Chapter 18 - LAST
Madilim na ang langit.
Senyales na magsisimula na ang Prom Night.
Puno ng Ilaw ang Auditorium, rinig ang malakas na classical music na
tinutugtog ng Orchestra, handa na rin ang mga masasarap na pagkain sa mahabang mesa.
Masasabi mong magarbo at elegante ang prom night.
Nakalatag ang red carpet sa mahigit na 20 meters na entrance.
Isa isa nang nagdatingan ang ating mga bida.
Nauna si Jean na may suot na beige na gown kasama ang pinsan
nitong si Giane na maganda din ang damit sa color white.
Sumunos namang dumating si Krizanne na naka orange na gown.
Gumanda ang ating maingay ngunit mabait na bida.
Ilang saglit lang ay dumating na si Dave at pinagkaguluhan siya ng mga babae.
Ganun din si Jake, na kahit may nerd glasses e tinilian din
ng mga babae.
At ang pinaka famous, at pinakamabait na babae ay dumating na.
Nakasuot ng pink na gown, at white gloves na may korona pa.
Naging usap usapan si Carol dahil sa kanyang kagandahan.
Habang naglalakad si Carol sa Red Carpet ay nakatingin sa kanya
ang lahat at sa dulo ng carpet ay nakaabang ang dalawang lalaki na
mahalaga sa kanya.. Sa kaliwa si Jake at sa kanan si Dave.
Nilapitan niya si Dave at kinausap.
"Dave, salamat sa almost 3 years na nagkasama tayo but hindi na siguro tayo
magkakabalikan pa. Salamat dahil naging part ka ng buhay ko Dave.
Marami pang babae dyan. Makakahanap ka pa ng mas better sa akin."
Napaluha si Dave.
"Carolyn, I'm still in love with you. And I'm sorry for what I've done to you."
"Ok na yun Dave." sagot lang ni Carolyn.
At lumapit si Carol kay Jake at nagtilian ang mga kasama sa Prom night.
"Jake you have my dance :) "
Nakangiting sabi ni Carol kay Jake.
"Thanks Dear Carol :) "
tuwang tuwa si Jake at nagpasalamat.
Nagpunta sila sa gitna at sumayaw.
Umulan ng petals sa auditorium, nagulat ang dalawa,
gawa pala iyon ni Dave na pumapalakpak pa habang naluluha,
masaya na rin siya para sa dalawa.
Umiiyak si Krizanne, tears of joy ika nga.
Masaya siya para sa dalawang nyang kaibigan.
Kinausap ni Carol si Jake habang sumasayaw sila.
Nilagyan ng lapel ang dalawa para marinig ng lahat ang
magiging usapan nila.
"Jake Dayen. I have something to tell you :) "
"What?"
"I love you too."
"Ano ulit?"
"I love youuuuu Jaaaakeeee..."
"Bingi ako Carol e."
"I love youuuuuuuuuuuuuuuuuuuu Jaaaaaaaaaaaaakkkeeeeeeeeee..."
"Ayiee." malakas na sigawan sa auditorium.
"I love you too Carolyn!"
nahihiya pang sigaw ni Jake.
Dahil sa saya e binuhat pa ni Jake si Carol at pagbaba ay sumigaw
ito ng "YES!"
Marami ang nag congratulate sa new couple.
Including na sina Giane, Krizanne, Jean, At si Dave.
Lalo pang naging masaya ang new couple dahil sila pa
ang napiling Mr. And Ms. Prom na talaga namang deserve nila.
Panibagong year naman ang sasalubungin ng dalawa
ngayong Senior na sila next school year.
