Chapter 22

27 3 0
                                    

Rhian's POV

Nagdaan ang ilang araw at ngayon na ang araw magsisimula ang foundation. Sa susunod na araw ang pageant namin kaya ngayon ay pahinga na namin. Manonood ako ngayon ng laro ni Blue dahil dapat maging supportive girlfriend ako. Hindi ko na nakakausap si Oliver simula ng araw na yun ng matino akala ko nga friends na may usapan pero silent friends lang pala.

Nasa gym na ako at ina-antay nalang magsimula ang laro ng nakaramdam ako ng mainit sa tabi ko. Laking gulat ko ng makita ko si Oliver! Anong ginagawa niya dito?

"Shock? Makikinood lang ako" nanahimik na siya pagkatapos noon.

Nanood kami ng tahimik pero sumisigaw rin ako everytime nagkaka-puntos si Blue. Maya't-maya may tumabi nanaman sa akin tinignan ko kung sino at si Eulycis lang ito at may dalang water.

"Inom ka muna kanina ka pa sumisigaw dyan" nakangiting abot niya sa akin ng tubig. Inabot ko din ng nakangiti

"Thanks. May event ka ba ngayon?"  Tanong ko habang binubuksan ang tubig

"Meron pero mamaya pa. Manood ka ha? I'll be dancing" na-amuse ako agad dahil dancer pala siya.

"Sure" napalingon naman ako sa gawi ni Oliver dahil tumayo ito at dere-deretsyong lumabas ng gym. Nalungkot ako dahil iniwan niya ako

"Paano ba yan? Iiwan na rin kita. I need to practice with my team mates you better watch okay?" Nakangiting sabi ni Eulycis

Tumango nalang ako bilang sagot. Lumabas na rin siya at pinagpatuloy ang panood pero na-bored na ako siguro dahil iniwan ako ni Oliver. Aalis na sana ako ng makita ko siya at may bitbit na isang bucket ng chicken joy sa jollibee

"Gusto mo? Nagkamali kasi sila ng in-order ko. So I'm sharing it to you" abot niya ng bucket. Kumuha naman ako ng isa

"Thank you" nakangiting sabi ko although straight face siya ngayon. Tahimik nanaman kaming dalawa habang nanonood at kumakain ng chicken. Parang mabibilaukan ako sa katahimikan.

"Oliver"..."Rhian" sabay naming sabi 

"You go first" sabi ko pero agad niyang sinabi ring...

"Lady's first" naka-smirk pa siya habang sinasabi yun

"Fine. Wanna go somewhere after this?" Nahihiyang sabi ko

"Uhm. I have plans for the day but I could cancel it for you" sabay kindat sa akin. Aware ba itong tao na ito na mahal ko siya?

"Samahan mo lang naman ako i-check ang gown, dress sa 'q and a' at ang isusuot ko sa talent portion" nakayukong sabi ko. Nahihiya akong ipakita ang namumula kong mukha dahil sa pagkindat niya

"Uh sure kung yun lang naman pala. Then kanina nakita ko si coach sabi niya praktis daw tayo mamayang after lunch sa condo ko" napa-angat agad ang tingin ko sakanya dahil makikita kong muli ang condo niya. Kung saan huli kaming nag-away

"Ganun ba? Check na natin kung meron na ang mga susuotin ko. I'll just text Blue" break nila kaya mababasa niya ito

 I'll just text Blue" break nila kaya mababasa niya ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay na. Let's go" nauna na akong lumabas sa kanya ng gym dahil nahihiya talaga ako sakanya.

Sumakay na kami at sinabi kung saan ko pinagawa ang mga susuotin ko. Kay Ate Honey ang sikat na boutique na kakilala ko. Naging classmate ko ang kapatid niya na si Hazel noong elementary.

Pagkarating namin tahimik pa rin kami parang ang akward kasi. Boyfriend ng ate mo ang kasama mo tapos naging ex--- I mean may pinagsamahan kami kahit na fake couple lang kami. Natutunan ko siyang mahalin.

"Dito nalang ako sa labas Rhian. I'm not good with this" akward smile ang binigay niya which is hindi talaga siya sanay sa mga bagay na ganito kay Angel lang

"Sige maiiwan ka nalang dito---" may sasabihin pa sana ako ng maputol ito ng dahil sa malambing na boses.

"Rhian andito ka na pala. Sino yan boyfriend mo? Pasok kayong dalawa" sabay hila niya sa mga kamay namin. Ganyan siya cheerful

"So I'm betting you're here para sa damit mo? Of course boutique ito ano ba yan" sabay sapok niya sa noo. Binigyan niya kami ng sign na wait-a-minute kaya tumango ako bilang sagot

"Uhm Rhian. After the pageant my parents are holding their 30th anniversary" sinasabi niya ang mga iyon ng nakaupo sa sofa habang kinakamot ang batok niya

Tahimik lang ako na nakatingin sakanya kasi bakit niya sasabihin ito sa akin kung may iba pa siyang pakay.

"Pwedeng ikaw nalang magsabi kay ate mo na kailangan niyang pumunta doon. I mean pwede kang sumama if you'd like" nakangiti na siya sa akin kaya tumingin ako sa iba dahil nag-iinit ang mukha ko

"S-Sige. Sasabihin ko kay ate" nakangiti na akong palihim pero napatalon ako sa gulat ng sobrang lapit ng mukha ni Ate Honey

"Hmmm. May sakit ka ba Rhian? Oy boyfie anong ginawa mo sakanya?" Nakasimangot na siya uh-oh.

"Hindi ko siya boyfriend/girlfriend" sabay naming sabi kaya biglang lumawak ang ngiti niya

"Okay. Rhian ang damit mo ready na pero ipapadala ko nalang sa bahay niyo dahil mabigat ang mga iyon" nakangiting sabi niya sa akin

"Ate sa condo ko nalang matagal na akong umalis sa bahay namin. Nag-separate na ako sa kanila" malungkot na ngiti ko kaya niyakap nalang niya ako ng mahigpit

"Thank you" niyakap ko rin siya pabalik at humigpit ito

Humiwalay na kami at nagpaalam na sakanya dahil may praktis pa kaming dalawa ni Oliver. Tahimik nanaman kami buong byahe and I know something's off

"You two have a good relationship huh?" Deretsyo lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho.

"Yes. Dahil nandoon si Ate Honey ng kailangan ko ng karamay ng niloko ako ni Blue at ng kaibigan ko. Wala si Ate Rhea dahil busy siya sa ibang bagay" habang sinasabi ko ang mga iyo parang na-aalala ko ang mga nangyari noon pero hindi na ganoong kasakit

"Who's this your friend of yours? Is she someone I know?" Pagkasabi niyang iyon parang may bakas ng pagka-sarcastic

"Yes. Nakalimutan mo na yata na kapatid mo ang may gawa" sarcastic kong sabi kaya sa may bintana nalang ako nakatingin

"Lets stop this conversation" cold na sabi niya alam kong nainis na siya. Kaya sinuot ko nalang yung earphones ko at nanahimik sa tabi hanggang sa makarating kami sa condo niya at nag-praktis.

~~~~~~~~
Here's my update for today. I mean alam kong matagal-tagal na at lame pero PROMISE sa susunod okay na ito. I just need some insparation

Vote and Comment. Thanks 😊😘

Ang Prinsesang Nerd at Ang Heartthrob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon