Chapter 44

23 2 0
                                    

Rhian's POV

After that kissing session namin ni Oliver hindi na kami nagkibuan pa. Its been a week and Mom said that I should move back sa bahay habang nandoon sila. Wala naman akong magawa kaya iniwan ko nalang si Ai kay Oliver. Today is Saturday at ito ring araw na ito ay uuwi ang fiancée ni Ate Rhea kaya andito kami sa airport waiting for him

"He's here. Mag-behave ka Rhea. Ayaw kong mapahiya sa maraming tao. Do something that will make me mad and you'll know the consequences" banta ni Mom. Siguro may balak ang kapatid ko kaya sinabihan siya ni Mom ahead of time

Ofcourse hindi pa rin kami in-good terms ni Ate Rhea. I miss talking to her already. Maya't-maya may lalaki nang kumakaway sa amin. Siya na siguro si Eric Gilbert. Ang fiancée ni ate kasi halata mo sa mukha niya na nakasimangot ito at may halong galit

"Welcome to the Philippines Eric. Its good to see you again" nakangiting sabi ni Mom at nagyakapan sila "Its good to see you also Mom. Hi Rhea" at hinalikan niya si Ate Rhea sa cheeks. Hindi ito umangal gaya ng sabi ni Mom. Good the legal boyfriend is here

"Eric this is Rhian. Rhian this is your ate's fiancée" inabot niya ang kamay ko at ganun din ako "It's nice meeting you Rhian" nag-smile lang ako sakanya. Nag-kwentuhan sila ni Mom hanggang sa makauwi kami sa bahay. Bago kami makapasok sa loob may tumawag pa sa pangalan ni Ate Rhea kaya lahat kami napalingon...si Oliver

"What do you need from my daughter Mr. Park?" nagulat ako sa akto ni Mom gayun din si Oliver na walang kaalam-alam sa nangyayari ngayon. I felt sorry for him. Nasasaktan ako na niloloko lang siya ni Ate Rhea

"Tita I just want to talk to Rhea please. Kahit 5 minutes lang please" kita ko sa mga mata niya na mahal niya si Ate Rhea. Paano yung sinabi niya sa akin sa Boracay nung huli? Is it just a joke?

"Ofcourse you can talk to her" agad naman napangiti si Ate Rhea at Oliver pero napalitan din agad yun ng lungkot at galit "If you ask permission to her fiancée who is standing beside her" tinignan ko naman ang expression ni Eric at emotionless ito. Hindi ko makita kung anong iniisip niya

"Maybe you can talk some other time besides I just got home. I want to spend some time with her. Sorry dude but no" saka hinila ni Eric si ate papasok sa loob. Sumunod naman si Mom pero naiwan ako doon na nakatayo. Hindi ko alam pero agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa mukha

"Sorry Oliver. Hindi naman kita matutulungan kay Mommy pero siguro pwede kitang samahan tulad ng dati na ibuhos ang problema. Open up?" tumango ito at nginitian ako ng malungkot. Sumakay na ako sa sasakyan niya. Syempre tinexan ko si Blue na may pupuntahan ako ngayong araw. Hindi naman pwede na sabihin ko kasama ko si Oliver at may problema ngayon

Habang nasa byahe parang familiar na sa akin ang pinupuntahan namin. Yung school namin noong highschool. Naalala ko noon marami kaming memories sa school na ito. First heartache ko sakanya. Yung first pageant kasama siya. Yung kaibigan mong trinaydor ka for the second time. Marami as in. Bakit kaya dito niya ako dinadala? Wala na bang other place?

"Hey andito na tayo. Puntahan natin yung classroom natin before. Mas comfortable doon" tumango ako bilang sagot kaya bumaba na kami at nagtungo na sa dating room namin. Buti nakapasok kami dahil kilala kami ng guard. Syempre iba pag naging famous ka na

"Naalala mo pa yung kwento ko noon sayo na ang ex-girlfriend ko ay pinagpalit ako sa manager niya?" tumango naman ako bilang sagot. Huminga muna ito ng malalim bago tinuloy "It was that Eric. Kilala ko siya kasi manager niya ito pero hindi ko alam na may relasyon sila. And I was so stupid believing Rhea na wala na sila. Tapos fianceé rin pala niya" hinawakan ko naman sa balikat si Oliver saka niya ako niyakap

Habang yakap ko siya naramdaman kong nababasa na ang balikat ko. He is crying. Isasantabi ko muna ang feelings ko at dadamayan siya. Hindi ko rin namalayan na naiiyak na rin ako. Mabuti nalang sa kamay ko bumagsak ang mga luha. Agad ko rin itong pinunasan.

"Maybe hindi talaga kayo ni Ate Rhea para sa isa't-isa. Siguro pinagtagpo kayo ng tadhana pero hindi para sa isa't-isa. Oliver may iba pa dyan" ako. Naghihintay sayo. Gusto ko man sabihin yun pero hindi maaari dahil may masasaktan rin ako

"Bakit hindi nalang ikaw ang una kong nakilala? Why is it that my brother gets the best of you? Hindi ba pwedeng ako nalang ang mahalin mo Rhian? Can I have you?" nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. He kissed me harshly. Tinipon ko ang lakas ko hanggang sa matulak ko siya at masampal ng malakas

"Hindi pwedeng ganun kadali Oliver! Mahal ko si Blue. Hindi ko siya kayang iwan ng ganun. Kung kaya mo pwes ako hindi. Mahal ko siya Oliver! But my heart belongs to both of you! Mahal ko kayo pareho pero alam mo ano yung masakit? Hindi ko magawang ibigay ng buo ang puso ko kay Blue dahil nasasayo pa ang iba. You don't know anything about him" lumapit ako sakanya at hinawakan ang pisngi niya. Nagkatinginan kaming dalawa

"Pero kung tayo talaga Oliver. Love will find its way para maging tayo. Don't worry andito ka pa rin sa puso ko" hinalikan ko siya sa pisngi bago ko siya iwan. Pagka-alis ko doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Pagkauwi ko sa amin nagulat akong nandoon si Blue. May bitbit itong bulaklak. Malungkot ang mga mata nito. Hindi kaya alam niya na magkasama kami ni Oliver?

"Let's talk Rhian"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote and comment po 😊😍

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon