Chapter 58

20 4 0
                                    

Rhian's POV

Kumain lang ang ginawa namin ni Oliver dahil pagbalik ko sakanya ay tulog na siya. May iba pa kasi akong ginawa yun ay ang pag-ayos ko ng papers para sa school na papasukan ko.

"Oliver sure ka na dito ka mag-aaral?" Tumango naman ito habang kumakain ng bread. "Why love? Ayaw mong bantayan ka ng gwapo mong asawa?" Nabilaukan naman ako bigla sa sinabi niya. Pambihira. Hindi pa ako ready na marinig yun. Nahihiya pa ako

"Love namumula ka. May sakit ka ba? Wag ka nalang kaya pumasok?" Tinapik ko naman siya sa braso "Hindi pwede. First day ko absent na agad. Bad ka" naiinis ako sakanya kaya binilisan ko ang pag-kain ko saka ako naligo. Sinuot ko pa rin ang usual na style ko

"Still with the glasses love? Hindi ka naman na nila papansinin niyan eh" pero inirapan ko lang siya kaya lumabas na ako. Sinusundan naman ako ni Oliver kaso mabilis din itong napahinto ng maraming babae ang umaligid sa kanya. Nakatingin siya sa akin at humihingi ito ng tulong. Tinalikuran ko siya

Habang naglalakad napansin kong malapit na ako sa school. Nilingon ko naman si Oliver pero ganun pa rin. Anong klaseng asawa ako? Ugh! Binalikan ko siya at sumingit sa mga babae at mabilis kong niyakap si Oliver "Hey ladies hands off!" Kaya lahat sila napahinto at may isang babaeng nagsalita ng french "I'm sorry Miss but I don't speak french" narinig ko nalang ang mahinang tawa ni Oliver

"I said who do you think you are?" I see. Ang haba naman kasi ng sinabi niya "I'm his wife and this man is already married" nagbulung-bulungan naman sila nang masabi kong kasal na si Oliver "She's right. I'm already married and I can prove it to you" nagulat nalang ako ng higitin niya ako paharap at hinalikan sa harap ng maraming tao. It feels like my first kiss again kaya natangay na rin ako ng halik niya

"Hey get a room" sabi ng isa sa mga babae kaya napahiway na rin kami. Nagsi-alisan na rin sila kaya dalawa nalang kami ang naiwan "Thank you love" namumula naman na ang mukha ko when I realize what I just did

"Lets go love baka malate ka pa sa first class mo" at magka-hawak kamay kaming naglakad papunta sa classroom ko. Maraming nakatingin sa kamay naming dalawa pero hindi siya nahihiya. Tinignan ko lang siya habang naglalakad kami kaya nagulat ako ng bigla niya akong yakapin "Tumingin ka sa daan love. Muntikan ka ng mabangga ng babae na may juice" kaya napatingin ako sa likod niya at may babae nga talaga

"Sorry" mag-uumpisa na sana ako maglakad ng hilain niya ako "Bakit?" At nginuso niya ang classroom na halos na sa harap na namin "Heto ang classroom mo love. I'll pick you up later here from the same spot okay? May klase na rin ako. See you" sabay halik nito sa pisngi ko. Shocks! Nakaka-ilan na siya ah!

Pumasok naman na ako sa loob at nakakapanibago ang classroom. I hope I can make friends in this class. "Good morning class. Are there new exchange students here?" Tinaas ko naman ang kamay ko para ipahiwatig na ako kaya ginesture niya ako na pumunta sa harap at magpakilala "Hi. I'm Rhian Santiago. An exchange student from the Philippines. Please guide me through this semestral. Thank you" sabay bow ko at bumalik sa upuan ko

Nag-umpisa naman agad ang klase at marami akong natutunan. Sana andito rin si Lia. Nang matapos ang klase ay lumabas na kami at nakita ko naman doon si Oliver at napapalibutan nanaman siya ng mga babae. Take note. Classmates ko pa ang mga yun. "Sorry ladies but I'm already taken like I told you. She's the one who owns my heart" habang sinasabi niya iyon ay nakatingin ito sa akin. Pakiramdam ko ay namumula ako

"That nerd? We are way more beautiful than her. Leave her and we can give you more" parang nainis ako sa sinabi niya kasi wala pang nangyayari sa amin tapos gusto nila sila ang mauna? "Hey. Stop talking like that to him. Bitch" sabay tampal ko sa kamay niya na nakahawak na ngayon kay Oliver.

"Ouch! You'll pay for that" akala ko sasampalin na niya ako pero sa iba napunta yung tunog "Oh my god. I'm sorry. The slap was for her" napansin ko rin ang pag-iiba ng aura niya kaya hinila na niya ako paalis doon. Isang subject lang talaga ako ngayong araw which lasted for 4 hours and he waited 30 minutes kasi may dalawa siyang subject

"Namumula ang pisngi mo. May konting gasgas pa" naiinis kong sabi nang huminto kami sa isang garden "Kiss mo lang yan at okay na" nakakalokong ngiti naman ang sumilay sa mga labi niya. Hahalikan ko na sana ang pisngi niya ng bigla itong humarap sa akin kaya ang nangyari labi niya ang nahalikan ko

"Okay na ako love. Thank you sa kiss" sabay tayo nito at hinila ako. Dinala niya ako sa Galeries Lafayette at iginala doon para malibang hanggang sa huminto kami sa isang art shop para ibili ako ng color pencils. "Thank you Oliver" at hinalikan ko siya sa pisngi.

Nag-ikot-ikot pa kami hanggang sa napagod kami at kumain na ng lunch. "Love kailan mo din ako tatawagin sa endearment natin? Matagal-tagal na rin noong huli mo akong tinawag na love" napatingin naman ako sakanya at nagulat ng punasan niya ang gilid ng labi ko

"L-love. Teka Oliver nahihiya kasi ako eh. Next time promise" at sumimangot naman ito. Natapos kaming kumain ng hindi nag-iimikan. Iniwan din niya ako pagkatapos kaya nainis na ako at hinanap siya. Ano bang meron at lapitin siya ng mga babae. Napansin ko na may hawak itong bag "Love why are you taking so long?" Napalingon naman ang mga babae sa akin at ngumiti naman si Oliver

"I'm sorry love. These ladies are annoying the hell out of me. I keep saying that I already have you. So girls will you excuse me and my wife but we need to go. Bye" sabay alis nila

"Thank you love" sabay halik nito sa noo ko. Kinikilig ako and I admit it

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Patapos na and sorry ngayon lang nag-update 😢. Vote and comment 😉

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon