Chapter 16
"Magkakaroon tayo ng CAT Third year at pupunta tayo sa Youth Camp sa Zambales." announcement
ni Mrs. De Guzman, MAPEH teacher ng III - Lorenzo.
Masaya ang III- Lorenzo dahil 2 days before ang countdown to Prom Night e may CAT
adventure pa sila.
Bisperas yon ng camp, kaya naman ang III- Lorenzo ay nagmamadali na bumili ng
gamit para sa overnight camp.
Kinabukasan, tinatamad man e pumunta ang mga III - Lorenzo, excuted din sa magaganap na camp.
Sa bus, nauna nang sumakay ang lahat sa bus, maliban kina Jake at Carol.
Si Carol marami pang inaasikaso.
Si Jake naman ay late.
Kaya naman natira ang 2 upuan sa harap para sa dalawa.
At may sabwatang naganap at usapan para may mapagtripan ang III -Lorenzo.
Pagdating ni Jake e umupo na agad siya sa bakanteng upuan sa harap
at ilang saglit lang ay umakyat na si Carol at gulat na gulat parehas sila
na sila pala ang magkatabi.
Nagbablush si Carol ng umupo sa tabi ni Jake.
At humirit na ang III - Lorenzo ng tili at hiyaw dahil sa planadong ginawa nila.
Nakahalata ang 2 na planado nga ang nagyari.
Nandyan na yan e.
6 hours ang biyahe.
6 hours din silang magkatabi.
Umandar na ang bus.
Napaisip si Jake na kung hindi niya papansinin si Carolyn e magiging boring ang
6 hours na papunta doon sa camp.
Kagat labi si Jake habang nagiisip.
Tumingin si Jake kay Carol, napansin niyang parang nasusuka ito.
Nahihiya man e kinausap na ni Jake si Carol.
"Hmmm... Carol ok ka lang?" pagaalala ni Jake.
"Nasusuka ako at nahihilo." sagot naman ni Carol.
Buti na lang e may dalang gamot si Jake at pinainom niya kaagad yun kay Carolyn.
"Salamat Jake."
"Wala yon. Bati na tayo ah!"
"Haha. Oo."
Habang nasa biyahe, natulog sina Carolyn at Jake, nakapatong ang ulo ni Carolyn sa balikat ni Jake.
11 : 00 am ng makarating ang bus nila sa Stopover para maglunch.
Ginising sila ni Krizanne.
"Huy gising na kayong dalawa! " hirit ni Krizanne.
Sabay naglunch ang tatlo.
At balik ulit sa bus para sa 3 oras pang biyahe.
Mga 2 : 30 na ng makarating sila sa Iba, Zambales ang lugar
ng nasabing camp.
Bago bumaba e, binigyan ng ID ang mga tiga III - Lorenzo, magkakaiba ang kulay ng ID
may Red , Yellow, Green at Violet.
Pagpasok ay dumeretso agad sila sa Dorm, Magkahiwalay ang dorm ng lalaki at babae.
