Chapter 38

19 2 0
                                    

Rhian's POV

Nakahiga na ako ngayon sa kama. Mabuti nalang at hindi uuwi ngayon si Blue dahil may pinuntahan sila ng Mom niya. Nakakapagod ang araw na ito. Sa sobrang pagod ko pati puso ko pagod na rin. Hindi ko kasi kinaya ang eksena kanina

~flashback~

"Rhea!" Sigaw ni Oliver. Giniginaw na ako sa pagbuhos sa akin ni Ate Rhea ng tubig. Ang lamig ba naman sa restaurant kasi nakatapat kami sa may aircon nila

"Hindi ba sabi ko sayo wag na wag mong lalapitan si Oliver?! What did you do?!" Giniginaw ako pero naiinis na ako sa mga sinasabi ni Ate Rhea sa akin

"Stop it! You're causing a scene here. Isa pa kasalanan ko kung bakit kami magkasama okay?" Sagot naman ni Oliver. I don't know kung matutuwa ba ako sa sinasabi niya ngayon pero nanginginig na talaga ako

"Are you sure? Baka naman sineduce ka ng babaeng ito?" That's it. Tumayo na ako despite I'm feeling cold. Mag-sasalita na sana ako ng biglang lumuhod si Oliver

"Rhea. Like I told you I was the one who approached her. Dapat sa unit ko pa ito gagawin but since you created a scene here...Rhea Santiago. Will you marry me?" Nagsihiyawan lahat ng tao sa restaurant. Syempre hindi na rin kinaya ng puso ko kaya umalis na ako doon at umuwi

~end of flashback~

Pagkauwi ko agad akong nag-shower. Kaya nakakapagod ang araw ngayon. Physically and mentally. Tumayo naman ako at pupunta ako sa convenient store at bibili ng alak. Habang nasa corridor ako at inaantay ang elevator bumukas ay tinignan ko muna ang cellphone ko. Nang tumunog ang elevator papasok na sana ako ng makita ko nanaman na naghahalikan ang dalawa

"Oops. Sorry nakita mo pa yun. Anyway sorry dahil inaway pa kita kanina. Sinabi mo sana kanina na nagkita lang kayo" I just rolled my eyes at her. Hindi ko na kaya ang pagbabago ng ugali niya but this is my counterattack.

"Alam mo? Tigil-tigilan mo na ako. Hindi kita sinagot o pinahiya sa restaurant dahil iniisip ko pa na kapatid kita at mas matanda ka sa akin pero abusado ka naman na masyado. Stop pestering me Rhea or else i'll forget that you are my sister" nilagpasan ko agad sila sabay sara ng elevator

This a war. Alam kong makakarating ito kay Kuya Rico at sa parents namin but I don't care. Hindi ako ang nagsimula pero sigurado akong ako ang pagagalitan nila. Syempre ako ang bunso kaya iisipin nila na ako ang mali

Pagkalabas ko ng elevator tinuloy ko na ang pakay ko. Hindi rin naman ako nagtagal dahil walang kasama si Ai. Pagkarating ko sa unit nakita ko doon si Oliver mukhang may hinihintay. But I don't care binuksan ko ang pinto at nilagpasan lang siya pero nagulat ako ng bigla itong pumasok sa unit ko

"What are you doing? Lumabas ka nga!" Naiinis ako dahil hindi pa siya gumalaw instead tinuloy pa niya at pumunta pa sa sala ko at umupo sa sofa. Padabog kong sinara ang pinto at pumunta ng kusina para ilagay sa ref ang mga pinamili ko. Pagkatapos nun bumalik ako sa sala

"Anong ginagawa mo dito at nag-trespass ka pa. Tell me? Ikaw ba ang aawayin kapag nakita ka niya dito?" Pero hindi pa rin niya ako nilingon kaya pumunta ako sa harap niya at nakita ko siyang umiiyak

"Hey. Why are you crying?" Malambing kong sabi. Hindi ko tuloy alam anong gagawin. Bigla nalang siyang umiyak. Yeah the minute ago I was mad but now? Seeing him crying makes my heart pang in pain

"I don't know. Maybe I was doing something bad. I'm sorry Rhian" hindi na ako nakapagsalita dahil siniil niya ako ng halik pero agad din itong humiwalay saka umalis sa unit ko

"The hell" napasabunot ako sa ulo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Bigla nalang niya akong hinalikan kahit na ikakasal na siya sa iba. Tumayo ako agad at nagpunta sa kusina. Nilock ko na rin ang unit ko at nagtambay na sa kwarto ko

Habang umiinom ako ng alak nanonood na rin ako ng I kill giants. Well kung kagaya ko lang siya matagal ko ng na-kill si Ate Rhea. Anyway na-bored din ako agad kaya nag-open ako ng facebook ko. Pag-open ko nito status agad ni Ate Rhea ang nakita ko. From In-relationship to Engage. Kaya agad kong pinatay ang phone ko

Humiga na ako sa kama at pumikit pero tuwing pumipikit ako naaalala ko ang nangyari kanina kaya napaupo ako. Maya't-maya may tumawag sa akin at nakita kong si Blue ito. Ngumiti ako ng siya ang tumawag kaya sinagot ko ito agad

"Hello baby. Missing you already" bigla akong napaluha sa sinabi niya. Oo sinabi kong no more lies pero nagi-guilty ako kasi hinalikan ako ni Oliver gayong may boyfriend ako at kapatid pa niya

"Hey are you crying? Tell me please" mas napaluha na ako sa sinabi niya. Hindi ko na rin napigilang humikbi. Tinamaan nanaman siguro ako ng alak kaya emotional ako o hindi kaya dahil mabigat ang nararamdaman ko

"I'm sorry Blue. Your brother kissed me. Hindi ko alam why basta nalang siya umalis" habang sinasabi ko yun I heard him sighed. Maybe he's mad? Hindi ko siya masisi atleast I didn't lied to him

"I'm coming home" nang sabihin niya yun agad niyang pinatay ang phone. Mabilis naman akong gumalaw para itago ang mga bote ng alak na ininuman ko. Malilintikan ako sakanya kapag nalaman niya na umiinom ako

Bigla akong nanigas ng biglang may mag-doorbell. Akala ko si Blue kaya nakangiti akong pumunta sa pinto at binuksan ito pero nagulat ako sa dinatnan ko doon. Agad niya akong sinampal kaya napahawak ako sa pisngi ko

"Just what you are doing to yourself Rhian? Is it appropriate to say that to your sister? Tell me. Where did we go wrong?" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mom. Yes, nandito si Mom kasama niya si Dad together with Oliver and Rhea while smirking at me

Now I know why he is apologizing to me. Nakayuko na siya ngayon. Hinarap ko si Mom na galit na galit sa akin. I gestured her to come in inside my unit at ginawa naman niya ito at dumeretsyo sa loob. Hinintay ko pa na makapasok silang lahat bago isara ang pinto pero hinintay ko pa si Ate Rhea na makapasok

"Don't mess with me little sis. You know what I can do to you" sabay alis niya. Kaya padabog kong sinara ang pinto making them look at me with those eyes that saying 'what-the-hell-are-you-doing?' look

"I'm sorry Mom. Dapat hindi ko siya tinolerate sa mga gusto niya kaya ayan. Sinasagot na ako ni Rhian. I'm sorry Mom" maluha-luha niyang sabi. Gosh acting again.

Damn you!

---------------------------
My update for this week 😊 hope you like it. Vote and comment 😊. Thanks

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon