Chapter 8

141 0 0
                                    

Chapter 8

"Magkakaroon ng Field Trip ang II - Francis sa Biyernes sa Hacienda sa Batangas."

hayag ni Mr. Nolasco, adviser nila.

"Wow! tuwang tuwa ang mga fransiscians sa balita, excited na naman sila

sa "educational" field trip na ito.

Pero hindi gaanong excited si Jake dahil mamomoblema na naman

siya kung sino ang magiging katabi niya sa bus.

Nilapitan siya ni Giane sabay sabing:

"Gusto mo tabi tayo?" paanyaya nito.

"Okey lang?"

"Oo naman! "

"Naghihilik ako pag nakatulog eh"

"HAHA. Don't worry mag dadaala ako ng headphones."

"HAHA. Sige"

Pagkagaling kay Jake ay napakindat si Giane at kilig na kilig.

Pagkauwi naman galing sa school, sila Carolyn at Jake naman ang nagusap - sa kanilang

tambayan ang swing sa playground ng Celeste compound.

"Jake sino katabi mo sa field trip?"

"Si Giane."

"Ayiiieee."

"Nye? Ano namang nakakakilig dun?"

"Di ba may crush sayo yun?"

"Malay ko. HAHA."

"Pogi Pogi mo talaga! "

"Gusto sana kita katabi eh."

"Katabi ko kasi si Dave eh. Sorry Jake."

"No problem :) "

Kinabukasan, bisperas ng field trip, pagkauwian ng mga Franciscians ay dumeretso sa mga malls, convenience store para

bumili ng kailangan bukas habang ang iba ay nagchacharge na ng mga gadgets.

Si Jake naman ay sumadya lang sa malapit na SM para bumili sa department store ng snacks, shirt at

iba pang kailangan bukas.

Si Ms. Famous naman, natulog lang.

Si Giane, dumeretso din sa SM, nagshopping naghahanap ng pwedeng iregalo sa crush niyang si Jake.

"ZoooooooooooooRRRRRRRRKKKKKKK!!!!!"

ayon na naman yung pesteng alarm.

3 : 15 pa lang ng umaga.

Naghahanda na ang lahat, syempre kabilang sina Jake, Carol, Jean, Giane, Dave at Krizanne na pawang mga II - Franciscians.

"Ayon yung bus no# 12"

Nahanap na ni Jake ang bus nila.

Pagakyat sa bus.

Puno na ang lahat ng upuan pati sa gitnang seat ay meron nang nakaupo.

"Jake, Mr. President ikaw na lang ang inaantay namin! Late ka na!" pinagalitan ni Mr. Nolasco si Jake.

Nagtawanan ang lahat ng II - Franciscians.

KUmaway si Giane kay Jake at pinaupo niya ito sa kanyang "reserved seat."

Umandar na ang bus.

Naghihiyawan ang mga Franciscians na over excited.

Habang nasa biyahe, binuksan ng tourer ang videoke.

Hiyaw ng hiyaw ulit ang mga estudyante.

"Sinong gustong kumanta?" tanong ni Ms. Carol sa lahat ng nasa harap.

"Alam ko na! SI Mr. President! "

Hiyawan ulit ang lahat at sumisigaw ng Sample Sample!

Pinagbigyan ni Jake ang mga kaklase.

"Kuya number 04176 po. " sabi ni Jake sa tourer/

"Anong kakantahin mo Jake?" tanong ni Carol.

"If....Ifagpatawad Mo."

"Ang KOOOOORRRRNNIIIII" sigaw ng mga kaklase sa joke ng president nila.

Nagsimula na ang kanta.

Natahimik ang bus nang marinig ang boses ni Jake.

"Ang ganda pala ng boses ni President" sabi ni Krizanne.

Habang kumakanta si Jake, malagkit na titig naman ang ginagawa sa kanya ni Giane.

Nadagdagan pa ang crushness ni Giane kay Jake dahil don.

Palakpakan ang lahat matapos kumanta si Jake.

At nasundan pa iyon ng iba pang song numbers.

Habang papunta sa hacienda, nakatulog si Jake sabay bagsak sa balikat ni Giane.

Nagulat si Giane dito, pero kilig na kilig sa nangyayari.

Nakarating na sila sa hacienda, manghang mangha ang mga franciscians sa laki ng lugar.

Nilibot nila ang hacienda, hanggang makarating sila sa Crocodile Farm.

"Syet. Meron pala nyan dito."

nagulat si jake sa nakita.

Bata pa lamang kasi ay takot na sa mga buwaya.

Napansin ni Giane na kinakabahan si Jake sa pagpasok sa Crocodile Farm.

"Takot ka ano?" pangaasar ni Giane.

"Medyo." (Nanginginig)

"Don't worry, andito ako."

Pumasok sina Giane at Jake sa farm.

Nasa harap ni Jake si Giane na ginagawang pantakip sa mga buwaya.

Pagkatapos noon ay nagpunta naman sila sa resort.

Nagswimming tapos umuwi na rin.

Naging masaya ang Field Trip ng mga Franciscians.

Wala na sigurong mas sasaya pa kay Giane na nakasama si Jake sa buong araw.

Miss FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon