Chapter 43

23 2 0
                                    

Rhian's POV

Magkasama kami ni Lia buong araw. Maganda siyang kasama at hindi ito plastik. Ilang beses na rin niya ako sinabihan na mag-ayos pero laging sagot ko lang ay NO. Gusto ko kasi ng maayos na buhay

"Rhian look. May gwapong paparating sa atin. I wanna know his name. I think I like him. Akin na siya hanap ka ng ibang crush mo" natawa naman ako sa sinabi ni Lia kasi ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Blue

"Hi baby" sabi nito saka umupo sa harap namin ni Lia. Andito kasi kami ngayon sa canteen. Nagpapahinga sakto namang nakita kami ni Blue. Kita ko kay Lia na kinikilig siya

"Hello rin. Ikaw ha kaka-kita lang natin tinatawag mo na akong baby" mas natawa naman ako sa expression ni Blue. Halatang gulat siya sa sinabi ni Lia kaya sumingit na ako sa usapan nilang dalawa

"I'm sorry Lia pero ako kasi ang kinakausap ng gwapong nilalang sa harap natin. Papakilala kita sakanya. Siya si Blue Park. Baby this is my new friend Lorraine Isabelle Agustin. Lia for short" nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Lia kaya siniko niya ako

"Ikaw naman Rhian. Nagbibiro ka ba? Siya boyfriend mo? Is it true?" At hinarap niya si Blue para sa huling sinabi nito. Tumango naman si Blue para sa katanungan niya

"Wow naman Rhian ang haba ng hair mo. Sayang lang at taken na siya. Anyway may kaibigan ka bang gwapo? Single pa ako and ready to mingle" natawa naman kami ni Blue sa sinabi niya. Nag-stay pa kami ng konti sa canteen hanggang sa naisipan na naming umuwi

"Your new friend is cool. It's good na may bagong kaibagan ka sa school baby. She's nice" nginitian ko naman siya sa pagpuri niya kay Lia. Sana nga na hindi muli matulad ang noon. Natatakot ako kasi ganito rin ang nangyari noong unang makita ni Angel si Blue

"Don't worry baby. Hindi kita lolokohin. Ikaw lang promise. I love you" mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Napaka-swerte ko naman kay Blue. Sana siya nalang minahal ko ng sobra

"I love you too baby" hinawakan naman ni Blue ang kamay ko buong byahe. Akala ko iuuwi na niya ako pero nag-stop kami sa isang restaurant. Nagulat naman ako nang bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto

"Happy 7th monthsary Rhian" napatingin ako sa calendar ko at nakita kong monthsary nga namin. Kaya pala maingay ang phone ko kanina sa klase dahil nag-aalarm ang araw ngayon! Napaka-careless ko naman at nakalimutan ko pa itong araw na ito

"Sorry wala akong gift sayo Blue. Nakalimutan ko na monthsary natin ngayon" malungkot kong saad. Hinapit niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ang noo ko saka ako hinagkan

"Okay lang kahit wala kang regalo or nakalimutan mo ang araw na ito. The important is you're here with me and you never left me. I love you Rhian" napaluha naman ako sa sinabi niya. Napaka-touchy nito.

Nang matapos ang yakapan session namin ni Blue ay papasok na sana kami ng restaurant nang may humintong sasakyan sa harap namin. Pamilyar ito kaya agad kong nalaman kung sino ito. Ang taong iniiwasan ko

"Blue hinahanap ka ni Dad. He wants to talk to you but he can't get through your phone that's why he send me to find you" agad naman binuksan ni Blue ang cellphone niya. Napatingin na rin ako at kita ko na may 6 miscalls siya galing sa daddy nila

"Okay. Pupunta ako. Babalik din ako agad okay?" Tumango naman ako tapos lumapit ito kay Oliver "Bro okay lang ba na samahan mo muna si Rhian?" Lumayo naman na ako sa kanila. Hindi ko in-expect na ihahabilin ako ni Blue sa half-brother niya

"Sabi ni Blue pumasok na tayo sa loob at mauna nang kumain. I hope if you don't mind me accompanying you" nginitian ko nalang siya pero half-smile lang din. Siya na kumausap sa receptionist at itinuro sa amin ang pinareserve na table ni Blue

Tahimik lang kaming dalawa habang tumitingin sa menu hanggang sa maka-order kami at dumating ang pagkain. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa except sa ingay ng mga taong kumakain.

"Rhian pwedeng magtanong?" Napatingin naman ako agad sakanya at ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sakanya

"Kamusta na si Rhea? Ilang araw na rin niya ako iniiwasan at hindi tinetexan. May alam ka ba?" Sabi na nga ba. Ano ba dapat ang isasagot ko sakanya? Hindi ko alam! Si Ate Rhea ang may kasalanan nito bakit ako pa ang sasagot?

"I bet you don't know. Ofcourse hindi nga kayo nag-uusap dahil sa akin. I'm sorry for asking you" napatingin naman ako sakanya. I felt guilty for him. Wala naman siyang kasalanan. He don't deserve this. Ate Rhea don't deserve him. Ofcourse hindi ko naman sasabihin na ako ang deserve sa kanya

"I'm sorry. Kung gusto mo puntahan mo siya sa bahay pero hindi ko lang sure kung andoon sila Mom and Dad. Umaalis kasi sila minsan pero bumabalik din agad" tinanguan niya lang ako. Oliver I'm sorry. Naalala ko tuloy ang nangyari sa Boracay

"Rhian. Nagtext si Blue sa akin. Hindi na siya makakahabol pa. Sorry daw. May pinag-uusapan pa sila Dad. It's very important" tinanguan ko naman siya at tinignan ang phone ko. Tama nga si Oliver. Nagtext rin sa akin si Blue na hindi siya makaka-abot dito

Hinatid naman ako ni Oliver sa condo. Iisang lugar lang naman ang pinag-tutuluyan namin dalawa kaya madali lang para sa kanya na ihatid ako. Pagbukas ko ng pinto ay siya namang bungad ni Ai sa amin kaya natuwa si Oliver. Pinapasok ko na rin muna siya para makasama pa si Ai ng matagal

"I miss you too Ai. Sa susunod pwede ko ba siyang hiramin? Gusto ko siyang igala sa park. Kung okay lang naman sayo?" Nginitian ko siya. Bakit ko naman ipagdadamot si Ai sa kanya nga ito galing.

"Kung gusto mo sayo na muna siya ngayong gabi" biglang bumilis muli ang tibok ng puso ko ng ngumiti ito sa akin. "Thank you Rhian. Sige mauuna na kami dahil gabi na rin. May pasok pa tayo bukas" hinatid ko naman sila palabas ng pinto ko ng bigla itong humarap sa akin

"I'm sorry" sabi niya. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Feeling ko ang init. Gusto ko man lumayo sa kanya pero parang nakapako na ang paa ko sa floor

Nang maka-recover na ako bigla akong umatras pero mali pala ang nagawa ko dahil muntikan na akong matumba dahil nandoon si Ai sa likod ko. Mabuti nalang at nasalo ako ni Oliver pero nagtama na ang mga labi namin

We kissed

~~~~~~~~~~~~
Tatlong beses na akong nag-update ah. Hihi 😊😉 vote and comment thanks

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon