Chapter 10

38 5 1
                                    

Rhian's POV

Pumasok na ako sa school at usual din ang itsura ko. NERD ng school. Andami na rin palang nangyari sa buhay ko sa school na ito. Simula ng maging NERD ako at makilala si Oliver.

"Ba't ganyan ang itsura mo? You should've removed your glasses. Mas maganda ka pag wala ito" tinanggal niya ang salamin ko kaya hinabol ko siya

Yeah si Oliver hindi niya ako sinundo kanina kasi may inasikaso siya na kaibigan niya daw. Masaya na malungkot naman ako doon.

"Oliver give it back to me!" Nakatayong sigaw ko. Ayaw kong mapagod dahil may sakit ako. Asthma. Kainis diba?

"Ang ganda pala ni Nerd ng walang salamin" classmate1
"She looks like an angel" classmate2
"Yuck boys. Nagparetoke lang yan"classmate3
"Atleast mas maganda siya sa inyo"classmate2

Naririnig ko ang mga bulungan nila sa likod ko kaya lumingon ako sa kanila dahil naiinis ako doon sa isang babae na sinabihan ako na nagpa-retoke lang.

"Excuse me? Hailee right? You see nasa dugo namin ang pagiging maganda and we don't need to undergo a plastic surgery to achieve this kind of face. Baka nga ikaw humiram lang ng mukha sa aso" I flip my hair ng talikuran ko siya. Annoying girl

"Kailan ka pa lumaban ng ganyan?" Manghang sabi niya. Nilapitan ko naman siya at biglang inagaw ang salamin ko. Nakuha ko naman ito at agad sinuot

"Before" pagkasabi kong iyon umalis na ako sa harap niya. Yup I did it before. Sinabihan din ako ng ganyan sa dati kong school kaya napapatawag rin ako sa guidance. But I want a change.

Nakarating na ako sa room. Ang iingay ng mga classmates ko pero nanahimik sila ng pumasok na ako. Weird right? Is it because Oliver showed care for me last monday? Gahd its so annoying. Meron ba ako ngayon kaya ganito ugali ko?

"Hey. A penny for thought?" Nakangiting sabi sa akin ni Lia. My savior bestfriend

"Nah. Iniisip ko lang kung bakit nanahimik sila. Hindi kasi ako sanay" kibit-balikat kong sabi

"Narinig kasi namin na nag-date kayo kahapon ni Oliver. Tapos kanina ang sweet niyo daw dalawa" mapait na ngiti ang binigay niya sa akin. I almost forgot. Fianceé niya pala ang nasa harap ko

I quickly grab her hand at nagpunta sa likod ng building namin. I want to clear some things to her. Ayaw kong mawala siya sa akin I don't want to have misunderstandings with her.

"Lia. Alam ko na alam mo anong meron kami ni Oliver. So I'm just saying na walang namamagitan sa amin okay?" Nakayuko lang siya ng sinasabi ko iyon. Umiiyak ba siya?

"Okay lang. Alam ko naman. Sabi ko sayo wag ka lang ma-fall sakanya" mapait pa rin na ngiti ang binigay niya sa akin

"Tell me what you want. Babawi ako sayo" at dahil sa mga sinabi kong iyon ay siyang ipinagtaka ko sa mga sagot niya

"Let me have a date with Oliver. Hindi ko pa siya nakakausap nor nalalapitan ng malapit. He's so distant kaya I want you to do these things" nang sinabi niya ang mga iyon. Nagliwanag siya. Inlove siya kay Oliver

"Sige" at dahil sa sagot ko na iyon ay nagdulot ng matinding kirot sa puso ko. Sabagay fake couple lang kami at nasa harap ko lang ang magiging asawa niya

"Let's go inside baka meron na si Ma'am Rhea" hinila naman na niya ang kamay ko. Nakayuko lang ako kaya hindi ko alam na may nakabangga na akong tao

"Miss are you okay?" Inabot niya ang kamay niya sa akin. Aabutin ko na sana ito ng maamoy ko ang pabango niya. It cannot be

"Oo okay lang siya. Nagmamadali kasi kami late na sa first subject" hindi ko na nakita ang mukha ng lalaki dahil hinila nanaman ako ni Lia. But I'm certain that I know that guy

"Bakit ngayon lang kayong dalawa? Magbubunutan na kayo para sa seating arrangement niyo" galit na sabi ni Ate Rhea. Late ba naman kasi kami pumasok

"Sorry Ma'am. May nabangga lang po kasi kami kanina na tao" dere-deretsyong sabi ko. Kaya nagulat ako kung bakit nanahimik mga classmates ko at nakatingin sa akin. Pati si Lia at Ate Rhea. Then I realize what I said

"I m-mean. M-May nabangga kami sa hallway habang t-tumatakbo" my god. I'm not referring to real bumping! Hays

"Okay. Take yours then" at inabot ni ate yung box sa amin. Since nauna si Lia na bumunot iisa nalang yung nasa box. Tinignan ko yung papel at number 15 ang lumabas sinilip ko sa board at sa likod ito.

Pumunta na ako sa pwesto ko at sinilip kung saan nakaupo si Oliver. Katabi niya ngayon si Lia at bakante na dito sa tabi ko. Mamimiss ko pala siyang katabi.

"Right. I almost forgot. May transferee tayo sa class. At dyan na sa tabi mo siya uupo Rhian" nakangiting sabi ni Ate Rhea. Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ng tao na iyon.

"Mr. Gonzales please do come in" pagpasok niya ng room ay hiyawan naman ng mga babae.

Syempre titilian nila ang tao na iyan. Gwapo siya at madaming nafa-fall sakanya at isa na ako doon NOON. Ang puso ko ay may naglalaman ng iba.

"Hi I'm Blue Gonzales. 17 years old please take care of me" nag-bow naman siya pagkatapos noon at nilibot nito ang paningin sa classroom pero nagulat ako ng kumaway siya sa lugar ko dahilan upang lumingon silang lahat sa akin

"Hi baby! I found you! You'll be mine again" pagkasabi niyang iyon lumapit siya agad sa akin at binigyan ako ng mabilisang halik sa pisngi

"Ooooooh" sabay na sabi ng mga classmates ko. Napaisip ako doon at naalalang boyfriend ko nga pala ngayon si Oliver shocks!

*blag!

Napalingon kami kung saan nanggaling ang ingay na iyon. At tama nga ako si Oliver iyon at nakahiga na ngayon sa floor si Blue. Ang bilis ng pangyayari

"Kiss my girlfriend's cheek one more time and I swear I'm going to kill you" black aura ang nakikita ko sakanya ngayon

"Your girlfriend? She's mine in the first place because we never broke up" nakangising sabi nito sa kanya.

Yes. Hindi kami nag-break ni Blue. I left them without closure. Escaping the reality that I don't want to get hurt.

"So? I don't care because she's mine and mine only so fuck off dude!" Sabi niya at kinaladkad palabas si Blue

"Teka Oliver!" Hinarangan ko agad ang pinto. Dapat hindi siya ganyan sa kapwa niya. Naging parte ng buhay ko si Blue kaya ayaw ko ng ganyan siya

"So you're protecting him? Fine!" Tinulak niya si Blue papunta sa akin at siya ang lumabas ng classroom. Susundan ko sana siya ng nauna na si Lia sa akin lumabas

"Thank you" tinanguan ko lang si Blue at tinulungan makabalik sa upuan.

Nagturo naman na si ate at nakinig na si Blue. Hirap akong makinig dahil iniisip ko si Oliver asan na kaya siya? Nasasaktan ako sa mga titig niya kanina. I'm sorry Oliver. I'm sorry

~~~~~~~~~~~
So this is my update for today. Hope you like it guys 😊😊. Please vote and comment 👍🏻

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon