Chapter 46

18 2 0
                                    

Rhian's POV

Habang humihingi kami ng tulong tuloy pa rin ang buhos ng mga luha ko. Hindi pwedeng mawala si Blue sa amin. Sa akin.

"Excuse me po. Ano pong nangyari?" hindi ko alam anong isasagot ko sa kararating na medic "After we came out from the carrier he grabbed me and began to cough. I thought he's having a normal cough but then I saw blood. I asked him if he's okay but before he could answer he collapsed" tumango-tango naman yung medic

Habang chine-check niya si Blue napatawag ako kay Oliver dahil hindi ko alam number ng mommy ni Blue. Siya lang ang alam ko na isa sa mga kamag-anak niya. "Hello?" nang marining ko ang boses niya hindi ko napigilang umiyak muli

"Oliver help me. Hindi ko alam anong gagawin pag nawala si Blue. Nag-collapse siya dito sa amusement park. Please patawag nalang si mommy niya or si daddy niyo" mahabang katahimikan pa ang namagitan sa amin bago siya sumagot "Dad is on his way. Hang on okay? Susunod din ako"

"Thank you Oliver" pinatay ko na ang tawag at tinignan muli si Blue. "Okay naman po yung vital signs niya as of now pero kailangan pa rin natin siyang idala sa hospital. Sino sainyo ang sasama sa amin?" tinaas ko ang kamay ko agad. Tumango naman ito sa akin kaya sumakay na kami. Tinexan ko naman si Oliver kung saang hospital kami pupunta

"Family of the patient?" tanong ng doctor. "Hindi po girlf---" hindi natuloy ang sinasabi ko dahil may biglang humawak sa balikat ko. Paglingon ko nandito ang mommy at daddy ni Blue. "She'll be a Mrs. Park soon"

"What happened to our son doc? He'll gonna be alright right?" hindi nakasagot ang doctor sa tanong ng daddy ni Blue. "I'm sorry Mr. Park but as we can see ang sakit ng anak niyo ay unidentified pa. Wala pang lunas that means symptomps ng sakit niya ang nangyari. Soon mas malala pa diyan. We will do our best na ma-identify agad ang sakit niya and to cure him. Now I shall excuse myself as other patients awaits me"

Nalungkot ako bigla. Niyakap ako ng mommy ni Blue at ganun din ang dad niya. Tinitigan muna namin si Blue hanggang sa pinauwi na nila ako. Nagkulong lang ako sa kwarto at dinalaw siya kinabukasan. Hindi pa siya gising. Siguro napagod. Kaya dumating na ang Monday wala pa ring balita

"Good morning class. Malapit na ang prelim exam niyo. As a traditional ang exam niyo ay fashion show. You must make this wonderful and if you win this fashion show you'll be excused for the midterm" natuwa naman kami doon

Naisip ko si Scarlet ang maging modelo ko dahil siya ang idolo ko. Sana makontak ko siya at ma-invite siya na maging modelo. Gusto kong mapanood ni Blue ang exam ko kaya mamaya pupunta ako sa hospital para dalawin siya.

"As a tip. Find your inspiration and you shall attain the most perfect design" napaisip na ako at maraming designs akong naiisip "Rhian I shall compete with you" napatingin naman ako agad kay Lia. Is she challenging me? Napangiti naman ako

"Challenge accepted" nakangiting sambit ko. Natapos din agad ang klase namin para sa araw na ito. "See you later" sabi ni Lia bago kami nagkahiwalay

Pumunta naman ako ng hypermarket sa SM para dumaan ng konting pagkain na idadala sa hospital. Habang tumitingin ako ng prutas napansin ko na may babae sa tabi ko at pamilyar ito sa akin "Scarlet?" sinensyasan naman niya akong wag maingay

"Paano mo nalamang ako si Scarlet? Are you a stalker?" natawa naman ako sakanya. Grabe siya stalker agad? "No i'm not. Idol po kasi kita kaya nakilala kita agad" tumango naman ito

"So what do you need? Kasi ang mga fan hinihingi picture or autograph. Which one is your choice?" wow. Hindi lang pala ako. Maybe this is a chance for me to tell her "Can I ask more than those choices?"  tumango naman ito sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago siya tinignan muli

"Can you be my model for the upcoming exam?" nagulat siya bigla sa sinabi ko pero agad din itong napalitan ng ngiti "You're different huh. Very well, it is my honor to be your model. I'll give you my number then contact me if you need me. Hinihintay na kasi ako ng asawa ko. See you Ms. Rhian" inabutan niya ako ng calling card bago umalis pero mas ikinagulat ko ng sabihin niya ang pangalan ko

"Shocks kilala ako ng idol ko" tuwang-tuwa naman ako hanggang makarating ako sa tapat ng hospital pero nawala din ito ng maalala kong may sakit si Blue at heto ako masaya.

Pumasok ako at agad kong nakita si Blue. Natuwa ako at napaluha ng makitang gising na siya. Kaso matamlay pa. Agad akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit "I missed you baby" bulong niya habang yakap ako

Humiwalay ako sa pagkayap namin at hinawakan ang mukha niya. "Mas na-miss kita. Tinakot mo ako alam mo ba yun?" tumawa naman siya at hinila akong muli para mayakap "Sorry baby. Sorry kung tinakot kita. It's not my intention to scare you like that. I love you" hinalikan ko siya sa pisngi "I love you too baby"

"Hija. Gusto kong bantayan mo si Blue sa school ha? Lalabas na siya bukas and natatakot pa rin ako para sakanya" tinignan ko naman si tita at tinanguan siya "Mom I'm not a baby anymore. Ako ang dapat nagbabantay sakanya" natawa naman kami ni tita sa kanya pero inaya niya ako na mag-usap sa labas

"Blue have 4 months to go. Please take care of her Rhian. Kapag nahihilo siya let him take a rest. If ayaw niyang kumain pilitin mo. Remind him to drink his medicine. And lastly, please love him while he's here. Kailangan nating tanggapin na mawawala na siya sa atin soon. Hindi ko kayang sabihin sakanya. Ayaw kong mawala ang anak ko" niyakap ko si tita at sabay kaming umiyak

"I promise tita. Andito lang ako para sa kanya. I'll make good memories with him. Mamahalin ko siya hanggang sa huli niyang hininga" hindi ko maisip kapag wala na si Blue. Hindi ko rin siguro kakayanin ang mawala siya.

"Thank you Rhian. Thank you for loving me" napatingin naman kami sa pinto at nandoon pala si Blue nakikinig "My baby boy" lumapit ito sa amin at nagyakapan kami

"I'm sorry Mom. I'm sorry Rhian. I love you so much. Kung saan man ako mapunta soon lagi ko kayong babantayan. I love you ladies"

Masakit man pero ito ang gusto ng diyos. Lord, thank you for sharing us a wonderful guy like Blue. Please take care of him kapag kasama mo na siya. But I still believe for a miracle to happen

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Huhu! Ano na kayang mangyayari kay Blue 😭. Vote and comment. Malapit na rin matapos ito. Stay tuned 😉

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon