Chapter 30

21 2 0
                                    

Rhian's POV

"We'll stay in one room"

"We'll stay in one room"

"We'll stay in one room"

"We'll stay in one room"

Paulit-ulit na bumabalik sa ulo ko ang sinabi ni Oliver. Akala ko noong una isang kwarto na literal. Yun pala sa isang hotel room dalawa ang bed. Nako nakalimutan ko na pwede ang dalawang bed sa isang room.

"Matulog ka na muna. Lalabas tayo mamaya" napatingin ako sa gawi niya at nakatingin ito sa akin. Agad ko siyang tinalikuran at natulog na

Nagising ako sa tunog ng cellphone ni Oliver. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko and its already 6:35PM. Tumayo na muna ako at naligo na pag labas ko ng banyo ay siya namang tayo ni Oliver at nilagpasan ako.

Na-realize ko na hindi pala ako properly dressed kaya agad akong nagpalit. Nakakahiya sa kanya buti nalang at sa banyo lang siya pumunta. Nagsuot ako ng t-shirt at pants with matching white boots. Sinusuot ko na yung white coat ko ng lumabas na si Oliver at nakapalit na siya

Lumabas kami ng hotel at nagpunta sa night market. Hindi ako pinansin ni Oliver na mamili ng mga gusto ko kundi hinayaan lang niya. Nang makabili na ako ng pasalubong ko umalis na kami doon at kumain sa isang noodle shop

"Saan mo gusto pumunta bukas?" Napaisip ako sa sinabi ni Oliver. Ano ba ang main tourist spot ng HongKong kundi ang Disneyland kaya nakangiti na akong humarap sa kanya

"Sa Disneyland" napakunot siya pero agad din siyang tumango mukang sinamahan niya lang talaga ako ayaw ba niyang mag-enjoy?

Pagkarating namin ng hotel may event na nangyayari. Parang reception yata ngayon ang hall nila ng bagong kasal. Syempre dadaanan namin sila kaya makikita namin ang bride at groom. Nang masilayan ko sila paano naman kung ako ang nasa sitwasyon nila? Magiging masaya ba ako?

"Don't idle. Let's go para makapunta tayo bukas. We have only limited time here" sinundan ko na agad si Oliver papunta sa suite namin. Nag-shower lang ako at natulog na kami

Maaga akong nagising kaya bumaba na ako ng suite namin para mag-breakfast. Wala na rin si Oliver mukhang nauna na sa baba. Pagkarating ko doon tuwang-tuwa si Oliver sa babaeng kasama niya. Tss akala ko ba si Ate Rhea lang? Heartthrob ka nga pala ng school what should I expect. Nakakaselos naman

"Hey. Nice seeing you again" lumingon ako sa taong nagsalita at nagulat ako dahil si William ito pero ngumiti pa rin ako

"William nice seeing you too. Uhh breakfast?" Pag-uumpisa ko ng topic dahil ayaw kong mailang sa taong ito at syempre wala akong kasama dahil si Oliver nakikipaglandian nanaman

"Yeah. Call me Liam. William is too long. Care to join me eat breakfast?" In-offer niya akong samahan siyang kumain kaya tumango ako bilang sagot

Nag-order lang kami ng bacon and pancakes with coffee syempre. Sagot na daw niya ang breakfast namin kasi sinamahan ko siya. Naks naman nakatipid pa ako ng pera ang saya talaga

"So vacation with your boyfriend?" Pagu-umpisa niya kaso bigla akong natawa dahil akala niya boyfriend ko si Oliver well naging fake boyfriend oo

"No we're just friends. He is my sister's boyfriend. Nanalo lang kami sa contest that's why we're here" dumating naman na ang food namin ng masabi ko yun pero hindi dito natapos ang usapan

"Pero kung makatingin sa lugar natin parang anytime i'll be lying dead on the floor" then he chuckled kaya napatingin ako sa lugar ni Oliver at kitang masama ang tingin niya sa amin

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon