiwan sa ere. Hindi siya papayag na makuha nung Cyra na yon ang taong mahal niya. This time, lalaban na siya at kailangan niya lang munang ayusin ang sarili bago muling humarap sa mga problema niya.
"Nawala ang anak namin at hindi ako papayag na mawala pati si Lance. I didn't make correct decisions kaya nangyari ito at hindi na ako gagawa muli ng maling desisyon para magkahiwalay kami ng tuluyan ni Lance. Ang mag-asawa nga nabibingwit ang isa, yun pa kayang hindi pa kasal. Mas nauna lang siyang nabuntis pero akong mahal." Kausap niya sa sarili at kita ang determinasyon mula sa mga mata niya. Bakit kaya ngayon niya lang ito naisip? Kung kailan nawala na ang anak nila ay tsaka niya lang naisipang lumaban.
![](https://img.wattpad.com/cover/83988392-288-k611324.jpg)
BINABASA MO ANG
Territorial
General FictionBuenavista Side Stories #1 | Completed A story of Lance Edward Buenavista. Date Started: 2016 Date Finished: 2017