Tigidoooong!!!
"Bell na pala" sabi ni Carol habang pumupunta sa pila ng
kanilang section.
"Ang pangit mo!"
"Wala kang kwenta!"
"Di ka bagay sa section namin! "
Narinig ni Carol ang mga sigaw na iyon, na parang
may nangaapi sa isang bata, nilapitan niya at
nakitang binubully ng tatlong classmates niya si Jake.
"Hoy ano ba? Wala ba kayong magawang mabuti sa kapwa niyo?" sigaw ni Carol sa mga nangaapi.
At bigla namang umalis ang mga nagaaway at naiwang luhaan
ang batang si Jake, umiiyak.
"Bakit ka ba nila inaaway? " tanong ni Carol.
"Hindi ko po alam" sabi ng bata habang umiiyak.
"H'wag ka nang umiyak, para kang tuloy si Spongebob." pagpapatahan ni Carol.
"Sino po si Spongebob?"
"Hindi mo siya kilala?"
"Opo."
"Yung dilaw na square na iyakin din! "
"Dinescribe pa ni ate. Hindi ko nga kilala! "
"HAHAHA."
At nagtawanan ang dalawa papunta sa pila ng kanilang section..
Sumulyap si Dave.
"Sino yung kasama ni Carol?" tanong niya sa katabi niyang lalaki.
"Ewan, yan yata yung galing sa St. Benedict"
"Loko yon ah! Pinopormahan yata si Carol.."
"Tsk! " sabi ng katabi.
Inilibot ni Carol si Jake sa eskwelahan, since bago pa lang siya sa school nila.
"Ang lawak pala dito."namangha si Jake sa kanyang bagong eskwelahan.
3 araw pa lamang nang magbukas ang school year 2007 - 2008,
mga freshmen pa sila Carol at bf nitong si Dave at ang late enrollee na si Jake.
Unang araw pa lamang nilang magkasama ay parang matagal nang magkakilala ang dalawa.
"Sino ba si Spongebob?"
"Eyun nga yung dilaw na square na may butas na katawa at laging naka brief! "
"HAHAHAH! "
Rinig ang halakhakan at biruan nila Jake at Carol sa hallway habang umiikot sa campus.
"Sino siya" usisa ni Dave.
"Siya si Jake. Bago kong kaibigan." pakilala niya.
"Jake si Dave, Dave si Jake." pagpapakilala ni Carol sa dalawa.