Chapter 33

27 3 0
                                    

Rhian's POV

From Ate Trisha 😘:

                  Lets hang out sa condo mo. Its unfair kung ang boys lang ang may get-together sa bar. Dapat tayo rin. Andyan na kami mamayang 5pm. Sleepover 🍾🎉

From Blue ❤️:

                  May lakad kaming mga boys sa bar mamaya baby. Don't worry sayo lang ako titingin at hindi sa iba. I love you

Yan ang mga text na nabasa ko. Hindi ko na sila nireplayan pa dahil sila ang masusunod. Ilang araw na rin nilang ginugulo ang buhay ko at wala akong magawa. Andito lang ako sa bahay at nagbabasa lang ng libro at halos matapos ko na lahat ng nasa bookshelves ko

Tumayo na ako at nagpalit ng damit dahil naging routine ko ng mag-jogging ng 4pm at balik ng 6pm kasama si Ai. Kailangan din nito ng exercise. Naglagay lang ako ng leash ni Ai para hindi matakot ang ibang tao sa kanya. Pagkalabas namin sakto ang labas ni Oliver. Pareho kaming napahinto sa pinto pero agad din akong umalis. Bastos na kung bastos pero ayaw ko lang siyang makaharap

Kaso akala ko doon nalang magtatapos ang paghaharap namin pero sabay pa rin kaming bumaba ng condo pero mauuna akong ba-baba sakanya dahil sa parking pa siya. Naghintay ako ng ilang minuto para makababa ngunit mapaglaro ang tadhana may mga sumakay pa na tao dahil upang magsiksikan kami. Inisip ko si Ai kaya dinala ko siya sa gilid para hindi ito maipit

"Ako na" hindi na ako nakasagot ng kinuha niya sa akin yung leash ni Ai at siya ang nagbigay ng space para sa aso ko. Naiilang ako dahil magkatabi kami ngayon pero hindi dapat ako magpa-apekto

Nakatingin lang ako sa aso ko hanggang sa makababa kami pero hindi pa rin niya ito inaabot sa akin. Kinalbit ko siya pero nakita kong may kausap ito sa cellphone kaya hinayaan ko nalang muna. Nagulat ako ng biglang sumakay muli ng elevator si Oliver kasama si Ai kaya agad ko silang sinundan kaso huli na dahil nagsara na ang pinto

Inantay ko sila sa lobby kaso ang tagal nilang bumalik. Aakyat na sana ako muli ng lumitaw na sila at iba na ang suot ni Oliver. Nilapitan ko na siya at halatang gulat pa ito ng makita ako

"Give me back my dog Oliver" sinubukan kong agawin ang leash ni Ai pero bigla niya itong nilayo. Bwisit naman na lalaki ito ano nanaman ang gusto niya

"Magkasama tayong ilalabas si Ai. That's why ako na ang hahawak sa kanya para hindi ka mahirapan" sabay lakad niya palabas. Hindi ko alam kung matutuwa ba dapat ako o hindi pero sinundan ko nalang sila

"Saan ang routine niyong dalawa?" Tanong nito sa akin. Tinignan ko lang ang orasan ko at kitang late na kami ng 15 minutes kaya nauna na ako sakanila at kita ko namang sumunod nalang siya

Kung saan-saan kami nakarating. To the point na tumawag na si Ate Trisha kung nasaan ako. Sinabi ko na umpisahan na lang nila na wala ako dahil may isang oras pa bago matapos ang jogging namin. Malapit na kami sa end point namin ng huminto si Oliver at nakatingin ito sa phone niya

"Hey let's go back. It's almost time for me to go also" tinanguan ko nalang siya kaya bumalik na kami sa building namin. Binalik na rin niya si Ai sa akin. Saka kami pumasok sa kanya-kanya naming unit

Pagpasok ko sa unit dumeretsyo kaming dalawa sa kusina at uminom ng tubig. Hindi na nga nila kami halos napansin dahil nasa kwarto ko nanaman ang mga yun umiinom. Iniwan ko na si Ai sa sala at pumunta naman na ako ng banyo para mag-shower

Nakasama ko ng buong dalawang oras si Oliver. Masaya ako pero hindi kami nag-imikan. Ang akward din naman kasi. Hindi na rin ako sanay na kausapin siya tulad ng dati. Tama na yan Rhian. Puntahan mo ang mga babae sa kwarto mo at saluhan mo sila. You need to enjoy. Kaya mabilis akong nag-shower at pumunta sa kwarto ko at kumuha ng damit saka nagpalit. Pagkatapos kong magpalit tumabi na ako sa kanila

"Nandito na ang beshie natin at bagong ligo pa" natatawang sabi ni Angel sa aming lahat. Ano ako? Guest of honor? Lokang babaeng ito

"Heto sayo. Kami lang ni Trisha ang iinom hindi ka pa pwede okay? Ayaw kong malasing ka dahil baka mapagalitan pa ako kay Kuya Rico" inabot niya sa akin ang soda can. Akala ko makakainom na ako

"Since nandito ka na rin. Let's play a game. Spin the bottle. Alam niyo naman na siguro ang rules nito right? Kaya this time bawal ang kj okay?" Bigla akong natakot doon gusto ko sanang magbackout kaso huli na dahil inikot na ni Ate Trisha

"Angel, tell us what is your unforgettable moment in life?" Tanong nito. Ayaw ko sanang pakinggan dahil baka tungkol ito sa kanila ni Blue pero parang nagsasabi na pakinggan ko ito. Nagulat tuloy ako ng tumingin ito sa akin

"My unforgettable moment in life was, when Rhian forgived me. Kahit na nasaktan ko siya ng sobra natutunan pa rin niya akong patawarin. And I thank God because he gave me a bestfriend like her. She is unique and one of a kind" lahat sila napatahimik sa sinagot ni Angel. Hindi ko ine-expect na ako pala ang unforgettable niya kaya hindi ko alam paano ako nakarating sa pwesto ni Angel basta ang alam ko yakap ko siya ngayon at pareho kaming naluluha

"Mamaya na yang drama mo Rhian balik ka na sa pwesto mo at turn na ni Angel" bumalik naman na ako sa pwesto ko at inikot na nito ang bote. Tinuro na niya ngayon ay si Ate Rhea

"So Ate Rhea. As my brother's boyfriend what can you say about him?" Lahat kami interesadong malaman ang sagot ni Ate Rhea pero bigla itong namula pero sa tainga niya. Is something wrong?

"He's kind and handsome. Sweet na rin but that was before" matipid niyang sagot. Nag-antay pa kami ng dalawang minuto kaso wala na siyang sinabi kaya pinaikot na niya ang bote. And wow naturo ito sa akin

"Rhian, do you still  love Oliver?"

~~~~~~~~~~
Pabitin ba? Alam kong alam niyo na ang sagot kaya why bother make bitin-bitin pa diba? Charrr hahahaha. Tatapusin ko na ito soon. Sana may makabasa pa 😢

Vote and comment 😉

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon