Chapter 10
Juniors na sila. Panibagong school year na naman.
"O, 3rd year ka na anak." paalala ni Mommy Glenda kay Jake.
"Oo nga ma."
"May gf ka na anak?"
"Wala pa po."
"E si Carol?"
"HIndi ko po yun GF ma"
Pagpasok sa school, magkasabay sina Giane at Jake mageenroll ulit.
Excited naman si Carol, dahil may JS prom na para sa 3rd year, at panibagong
school year na naman.
3 buwan ang lumipas..
"O, Magkakaroon tayo ng Intrams!" announcement ni Mr. Lardazabal sa III - Lorenzo,
ang section naman nila Jake.
"3 weeks from now yon, siguro ay mga Aug 26 ang intrams." dagdag pa ni Mr. Lardazabal.
Magkakaroon ng cheering,singing, dancing, basketball game at volleyball ang intrams.
Kaya naman sa 3 weeks na iyon ay magiging abala ang III - Lorenzo,
lalo na si Carolyn na SSG President.
Aligaga si Carolyn sa bawat araw, marami siyang iniisip, halos kaunti na nga lang ang
tulog niya sa araw araw, at pag niyayaya siya ni Dave ng date e..
"Busy ako Dave" yan ang lagi niyang sagot.
Kaya naman si Dave e, parang nagalit at napaisip na nawawalan na ng
time sa kanya si Carolyn.
Isang party ang naganap sa bahay ni Sheen, ang babaeng dati pa lamang
ay may crush at nararamdaman na kay Dave.
Nagiinom sila ng alak, mga music na pang party, kung ano ano ang ginawa nila doon
partikyular na sina Dave at si Sheen na hindi man ginusto nilang
pareho ay naghalikan silang dalawa.
Dahil nga lasing e walang kamalay malay ang dalawa na vinivideohan na pala
sila ng cellphone ni Krizanne.
Isang malinaw na ebidensya ng pangangaliwa ni Dave kay Carol
ang video na kaya naman agad itong ipinakita ni Krizanne kay Carol.
"Carol, I have some bad news for you."
"Hmmm.. Ano?"
"Look at this."
At ipinanood ni Krizanne ang video kay Carolyn.
Napahagulgol naman si Carol ng makita ang video. At bigla itong tumakbo sa girls CR at
ikinulong ang sarili doon habang umiiyak.
Samantala, pinuntahan naman ni Krizanne si Jake para sabihin kung ano ang nangyari.
"Jake your friend."
"Carolyn?"
"Yup."
"What happened?"
"Basta. puntahan mo siya dun sa Girls CR at ieexplain ko na lang sayo later kung ano ang nangyari."
PInuntahan ni Jake si Carol sa Girls CR sabay sabi..
"Carol, lumabas ka dyan, Let's talk about this!" pakiusap ni Jake.
"Just leave me alone Jake! "
"No I won't "
"Pleasseee! "
"Carol kung kay problem ka pagusapan natin at wag kang magkulong dyan! "
pakiusap pa lalo ni Jake.
"Carol.. I'm your friend, sabihin mo sakin yung problem mo at
baka makatulong ako! "
Naconvince ni Jake na lumbas si Carol sa Cr.
Umiiyak pa rin si Carol , kasama si Krizanne ay inexplain nila kay Jake kung ano ang nangyari.
Habang nagkekwento e, lumapit si Dave kay Carol.
Sinampal ni Carol si Dave.
Nagtaka naman si Dave kung bakit at ipinanood niya ang video sa BF niya.
"Hindi totoo yan." depensa ni Dave.
"Sinungaling!" umiiyak na sabi ni Carol.
"Stress na nga ako sa work ko sa SSG and sa classroom, ginawa mo pa ito sa akin!"
dagdag pa ni Carol.
"Simula ngayon, wala ka nang GF at sweetie pie!"
Tumakbo si Carol palayo sa circle. Pinagtitinginan man ng mga kapwa estudyante e
wala siyang pakialam.
Napaupo naman habang umiiyak si Dave.
"Krizanne.. bakit mo ginawa to sa akin?" pagmamakaawa ni Dave.
"Dave.. bakit mo to ginawa sa kanya?" 3 years na kayo saka ka pa nagloko.." sumbat ni Krizanne.
Lumapit si Jake, galit na galit niyang sinapak si Dave.
Napatumba si Dave dahil sa lakas ng suntok at tumingin kay Jake.
"Walang hiya ka. Pinagkatiwala ko sayo si Carolyn tapos ganito lang ang gagawin mo sa kanya."
galit na galit na salita ni Jake kay Dave.
Hindi na gumanti pa si Dave dahil alam naman niya na siya ang may pagkakamali.
Si Carolyn ay nasa tapat ng statue nila Fr. Gomburza nakaupo at rinig na rinig ang malakas na iyak.
Nilapitan siya ni Sheen, sabay sabing
"Kawawa namn ang pinaka famous at pinaka mabait na tao sa buong campus, niloko lang
ng kanyang bf at nakipaghalikan sa ' kin ! "
pangaasar ni Sheen kay Carol.
Tumayo si Carol, bagamat luhaan ay tumingin kay Sheen sabay sampal at sabi ng "MALANDI ! "
Nagulat si Sheen at nagwalkout si Carol.
