Chapter 35

20 3 0
                                    

Rhian's POV

Nagising ako na masakit ang ulo. Paano ako nakarating dito? Ang maalala ko ay kasama ko pa si Oliver kagabi. Tumayo ako sa bed at pumunta ng kusina para magtimpla ng kape. Nagulat pa ako ng makita ko si Ate Rhea kasama si Oliver sa sala. Ginawa pang lovenest ang unit ko

Pumunta ako ng kusina at nagulat akong nandito silang lahat. Patay ako kay Kuya Rico nito panigurado. Huling pinagalitan niya ako ay dahil sa careless ako sa pagtawid ng highway. Halos buong araw akong nakaupo at kaharap siya

"So young lady! Tanda mo naman siguro ang mga kasalanan mo diba?!" At nag-umpisa na siya. Laging tango lang ang sagot ko sakanya kahit na hindi ko siya pinapakinggan pero napatingin ako sa taong nag-abot sa akin ng kape na may kasamang gamot

"Blue" nginitian niya lang ako saka umalis ng unit ko. Tumayo ako at hinabol siya. Tinatawag pa ako ni Kuya Rico at Ate Trisha pero hindi ko sila nilingon. I'll take the consequences later. First things first I need to talk to Blue. He needs to know everything!

Namg makita ko siya tumakbo ako at niyakap ko siya sa likod. Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko kaya nilayo niya muna ako saka siya humarap. Kita ko ang pamumula ng mata niya. Nasasaktan ako dahil lumuluha siya sa mga kapalpakan ko sa buhay. He doesn't deserve someone like me.

"I'm sorry Blue pero ni minsan hindi ko inisip na maging panakip butas ka. Mahal kita pero hindi na tulad ng dati. I'm so sorry" hindi ko na napigilan pa ang mga luha na kumawala

"Don't cry baby. I know na hindi mo yun iisipin. Tyaka sabi ko naman sayo noon na okay lang na saktan mo ako dahil mas nasaktan kita noon? Sino ba naman ako para magreklamo sayo diba?" Napa-iyak ako lalo sa sinabi niya

"I don't deserve someone like you Blue. Find someone else who's deserving to be with you. Someone who can love you so much. Someone who can cherish and care for you. Someone not like me" niyakap ako ni Blue ng mahigpit at ramdam kong basa na ang balikat ko. Napaiyak na rin ako kasi nasasaktan ako kapag may umiiyak tungkol sa akin

"No. Let's give our relationship another chance. Ikaw lang ang mamahalin ko at gusto kong makasama habang buhay. I don't want to be with other person. I'd rather die kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko" gosh Blue. Yan ang sinabi mo noon nang pareho pa tayo ng nararamdaman. Panahong hindi mo pa ako niloloko. Panahong okay pa kami ni Angel

"Okay fine. Lets work this relationship like we used to. No more secrets. No more lies. We need to trust each other again. Promise me" tumango ito sa akin. Oliver sana naman ang pagpili mo sa kapatid ko ay totoo. Dahil mamahalin ko na si Blue muli kahit na kapatid niyo lang ang isa sa mga nakasira sa amin. Sana ang mga desisyon natin ay tama at hindi tayo magsisi at sana malaman ko rin na minahal mo ako.

"I promise you Rhian. No more secrets and lies. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin pa araw-araw. Wala na akong ibang hahanapin pa. Ikaw lang sapat na and yes trust will make our relationship strong and last" tinanguan ko na rin ito. Medyo matagal na nga kaming magkayakap ni Blue sa corridor. Nang bumitaw na kami hinawakan niya ang mukha ko. Alam ko na ang susunod dito. Malapit na ang mukha niya sa akin at nang maramdaman ko na ang hinga niya biglang may nagsalita

"Oh my! Get a room guys! My innocent eyes. Its burning. Hindi na inosente" pareho kaming napatingin sa may elevator at nakita namin si Eulycis na hawak si Ai at parang galing pa sila sa grocery store. Kaya pala wala si Ai kanina sa kusina

"Man sinira mo ang mood. Mahahalikan ko na sana siya kaso bigla kang nagsalita. Mahirap nanaman makakuha ng chance na ganito" bigla akong namula sa sinabi niya. Hindi ko alam saan ko nakuha yung lakas ng loob para umalis sa pwesto namin. Ang akward naman kasi dahil sa ginawa ni Eulycis

Bumalik ako sa unit ko at nagkulong sa kwarto. Ginawa ko na ang daily routines ko at humiga sa kama. Nabasa ko sa phone ko na umalis na sila Kuya Rico at iniwan ni Eulycis ang mga pinamili niya kanina. Nag-text rin si Blue na may gagawin daw sila ng Dad niya. Lumabas ako ng kwarto ko at nag-ayos ng unit ko dahil makalat na ito.

Ano na kaya ang plano ko sa pasukan? Ang kukunin kong kurso ay Fashion Design. Maybe because I was inspired by my sister a long time ago and that's the time I became the Campus Princess then you know the rest how I became a nerd

Sa school na papasukan ko na iyon ay magkakasama pa rin kami. Kasama na rin namin si Angel. Babalik rin ako sa pagiging nerd dahil gusto ko ng normal na buhay. Dahil ibang-iba sa pakiramdam na kilala ka ng mga tao. That's why I chose to become a nerd to conceal what and who I am

Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa front door dahil may nagdo-doorbell. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Oliver at Ate Rhe na naghahalikan. Are they being to mean to me? Nakaramdam pa ako ng kirot sa puso kaya nang isasara ko na ang pinto biglang nagsalita si Ate Rhea

"Oliver Park is mine. If you ever dare to cross the line. I will never ever consider you as my sister anymore. Ituturing na kitang higad. I will never forgive you either. Kaya mag-ingat ka Rhian. Hangga't tinuturing pa kitang kapatid ko umayos ka na. Lets go Oliver" nagulat ako sa ginawa ni Ate Rhe. I was left dumbfounded by it

She declared a war so be it. She's so simpleminded thinking na dahil lang sa lalaking yun sisirain na niya ang pagiging magkapatid namin. I'm not that stupid. I know my line either. Tignan natin kung hanggang saan ang pagmamahal sayo ng Oliver na yan

~~~~~~~~~~~~~
Vote and comment please. Para alam ko naman kung anong problema sa story ko salamat

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon