Chapter 4
"The nomination for President is now open! "
Dahil 4th day, election of officers ang ginawa ng I - Xavier.
"I respectfully nominated Ms. Carolyn for President. " recite ni Dave.
"Ayiieeee!" asar ng mga malalanding tao sa section.
"Sorry Mr. Mercado, Ms. Santos is ineligible to be our president,
because she handles the SSG." paliwanag ni Mrs. Ocampo, adviser nila.
"I respectfully nominated Jake Dayen for President! " recite naman ni Carol.
Parang nabingi si Jake.
"Anoooooooooo?" sigaw niya sa isip.
Hindi naman niya pwedeng kontrahin si Carolyn.
"I suggest that the nomination for President must be moved."
"I second the motion! " pinakasikat na linya tuwing election of officers.
Nanlalamig sa kaba si Jake habang binibilang ang boto
ng mga kaklase.
"36 - 0" nanalo si Jake bilang president laban kay
Loren na walang nakuhang boto.
38 Sila sa classroom.
Si Loren lang at si Jake ang boboto sana para sa kalaban.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!" napasigaw si Jake dahil mabigat
ngayong responsibilidad ang nakaatang sa kanya.
"Ayayayayayay."
"Chuva- chu - chu"
parang nanlumo si Jake sa nangyari.
Ang congrats ay naging brewrats para sa kanya.
"Nice Mr. President! :)" bati ni Carolyn na may
halong pangaasar.
"Ikaw ang may kasalanan nito eh! " sisi ng bagong presidente ng I - Xavier
kay Carolyn.
Mataas na tao si Carolyn. Dahil doon, hindi siya pwedeng
kontrahin. At asahan mo na susunod sa kanya ang klase.
"Matalino naman si Jake eh, graduate na salutatorian sa
St. Benedict School na may grade na 94.7 kumpara
sa 94.8 nang valedictorian namin.
Mahiyain nga lang, tahimik, minsan parang nerd pero mabait. "
Kwento ni Jean na dati nang classmate ni Jake sa Elementary.
Parang umiikot pa rin ang utak ng iyaking bata,
hindi makapaniwala sa nangyaring botohan.
Hindi niya inakala na siya ang magiging presidente ng klase nila.
"Oy, galit ka ba?" tanong ni Carol na tumabi kay Jake,
"Hindi naman po, konti lang as in konting, konti lang! "
"HAHAHAHA!" humalakhak na naman si Carolyn.
"Hahaha ka dyan."
"Kaya mo yan Jake. Ayaw mo nun? Para hindi ka na ibully nung mga
bad na classmates natin."
"Hindi naman yon e. Ayaw ko lang nang responsibilities. Hehe."
"Part yan ng High School Life mo."
"High school life mong mukha mo! Ms. Im ready! "
"Hahaha. Narinig mo pala yon!"
"Oo naman =) "
Tawanan ulit ang dalawa.
At tumunog na ang bell para sa pagtatapos ng recess.