Chapter 12

97 0 0
                                    

Chapter 12

Umaga pa lamang e naghahanda na si Jake para sa malling nila ni Carol.

Kasama ang kanilang chaperone na si Krizanne, sumakay na sila sa kotse ni Jake.

"Bakit nyo pa ako sinama dito?" reklamo ni Krizanne.

"Chaperone. " sagot ni Jake

"Magaling ka Jake! "

"HAHA" tawang malakas ni Carol.

Natutuwa na sina Krizanne at Jake na nakakatawa na ulit ng ganon si Carol

Mga 11:30 na sila nakarating sa SM Mall of Asia namangha ang tatlo sa laki ng mall.

"Kaya ba nating libutin yan?" tanong ni Krizanne.

"Kaya yan." sabi ni Jake.

Pumasok ang tatlo sa entrance na biglang tumunog ang tiyan ni Carol.

(tunog ng nagugutom.)

"Gutom ka na ano?" tanong ni Jake.

"Tumunog na nga yung alarm." biro pa ni Krizanne.

At nagtawanan ulit silang tatlo.

Kumain ang mga magbabarkada sa isang fast food chain, pagkatapos ay nagmalling,

tapos nanood ng movie at nang mapagod ay dumeretso sa seaside ng mall.

Tama namang magsusunset na.

Pinagmamasdan ni Carol ang sunset.

Habang si Jake naman ay nakatitig kay Carol habang pinagmamasdan ang sunset.

Nahalata iyon ni Krizanne kaya hinila niya ang kaibigang si Jake at tinanong

"May gusto ka kay Carolyn no?"

"O sige na, sige na aamin na'ko"

"Sabi ko na nga ba e. Kaya pala para kang superhero na nagrescue sa kanya

nung nasa girls CR siya."

"Krizanne naman e,"

"E paano yan pag nalaman niya?"

"Hindi ko sasabihin."

"Addict ka ba! Itatago mo na lang yan?"

"Oo."

"Sabihin mo na habang maaga pa."

"Bakit naman?"

"Kasi pag nag-intay ka pa ng "right time", baka yung right time mo e

huli na o wala ng pag-asa."

"Pero ayokong masira yung friendship namin."

"E di mag risk ka."

Lumingon si Carolyn sa dalawa.

"Anong pinaguusapan niyo?" usisa ni Carol.

"Hmm. Wala" sabay na sabi ng dalawa na pawang nakangiti.

Pagkatapos noon ay umuwi na ang tatlo.

Miss FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon