Chapter 5
Masaya namang umuwi si Jake at si Carol, kahit binigyan ni Carol
nang mabigat na responsibilidad si Jake.
(Katok! Katok! ) Narinig ni Jake ang doorbell tapos may katok pa sa gate.
"Sino kaya yun?" pagtataka ni Jake
"Jakeeee" sigaw ng kumakatok at agad namang binaba
ni Jake ang tumatawag sa kanya.
Pagkabukas niya ng gate nila, nagulat siya ng makitang
si Ms. Carol ang kumakatok.
"Aaaa.... Bakit ms. Carol?" tanong ni Jake.
"LIka gala tayo! " paanyaya naman ni Carol.
"Saan naman ho?"
"Dito sa compound! "
"Sige sige!"
Pinagbigyan ni Jake si Carol.
"San tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Jake.
"Dyan lang."
Pumunta sila sa playground ng Celeste compound,
since dapit hapon na ay wala ng mga bata
ang naglalaro dito.
Umupo silang dalawa sa swing.
Nagkwentuhan ang dalawa about sa school,life hanggang
makarating sila sa topic ng love.
"Nagka gf ka na?" usisang tanong ni Carol kay Jake.
"Hindi pa eh. "
"Bakit naman? Hindi mo pa ba nakikita yung babaeng para sayo?"
"Hindi pa eh. Tsaka hindi ako naniniwala sa love na yan! "
"O bakit naman?"
"Para kasing nakakaloko. Liligawan mo yung isang babae tapos pag
kayo na parang wala na lang.."
"Paanong wala na lang?"
"Basta.."
"Nye."
Tinanong naman ni Jake si Carolyn about kay Dave.
"Bakit mo siya nagustuhan? Dahil pogi siya?"
"Di naman sa ganun. Mabait naman kasi siya eh, tapos nakita ko
naman na malinis ang intensyon niya sa kin."
"Matagal na kayo?"
"Oo siguro mga 7 months na.."
"Tagal na din pala :) Sana magkaroon din ako nang ganyan
katagal na GF. "
"Ako! HAHAHA! "
"Ikaw a." pabiro ring reply ni Jake.
Magaalas nuebe na ng makauwi ang dalawang magkaibigan.
Masayang masaya silang nakauwi.
Para silang mga batang naglalaro lang at nagkekwentuhan na inabot
ng gabi sa daan.
Bago matulog, parehas ng iniisip ni Carol at si Jake - ang nangyari sa
dapithapon na yon.