Chapter 13

131 0 0
                                        

Chapter 13

Pagkauwi nila e, niyaya ni Carolyn si Jake sa kanilang tambayan.

Maganda ang gabi. Maliwanag. Full moon.

"Ganda ng moon ano?"

"Oo nga e, parang IKAW."

"Nambobola ka nanaman Jake."

"Nye. Di kaya biro yun :) "

"Sumbong kita kay Giane e. :) "

Habang naguusap sila e, kinakabahan si Jake. Iniisip niya kung sasabihin na

ba niya ang feelings niya para kay Carol.

"Jake ok ka lang?"

"Hmm... Carol may sasabihin ako sayo."

"Ano yon? Na kilala mo na si Spongebob. Haha."

"Hindi yon. Seryoso to! "

"O sige."

Hinawakan ni Jake ang mga kamay ni Carol...

"Miss Carolyn Santos... I love you!"

Nabigla si Carolyn sa sinabi ni Jake.

Napaluha ito sabay tumakbo papalayo sa tambayan.

Si Jake, parang bumagsak ang mundo niya, habang naluluha,

tulala na nakaupo sa swing.

Pagkauwi ni Carol dumeretso siya sa kwarto niya na lumuluha

at iniisip kung bakit nagkagusto sa kanya si Jake.

Si Jake naman e, inalala yung pagsave sa ni Carolyn sa kanya nung 1st year

pa lamang sila at napaluha.

"Sabi ko na, tapos na yung friendship namin kapag nagtapat na'ko

sa kanya." bulong sa isip ni Jake.

Kinabukasan, wala na ang naririnig ni Jake na sigaw ni Carol tuwing umaga.

Sa school ng magkita ang dalawa agad na umiwas si Carolyn kay Jake.

"Carol !" tawag ni Jake, since hindi siya pinansin ni Carol e

tumakbo si Jake sa may nagaanounce.

"Kuya pwede po mag announce?"

Pinayagan naman siya.

Pero iba pa lang announcement ang gagawin ni Jake.

"Miss Carolyn Santos! I love you! Please naman hwag mo akong Iwasan!!!!"

rinig iyon sa buong campus.

Halos hiyang hiya naman si Carol sa mga students na nakatingin sa kanya

habang nakaupo siya sa circle.

Kinikilig man ng kaunti e hindi niya ito pinahahalata.

Sa classroom naman, pagpasok ni Carol ay pinagkaguluhan siya ng kanyang mga kaklase

na puno ng tuanong tungkol sa announcement ni Jake.

Maya maya pa e, si Jake naman ang pumasok,

Hingal na hingal siya tapos nagkatinginan sila ni Carol pero agad namang umiwas ng tingin si Carol.

Halos magwala ang III - Lorenzo sa kilig dahil sa dalawa.

Kahit si Krizanne ay tili ng tili sa loob ng silid aralan.

Si Giane naman e nakangiti at kilig na kilig din.

Pero natigil ang kasiyahan ng pumasok si Mr. Lardazabal at sinabing pinatatawag si Jake

sa Dean's Office.

"Patay ka ngayon!"

sabi ni Dave kay Jake na nakaupo sa harap ng dumaan si Jake.

Miss FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon