Chapter 6
Nakakahalata na si Dave na laging magkasama sina Carolyn at si Jake.
Naiissue na nga ang dalawa na sila na sa buong campus na
palagi namang pinabubulaanan ng dalawa.
Habang nagrerecess si Jake ay nilapitan siya ni Dave
kasama ang mga dating nang bully sa kanya.
"Hoy pinopormahan mo ba si Carolyn? Uhuging iyaking lalaki?" sigang tanong ni Dave.
Hindi sumagot si Jake.
Nainis doon si Dave at tinapik ang sandwich na baon ni Jake at
tumapon iyon sa sahig.
At dahil doon, tumayo si Jake at nakipagtinginan ng masama kay Dave.
"Ano bang problema mo?" parang pasigaw na sagot ni Jake.
"Ikaw ang problema ko! Layuan mo na si Carol kung hindi masasaktan ka sakin! "
Pagkatapos ng pagbabanta na iyon ay nakasisindak na
tingin ang ginawa ni Jake kay Dave.
Nagsimula na ang pagpili ng mga varsity players para sa
basketball team ng school.
Nagparegister si Jake kasama si Carolyn.
"Nagbabasketball ka pala Jake?" nagbibirong tanong ni Carolyn kay Jake.
"Haha, yup naglalaro na rin ako ng basketball sa dati kong school."
Nakita na naman ni Dave na magkasama ang dalawa.
Selos na selos nanaman ang bf ni Carol kay Jake.
Magkakaroon ng opening game ang basketball team ng campus.
Since marami ang napili, 2 teams ang maglalaban
- Team ni Jake laban sa Team ni Dave.
Nagsimula na ang laba. Sa 1st quarter ay naging mahigpit ang laban
ng Team Jake at Team Dave.
Naging madumi ang laro ni Dave siguro
dahil sa selos at galit kay Jake, sa closeness nila ni Carol.
Kaya naman na fouled out si Dave sa kalagitnaan ng 3rd Quarter at lahat ng
fouls niya ay lahat kay Jake.
Natapos ang laro sa score na 115 - 89, panalo ang Team Jake.
Napansin ni Carolyn ang bf.
Nagalit siya dito dahil sa ginawa niya sa basketball game nila.
Sa isang sulok ng campus nagusap ang couple.
"Bakit ginanon mo si Jake? Nagseselos ka ba?"
mataas na tono ni Carolyn. Galit sa bf.
"OO NAGSESELOS AKO! E PARA NGANG MAS BF MO SIYA SAKIN EH! "
galit na paliwanag ni Dave.
"Magkaibigan lang kami. I'm sorry Dave hindi ko napapansin
nagkukulang na pala ko sayo..." maluha luhang pagsosorry ni Carol.
Napaisip si Carolyn, pinagiisipan niya na bawasan ang
pakikipagkaibigan niya kay Jake.
Habang naglalakad, nakita niya si Jake at agad siyang tumakbo
para kausapin ito.
"I'm sorry Jake for what Dave has done. I'm really really sorry."
"It's okay." nakangiting reply ni Jake.
"Hmmm..."
"May problema ka ba Ms. Carol?"
"Nagseselos na si Dave sa iyo e. Pwede bang bawasan natin yung closeness natin?"
"O Sige." tanging nasagot ni Jake na may pagaalinlangan.
Simula noon ay nabawasan ang friendship ng dalawa.
Malungkot man si Jake, masaya naman ulit ang couple.
Dumaan pa ang mga araw at buwan. Sophomore na sila.