Chapter 40

19 3 0
                                    

Rhian's POV

Boracay here we come! Yes andito na kami sa boracay kahapon pa. Napaaga ang travel namin kaya maaga rin kaming nakarating. Ang sweet namin ni Blue sa byahe aba syempre hindi kami magpapatalo sa mga kapatid namin

"Rhian palit na tayo ng swimsuit" tumango naman ako at nagpunta na sa kwarto namin. Nagpalit naman kami agad ng damit ni Angel kaya paglabas namin halos lahat ng lalaki nakatingin sa amin syempre including na doon si Rhea.

"Baby ayaw kong may ibang nakakakita sayo ng ganyan ka. Dapat ako lang" namula naman ako sa ginawa ni Blue. Hinubad kasi niya ang t-shirt niya at isinuot sa akin. Syempre kinikilig ako. Maya't-maya nagulat din ako na takpan rin niya ng twalya si Angel

"Angel kapatid kita ayaw ko rin na binabastos ka ng iba" ang sweet naman ng Kuya Blue namin. If only he can live so long. He would be a great father to his childrens

"Hindi mo ba ako lalagyan ng kung ano?" Narinig ko yung binulong ni Rhea kay Oliver. Aba naiinggit ang babaeng ito pero natawa ako sa sinabi ni Oliver dahil hindi ko ito ine-expect na sasabihin niya

"Why bother babe? Model ka. Sanay na ang mga tao na nakikita kang naka-swimsuit" kaya hayun nag-walkout si Rhea kaya sinundan ni Oliver. Napatawa kaming tatlo sa nangyari dahil ang epic niya

"Tara na Rhian. Kuha tayo ng shake sa may counter" pumunta naman kaming tatlo sa counter at uminom ng shake. Sakto din naman na dumating ang parents nila Angel at Blue. Nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan hanggang sa nagpaalam na kami ni Blue na may pupuntahan

"Baby. Alam mo masaya ako ngayon" tinignan ko naman siya at kita ko ang saya nga sa mga mata niya "Kasama ko ang family ng father ko tapos kasama ko pa ang babaeng mahal ko"

Natuwa naman ako sa sinabi niya. HHWW. Holding hands while walking kami ngayon sa seaside. Alam kong hindi ito go with the flow na gusto niya pero alam kong romantic ang sunset habang nasa seaside. Nang mapansin niyang huminto ako sa paglalakad humarap ito sa akin

"Bakit yun baby?" Nagtatakang tanong niya. Hinawakan ko ito sa mukha kaso hinawakan rin niya ang kamay ko at siya na ngayon ang nakahawak sa mukha ko. Nabasa niya ang gusto kong mangyari kaya siya na ang gumawa ng way

And finally, we kissed. Our first kiss as a couple. Naghiwalay din ang mga labi namin pagkatapos nun. I felt butterflies in my stomach although this is my first time to kiss a guy aside from Oliver. Hindi ko dapat ito mararamdaman sa taong hindi ko mahal. Maybe I guess I love Blue to feel this

"Uyy may first kiss na rin tayo. I love you baby" niyakap naman niya ako. Nagkwentuhan naman muna kami hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na at naabutan namin silang nag-aayos na ng hapag-kainan para kumain

Tumulong naman na kami sa pag-aayos. Hindi kami nag-iimikan ni Rhea. Iniwan kasi kami ni Angel para tumawag na ng kakain. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya tinignan ko siya ng masama

"Don't mess nor do silly things while in here" sabay bitaw sa akin. Kaso hindi ako papayag na ako lang sasabihan niya ng ganyan "Rhea. Don't mess with me nor kid me around. I know my limitations better than yours" sabay flip ko nga hair at nag-walkout

"Baby saan ka pupunta? Tara na sa loob" hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na muli sa loob. Nadatnan ko naman doon na kasama na ni Rhea si Oliver at ang sweet nila. Pweh! Kadiri naman ang word na sweet

"Our family is growing. Si Oliver may Rhea na at soon-to-be Mrs. Park ang bilis talaga ng anak ko. Ikaw Blue kailan mo yayayain si Rhian sa kasal?" Nabilaukan ako ng sabihin yun ng Dad nila. Kaya hinagod ni Blue ang likod ko

"When she's ready. I don't want to FORCE her to marry me" napansin ko ang pag-emphasize niya sa force. May alam kaya siya? Namutla kasi bigla si Rhea ng sabihin niya yun kaya pasimple akong natawa

"Ikaw Angel kailan mo balak magkaroon ng boyfriend ulit?" Ibig sabihin alam ng Dad nila na may naging relasyon na sila ni Blue? Hindi kaya ang akward nun?

"Since my breakup with Red I don't have any plans on getting myself a boyfriend. I'll enjoy being single Dad tyaka school first" natuwa naman ako sa sinabi niya dahil nagbago na ang dating Angel na kilala ko

"I see that's good. Ano na pala balita sa araw ng kasal niyo Oliver?" Parang ramdam ko ang inis sa boses ng tatay nila. That's weird. Ngayon ko lang ito napansin at parang ayaw niya kay Rhea

"Dad sa next anniversary po namin balak magpakasal" nagulat ako dahil si Rhea ang sumagot at hindi si Oliver. Mukha pang nagulat si Oliver sa sinabi ni Rhea at nagulat ang mag-asawa nang tawagin nitong Dad ang Daddy nila Blue

"With all due respect Rhea but my husband is talking to our son" sarcastic na sabi ni tita. Something's fishy. Parang ayaw nila sa kapatid ko. Maybe she's too pushy para kay Oliver kaya ayaw nila sakanya

"Nevermind honey. Do what you guys want but I want to let Oliver know our tradition in marriage. Kapag kasal ka habang nag-aaral you need to manage your own expenses and if you married with a stable job you'll be fine but its best to get married after you graduate to inherit the company" ayaw nga nila sa kanya. Kalmadong-kalmado lang si Oliver pero si Rhea hindi na alam ang gagawin

"Kaya ikaw Rhian mag-aral ka muna okay? Ikaw din Blue. You need to study very well para may kinabukasan kayo ni Rhian" at mas pabor pa siya sa amin ni Blue.

"Yes po tito. Priority namin ni Blue ang pag-aaral. Married life can wait diba baby" and he nodded to me. Napatingin ako kay Rhea and I smiled sarcastically at her kaya napalitan ng pagkairita ang mukha niya

"Rhian you need to call us Mom and Dad. I like you for our son" sabi ni Stepmom ni Blue. Nginitian ko naman sila. Nakangiti rin ngayon si Angel sa akin. They welcomed me here but not her "Thanks Mom and Dad"

Pagkatapos ng dinner pumunta muna sa harap ng house. Nagmuni-muni ako doon. Nang maisipan ko nang pumasok biglang may sumipa sa akin kaya napadapa ako sa may buhangin. Agad akong bumangon at nilingon ang nagsipa sa akin. Hindi ako makapaniwala sa kanya. Promise

"You piece of shit. Hindi nalang sana kita naging kapatid"

-------------------------
Kung ganyan sasabihin ng kapatid ko sa akin sasapakin ko yun kaso naalala ko bata palang pala ang kapatid ko. 11 years gap be like 🙄. Vote and comment 😊

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon