Chapter 14
Sa Dean's Office, nanginginig si Jake ng pumasok siya dito.
"Jake Dayen." tawag ni Fr. Brian.
"Po? Expelled na po ba ako?" pagtatanong ni Jake.
"Hindi naman pagsasabihan lang kita, mayroong mga bagay na
hindi na dapat sinasabi pa sa ibang tao katulad noong ginawa mo,
Pero Jake, hanga ako sayo dahil sa tapang mo para masabi yang nararamdaman mo
kay Carol sa harap ng maraming tao. Hwag mo ng uulitin ito a."
dagdag ng Dean.
"Opo. Babawi na lang po ako."
"Saan naman?"
"Kakanta po ako sa school gig."
"Sigurado ka?"
"Opo."
"Bueno sige desisyon mo yan."
"Salamat po Dean!"
Paguwi sa bahay, e kilig na kilig si Jake sa ginawa niya nung umaga.
Kahit galit sa kanya si Carol e nakangiti siya.
Practice ng school gig ay umattend si Jake kahit hindi siya kasali.
Nandun ang bandang Mayonnaise at Spongecola na pawang kumanta ng gusto niyang
kantahin sa school gig.
Nakiusap si Jake sa band vocals ng Mayonnaise at kuya Yael ng Spongecola.
At ng hapon na yon e, kasama si Jake ay nagpractice ang mga banda
para sa school gig.
Kinabukasan, umaga pa lamang e excited na si Jake,
kumakanta pa siya habang naliligo.
Si Carolyn naman e nagdadalawang isip pa kung pupunta
sa school gig.
Na convince din naman siya ni Krizanne na alam ang
pagkanta ni Jake sa gig.
Hapon na.
Handa na ang set ang mga lights at sound sysyem ready na
para sa concert.
At sumapit na ang gabi, kumapal na ang mga tao sa gym
kung saan mangyayari ang concert.
Swerte namang nakakuha sina Krizanne at Carol ng front
row seat.
"Asan si Jake?" tanong ni Carolyn kay Krizanne.
"Baka di pupunta dito." pakunyaring sagot ni Krizanne.
At mamaya maya pa...
"Welcome to the 2009 School gig! " welcome nila
VJ Nikki at VJ Robi.
Mamaya- maya pa e tumugtog na ang mga banda.
At last na kanta ng Spongecola kaya naman iniintroduce na ni
Kuya Yael ang special singer for tonight.
"May nakiusap po sa akin kahapon na siya daw ang
kakanta ng Neon para sa gabing ito."
Dala dala ang electric guitar, lumapit si Jake sa stage
at sinaksak ang jack sa gitara.
"Please Welcome, Jake Dayen."
Halos magsigawan ang lahat ng marinig ang pangalan ni Jake.
Tumugtog na ang banda.
"Your smile is gently freezing."
sa 1st line pa lang nagwala na ang audience.
"Cause I, I know I can never be enough to replace your whatever." - Chorus.
At pagsapit ng bridge.
"And every time I see you passing by , I'm Just standing here waiting for you." na
emphasize pa na pinatatamaan si Carol.
Si Carolyn naman ay nakatitig at nakangiti kay Jake habang
kumakanta ito.
At natapos ang kanta. Pero hindi pa naalis si Jake sa
pwesto niya at dumating ang Mayonnaise at si Jake na mismo ang
nag introduce dito.
"Guyz, please welcome Mayonnaise."
At tinugtog na ang requested ni Jake.
"Ipagpatawad mo, ang aking kapangahasan, binibini ko sana'y
maintindihan, alam kong kailan lang tayo nagkatagpo, ngunit
parang sayo ayaw ng lumayo, Ipagpatawad mo ako ay naguguluhan.."
"Sana naman Ipagpatawad Mo, ang labis na kabilisan ko ngunit ang lahat
ng ito'y TOTOO, TOTOOOOOOOOOOO"
"Ipagpatawad mo, Minahal Kita agad.."
At natapos ang kanta. Hindi magkamayaw sa kakatili
ang audience sa kanta ni Jake, lalo na sa mga linyang
patama talaga kay Carol.
Si Giane naman e umiiyak dahil naalala niya ang
nangyari sa fieldtrip nila Last year.
Si Carolyn, hindi na maitago ang kilig, tuwang tuwa siya sa pagkanta
na iyon ni Jake para sa kanya.
At natapos ang concert.
Umuwi na ang lahat.
Masaya at kilig na kilig kay Jake ang mga babae.
Habang pauwi..
"Sana may bf ako na kagaya ni Jake." sabi ni Krizanne kay Carol.
"Ewan ko sayo. Krizanne." sagot ni Carol
