Chapter 12

35 4 0
                                    

Rhian's POV

Pagkauwi ko iniyak ko na lahat ng sakit para bukas okay na ang puso ko. Masakit pala ito kaysa sa sakit na naramdaman ko ng pinagtaksilan ako ng ex-boyfriend at ex-bestfriend ko. Ang tanga kasi ng puso ko agad nahuhulog nalang sa isang tao.

"Rhian? May ibibigay ako sayo. Andyan ka ba?" Pinunasan ko agad ang luha ko at nag-ayos ng higa. Si kuya ang tao na nasa labas kaya alam kong mahuhuli niya ako agad

"Papasok nalang ako. Alam kong gising ka at may problema. I will wait pag ready ka ng sabihin ang mga problema mo" hinalikan ako ni kuya sa noo at ramdam kong paalis na siya

"Oh before I forgot. Your keys arrived early. May sulat na din sila Mom dyaan. Goodnight Princess" at tuluyan ng umalis si kuya sa kwarto

He really got me. I'm sorry kuya. Pero akin nalang ang problemang ito. Agad akong umupo at binasa ang sulat doon ni Mom

Hi baby,

Here's the key to your condo. Yung mga conditions ko sa iyo ha? Pakabait ka sweetie. Busy kasi sila Mommy at Daddy dito kaya hindi ka na namin masamahan. Magpasama ka nalang sa boyfriend mo okay? Ingat kayo palagi dyan ha? I love you Rhian.

Ps. ********** yan ang address ng condo mo. ****** yan ang name ng condo

Naiyak ako sa sinabi ni Mommy. I will start a new life. Without him in my life. I will start a new without them letting me down. Natulog na ako para may lakas akong harapin silang lahat bukas.

Maaga akong nagising. This is the day I will bring myself back. The old me except for the personality. Ayaw ko ng inaapakan ako ng iba. I want to be something I can without them. Without trusting anybody else again.

Nag-ayos na ako ng gamit. Hindi na ako magsusuot ng uniform since pwede lang naman hindi dahil friday na ngayon. I can do what I want today. Sinuot ko ang pinaka-good outfit for the day.

"Saan ang lakad natin Princess?" Nakangiting bati ni kuya sa akin. Andito na kasi ako sa dining para mag-breakfast

"School. I don't want to bored myself in this house" cold kong sabi. Wala ako sa mood na kumausap ng tao ngayon.

"Ang cold mo naman Rhian" nakangiting bati naman sa akin ni ate. There's something different from her

"Blooming ka yata Ate Rhea. Mind to share?" Taas kilay kong sabi. Lately panay ang irap niya sa akin pero ngayon nag-iba

"Kami na kasi ulit nung ex-boyfriend ko. He gave me another chance. Kaya ikaw paka-bait ka sa boyfriend mo" nahalata kong napaka-sarcastic ni ate ng sabihin niya ang mga iyon

"Whatever. By the way wala akong boyfriend. I don't have any. If you excuse me nawalan na ako ng ganang kumain. Bye" tumayo na ako sa hapag. Naririnig ko pa ang tawag sa akin ng mga kapatid ko pero hindi ko na sila nilingon.

Bitbit ko na rin yung susi ng condo ko para pag-uwian dadaanan ko ito at tignan ano ang itsura. Habang naglalakad ako madami ang napapatingin sa akin. Maputi ang legs ko at walang halong peklat yan. Dahil maalaga ako sa katawan.

"Ang ganda naman niya"
"Pare transferee ba yan?"
"Liligawan ko iyan"
"Gag* chics ni Oliver yan"

Mga bulungan ng mga classmates ko. Sa loob ng room. Suot ko ang salamin ko. Hindi pa ako nakakabili ng contact lens ko since nawala ko na ang mga iyon noon pa.

"Hi Rhian" hinalikan ako sa pisngi ni Blue pero hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood.

"Look tinu-two time niya si Prince Oliver"
"Ang landi niya bes"
"Pero maganda siya ha. Prinsesang Nerd ang nababagay sa kanya"

Prinsesang Nerd? Heh. What a weird girls. I can't belive na pumasok ng sabay si Lia at Oliver. Baka sila nga but I never heard na naging model si Lia.

"Class let's start the lesson" dumating na si ate para magturo. Huminto siya sa pagiging modelo or should I say nagbabakasyon siya for now.

Hindi na ako nakinig sakanya dahil alam ko na ang mga tinuturo niya. Pinag-aralan ko na ang mga iyan sa dating school ko. Pero tumingin ako kay ate at blooming talaga siya. At dahil wala ako sa mood tumayo ako.

"Where are you going Rhian?" Ma-awtoridad na sabi ni Ate Rhea sa akin. Pero dinedma ko siya at dumerestyo sa pinto pero bago ako makalabas may pahabol pa ako

"Before you judge someone else try to know them first. Simple minded persons. Oh by the way we already broke up so you can enjoy your prince while it lasts" at umalis na ako ng tuluyan sa school.

Nag-taxi ako papunta sa address na iyon. Late ko ng marealize na magkatabi kami ng condo unit ni Oliver. How could this happened? Anyway I don't really need to interact with him. Pumasok na ako sa loob at kitang-kita ko dito ang ganda ng view sa baba. But I still don't have furnitures. Mautak sila Mommy. When they say condo yun lang it means its up to me buy those furnitures with my allowance.

Alam talaga nilang hindi ako magastos kaya ako bibili ng furnitures ko. Fine i'll go shopping but this will be the start of living alone. I need to independent. Hindi na ako uuwi sa amin ngayon. Bukas ko nalang kukunin ang iba ko pang gamit.

Lumabas na muli ako ng condo at nagpunta sa mall. Doon na ako namili ng mga kailangan ko nagpatulong na rin ako sa mga staff dito kung ano ba dapat. Ang sabi nila sila nalang mag-aayos para less hassle daw sa akin. Syempre pumayag na ako kaya nagpunta ako sa mga boutique at tumingin na ng mga bagong damit ko. Ayaw ko na ng mga sinusuot ko noon.

Namili na rin ako ng mga goods na ilalagay ko sa refrigerator para hindi laging nasa lata ang kinakain ko dahil hindi na iyon healthy. I need to stay fit. Pagkatapos kong namili ay kumain na ako sa isang fastfood chain. Habang kumakain ako may napansin akong pamilyar na tao. Parang huminto ang mundo ko ng marealize kung sino ito. Ang taong wumasak sa buhay ko.

"Angel"

~~~~~~~~~~
Ooh. Sino itong Angel na ito? New character guys. Guess niyo ha? 😊. Vote and comment po 😊👍🏻. This chapter is dedicated to maryjane0317  
Thank you po 😍😘

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon