Chapter 15
"Okay class. Next month na ang Junior Prom ninyo."
announcement ni Mr. Lardazabal.
At nagtsikahan na ang III- Lorenzo sa kung ano ang mangyayari sa prom na iyon.
Pero hindi masaya si Jake sa prom na iyon dahil wala naman
siyang maisasayaw.
Habang nakaupo sa Circle,nilapitan siya ni Giane at kinausap.
"Jake.. have problems?"
"Wala naman."
"E ba't ka malungkot."
"Kasi wala akong maisasayaw sa prom night."
"Next month pa naman yun e."
"Saglit lang yung isang month."
"Nandito naman ako."
"Nye. Yan ka nanaman Giane eh!"
"Haha. Joke lang, alam ko naman na siya ang gusto mong
isayaw."
"Yun nga ang problema galit siya sa akin."
"Alam mo mag try ka, lumapit ka sa prom night sa kanya
at hingin mo ang kamay niya para sumayaw kayo."
"Ayaw ko."
"Jake, magtry ka ! Wala namang mawawala eh. Walang mangyayari sayo
kung hindi ka magri risk. At kung nagtry ka at nag failed ka ,
Ok lang yon dahil alam mo sa sarili mo na nag try ka at ginawa mo ang best mo.
Walang guilt feelings sa puso mo at wala kang pagsisisihan."
"Galing mo Giane! Salamat."
Nabuhayan ng loob si Jake sa sinabi ni Giane sa kanya.
Samantala, naglalakad si Carolyn sa hallway e may napansin siyang kakaiba.
"Bakit parang walang tao?"
At pagtungtong niya sa isang circle e bumagsak ang mga petals sa
kanya at lumapit sa Dave na may hawak na tarpaulin na :
"Carol come back to me. I'm Sorry."
Nagtilian nanaman ang mga students na nakakita sa romantic
na ginawa ni Dave.
Nakangiti lang si Carol at kinausap si Dave.
"Sana hindi ka na nag effort. A simple sorry will do."
sabi ni Carol.
"Pero mas gusto ko sa ganitong paraan mag sorry." paliwanag ni Dave.
"So tayo na ulit?"
"Sa prom night ko sasabihin."
Nabuhayan at napangiti doon si Dave.
Mukhang may pag- asa pa siya sa dalaga.
